GORGY RULA:
Sa susunod na linggo ay magpapa-checkup na ang maybahay ni Quezon City Councilor Alfred Vargas na si Yasmine Espiritu, at baka malaman na nila kung boy o girl ang baby na ipinagbubuntis nito.
Read: Alfred Vargas, hands-on sa pagbabantay sa maselang pagbubuntis ng misis na si Yasmine Espiritu
"Hindi pa namin alam, e. Pero baka next week magpapa-check up na si Yasmine," pakli ni Alfred nang tinanong namin kung may pa-gender reveal na ba sila sa magiging fourth baby nila ni Yasmine.
Nakatsikahan namin si Alfred sa premiere night ng pelikulang Badge of Honor na magsu-showing na sa mga sinehan sa Miyerkules, August 16, 2023.

Siya lang mag-isang dumating sa premiere night dahil parang hindi pa raw kaya ni Yasmine na lumabas-labas dahil sa nahihirapan pa rin ito sa pagbubuntis.
"Nalampasan na niya yung first trimester, pero hirap pa rin siya. Pero mas nag-improve.
“Thank you very much sa lahat ng support at saka prayers ng mga kaibigan natin. Nakikita ko yung ano niya...
"Ano kasi si Yasmine, yung misis ko, talagang nanay na nanay talaga. Talagang ano siya... talagang lahat, gagawin niya para sa mga anak niya.
"Dun naman ako lalong bumilib at lalong na-in love sa asawa ko," proud na pahayag ni Alfred tungkol sa asawa.
Naka-bed rest pa rin daw si Yasmine, pero may pagkakataong nakakalabas naman daw ito kapag okay ang pakiramdam niya.
"Bed rest pa rin siya. Actually ngayon, kung hindi siya ano.... usually kasama ko naman siya. Bed rest siya. Minsan, hinaharana ko na lang.
"Pero minsan pag nakaipon siya ng lakas, lumalabas naman siya. Pag kaya, there are good days na lumalabas na siya, tapos uwi na rin kami agad," sabi pa ni Alfred.
Read: Yasmine Vargas shares pregnancy struggles
JERRY OLEA:
Hindi pa alam ni Alfred kung magpapa-gender reveal sila. Wala pa raw talaga silang ideya kung boy o girl ang ipinagbubuntis ni Yasmine.
Ano sa pakiwari ni Alfred ang gender ng magiging fourth baby nila?
"Ako, honestly, ha? Pag tinitingnan ko siya sa umaga, sa hapon sa gabi, ang ganda-ganda niya, e. Parang glowing siya at mas blooming siya.
"Parang ano, ha? Ayoko namang i-preempt, pero parang girl e. Tingin ko, ha? Kasi gumaganda siya lalo, e, na blooming na ano.
"Although hirap na hirap siya. Pero ang kinis, tapos ang ano... yung parang radiant siya.
“E, yun din yung na-experience ko, e, dun sa dalawa naming babae, di ba?"
NOEL FERRER:
Kanya-kanyang diskarte iyan kung magpapa-baby reveal o hindi. Iba-iba ang trip ng tao, igalang lang natin ang desisyon nila.
Pero akin lang ito… kung ako lang ang baby, hindi ko yata gustong makita na may ibang tao na frustrated na hindi katulad kong gender ang hinuhula at ninanais nila.
Pero sabi ko nga, kanya-kanyang trip iyan at walang basagan ng trip.
Mabuti na lang at nasa maayos nang kalagayan si Yasmine at ang pamilya nila ni Alfred Vargas.
