GORGY RULA:
PHP15M ang inilaan ng Puregold na grant para sa 1st CinePanalo Film Festival na gaganapin sa Marso 8-10, 2024 sa Gateway Mall cinemas, Cubao, Quezon City.
Tig-P2.5M ang grant para sa limang full-length films, at tig-P100,000 ang dalawampu’t limang short films.
Ongoing na ang pagsusumite ng application. Sa Oktubre 27, 2023 ang deadline ng pag-a-apply.
Ang tema ng CinePanalo Film Festival ay “Mga Kwentong Panalo ng Buhay.”
Ang ikukunsidera lamang na konsepto ay iyong wholesome, inspiring, at family-oriented. Ligwak ang mga genre ng horror, fantasy, sex, action, suspense, at thriller.
Ang short film category (20-30 minutes) ay open sa students and campus-based filmmakers, na 15 years old or older.
Ang full-length film category (at least 90 minutes) ay para sa amateur and professional participants na 18 years old or older.
Interested participants in both categories must submit the following — a duly accomplished entry form, a synopsis not longer than 300 words, a detailed sequence treatment, a resume of the director with links to sample works (if any), and a digital copy of the director’s profile photo.
Interested participants may email thesecretariat@cinepanalo.com to receive the materials necessary to apply for the grant. All applications must be emailed back on or before October 27, 2023.
“Nagpapasalamat ako sa opportunity na ibinigay ng Puregold na matupad ang isa sa pinakamalaking pangarap ko,” pahayag ng festival director na si Chris Cahilig sa mediacon ng 1st CinePanalo Film Festival noong Agosto 8, Martes, sa Cinema ‘76, Morato Extension, Quezon City.
“Ang magkaroon ng isang film festival na tutulong sa mga filmmakers lalo na sa mga kabataan.
“It’s an advocacy of mine and I’m happy that Puregold shares the same passion for the youth in discovering and supporting the dreams of Filipino filmmakers in coming up with their dream movies.”
Ang awards night ay nakatakda sa Marso 9, 2024 sa New Frontier Theater, Cubao, Quezon City.
Maaari ring magkaroon ng regional screenings ang CinePanalo filmfest entries sa Cebu, Davao, Iloilo, Baguio, at Cagayan de Oro. Ipapalabas siyempre ang mga pelikula ng CinePanalo bilang Puregold Channel content.
Sabi pa ni Direk Chris Cahilig, “Hindi lang siya basta-basta pelikula na ilalabas namin. May chance din na ilabas siya commercially in theaters.
“And we’ll be allowing also the films to participate in international film festivals.”
Ipapalabas siyempre ang mga pelikula ng CinePanalo bilang Puregold Channel content.
Sabi pa ni Direk Chris Cahilig, “Hindi lang siya basta-basta pelikula na ilalabas namin. May chance din na ilabas siya commercially in theaters.
“And we’ll be allowing also the films to participate in international film festivals.”
JERRY OLEA:
Endorsers ng Puregold sina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon. Ipi-pitch ba ang TVJ or kahit iyong previous endorsers para i-cast sa alinmang pelikula ng CinePanalo filmfest?
“Ahh sana… sana open sila. Kasi siyempre, ang problema talaga sa casting, schedule,” sabi ni Direk Chris.
“Ahhh yan yung laging problema ng lahat ng producer at direktor kung paano. Malalaki kasi.
“Kasi minsan, kahit gustung-gusto namin ang isang artista, pero hindi swak yung scheduling.
“Pero definitely, napakalaking bagay na merong kaming community of artists already. Ahhmm kung wala namang conflict, definitely nandiyan sila.
“And siyempre, alam din ng mga artist namin… just to give you an idea, ha? Yung mga cast ng mga past series namin, nung malaman na may film frstival, a lot of them, ‘Direk, sabihan mo naman ako kapag may bagay na role or something.’
“They knew na it’s going to be a beautiful experience again. Kasi talagang nag-enjoy sila sa mga projects namin in the past, and they want to be involved in another Puregold project.”
Kabilang sa YouTube series sa Puregold Channel ang GV Boys nina Jerome Ponce, Nikko Natividad, at Dave Borne; Ang Babae sa Likod ng Face Mask nina Herlene Budol at Joseph Marco; at Ang Lalaki Sa Likod ng Profile nina Wilbert Ross at Yukii Takahashi.
Wagi sa Hashtag Awards ang TikTok series ng Puregold na 52 Weeks starring Queenay Mercado and Jin Macapagal.
Noong Agosto 8, Martes, 8:08 p.m., ay inilabas sa socmed platforms ang trailer ng BL series na My Plantito, starring Kych Minemoto and Michael Ver.
Teka, welcome ba na i-cast if ever sa alinmang CinePanalo entry ang hosts ng Eat Bulaga! (Paolo Contis, Isko Moreno, Buboy Villar, Betong Sumaya, Alexa Miro, Cassy Legaspi, Mavy Legaspi, atbp.) o kaya ay hosts ng It’s Showtime?
“Welcome na welcome! Sana, puwede sila! Siyempre, di ba, parang ang saya sana!” napangiting bulalas ni Direk Chris.
“Kasi ang gagaling nilang mga artista rin, at napaka-established. Pero again, kagaya ng sinasabi ko that casting is very difficult also.
“Siyempre kinakailangang appropriate yung artista to the role, and at the same time sana, kung appropriate man, available sila just in case.”
NOEL FERRER:
Naghahanap ng audience ang mga pelikulang pagpapalabasan. Katulad na lang ng Marupok AF na naging Opening Film ng Cinemalaya 2023 noong Agosto 4, hindi pa alam kung saan at kailan ito ipapalabas commercially.
Ang Third World Romance na naging closing film ng 19th Cinemalaya noong Agosto 13, pero ngayong umpisa ng Ghost Month na palabas na ito sa mga sinehan, nauna lamang ito nang kaunti sa The Cheating Game.
Nasaan ang audience na Pinoy? Nasa streaming na ba talaga?
