PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Dolly de Leon's Cinemalaya Speech Mistake

Dolly de Leon, "napatawad" na ang mga nag-reject sa kanya noon sa Cinemalaya.
by PEP Troika
Published Aug 14, 2023
dolly de leon cinemalaya awards night
Dolly de Leon: “Ang ibig kong sabihin, first time kong… mag-deliver ng speech sa harap ng mga tao habang nakatanggap ng award sa Pilipinas. Kasi dati nung nakatanggap ako, dinilever lang sa bahay namin yung award sa FAMAS. So, hindi ko na-experience yung ganitong event na aakyat ka, tapos magte-thank you ka. First time ko ito.”
PHOTO/S: Kiko Cabuena

GORGY RULA:

“Grabe, guys, hindi ko talaga ine-expect ‘to!”

Pasakalye iyan ni Dolly de Leon sa kanyang acceptance speech bilang best supporting actress ng Cinemalaya XIX: ilumiNasyon para sa animated film na Iti Mapukpukaw.

Ang awards ceremony ay ginanap nitong Agosto 13, 2023, Linggo ng gabi, sa PICC Lobby.

Pagpapatuloy ni Dolly, “Hindi talaga! Pero thank you, thank you so much Carl Papa for your beautiful script, your beautiful story.

“Kung hindi dahil sa iyo, talagang hindi ito mangyayari.

“Salamat po, Project 8, Direk Tonette [Jadaone], Direk Dan [Villegas]. My God, sino pa?! Si Caloy at saka si Gio Gahol. Carlo Aquino at Gio Gahol.

“Maraming salamat po sa inyong lahat. Grabe! First time kong makatanggap at magsalita ng award dito sa Pilipinas.

“Ang sarap pala ng feeling! Yeaahhh!” maigting na bulalas ni Dolly.

Kasama rin si Dolly sa pelikulang Ang Duyan ng Magiting, na nagkamit ng special award para sa Best Ensemble Acting.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang best supporting actor ng Cinemalaya 2023 ay ang taga-Pandi, Bulacan, na si Bon Andrew Lentejas para sa Huling Palabas.

Sina Dolly at Bon ay parehong mina-manage ni Ferdy Lapuz.

Ang best actor ay si Mikoy Morales para sa Tether, at ang best actress ay si Pat Tingjuy para sa Rookie.

Read: Mikoy Morales, Pat Tingjuy bag top acting awards in Cinemalaya 2023

JERRY OLEA:

Nagwagi si Dolly noong 2020 bilang best supporting actress sa FAMAS para sa Verdict (2019) na tinampukan din nina Max Eigenmann at Kristoffer King. Kaya mali iyong sinabi niyang first time niyang tumanggap ng award sa Pilipinas.

Read: Janine Gutierrez, Babae at Baril biggest winners at FAMAS Awards

Kasabay pa naman ng awading ceremony ng Cinemalaya 2023 ang 71st FAMAS Awards sa Manila Hotel.

Read: FAMAS best actress goes to Nadine Lustre; best actor to Noel Trinidad

Paghingi ni Dolly ng paumanhin, “Sorry, mali ang sinabi ko, as in hindi ako prepared. Hindi ko akalaing mananalo ako, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ang ibig kong sabihin, first time kong… mag-deliver ng speech sa harap ng mga tao habang nakatanggap ng award sa Pilipinas.

“Kasi dati nung nakatanggap ako, dinilever lang sa bahay namin yung award sa FAMAS. So, hindi ko na-experience yung ganitong event na aakyat ka, tapos magte-thank you ka.

“First time ko ito.”

Anong naramdaman niya?

“Sobrang sarap. Kasi Cinemalaya ito, e.”

At dati, sa auditions pa lang ng Cinemalaya ay na-reject-reject na siya!

Natawa si Dolly, “Ha! Ha! Ha! Ha! E, ganun talaga! OK na yun. Napatawad ko na sila. Napatawad?! Ha! Ha! Ha!”

Of course, nagbibiro lang si Dolly.

Sa mediacon ng Cinemalaya XIX noong Hulyo 5 sa PICC, inihayag niyang OK sa kanyang maging suporta sa lahat ng competing films ng Cinemalaya, pati na sa short films.

Super proud si Dolly sa dalawang entry niya sa Cinemalaya this year na Iti Mapukpukaw at Ang Duyan ng Magiting.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ang co-stars niya sa A Very Good Girl na sina Kathryn Bernardo at Jake Ejercito ay nanood ng Iti Mapukpukaw noong Agosto 12, Sabado ng gabi, sa PICC.

“Yes! Halos lahat ng cast namin sa A Very Good Girl, nanood. Saka crew, nanood sila.”

Sabi ni Bb. Shamaine Centenera Buencamino, na chairperson ng lupon ng inampalan, hindi nahirapan silang mga hurado sa pagpili ng winners. Unanimous daw ang pagpili ng mga hurado sa animated film na Iti Mapukpukaw bilang best film.

“Weehhh! Talaga?!”

Yes! At maski na-rotoscope ang pagganap ni Dolly sa Iti Malukpukaw, para sa mga hurado ay nakaaangat iyon.

“Kasi umaarte talaga kami dun, e. Talagang kinunan nila kami dun, nag-talaga shoot kami,” mahinay sa sabi ni Dolly.

“Thank you at nakita ni Shamaine yun. What an honor naman!”

Read: Highlights and sidelights of Cinemalaya 2023 awards night

NOEL FERRER:

Pawang first-time winners sa Cinemalaya ang nagsipanalo ng acting awards, kahit na ang Golden Globes nominee na si Dolly de Leon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sana, pagkatapos ng award na ito, mas marami pang magagandang projects ang kanilang kabibilangan. Yung hindi lang sila pansahog sa marami, kundi iyon yung magiging showcase talaga ng kanilang galing!

Exciting kung ano pa ang puwedeng mangyari sa careers ng mga nagsipanalo sa Cinemalaya!!!

Basta, masaya tayo para sa kanila!

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dolly de Leon: “Ang ibig kong sabihin, first time kong… mag-deliver ng speech sa harap ng mga tao habang nakatanggap ng award sa Pilipinas. Kasi dati nung nakatanggap ako, dinilever lang sa bahay namin yung award sa FAMAS. So, hindi ko na-experience yung ganitong event na aakyat ka, tapos magte-thank you ka. First time ko ito.”
PHOTO/S: Kiko Cabuena
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results