PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Zamora-Sanchez Kids Win Hip Hop Title

Bayanihan, umiral sa mga Pinoy sa World Hip Hop Dance Championship.
by PEP Troika
Published Aug 14, 2023
javen zamora gela atayde
Kabilang si Javen Zamora (kaliwa), anak ng Manoeuvres dancer na si Joshua Zamora, sa HQ dance crew na nanalo ng gold medal sa Adult division ng World Hip Hop Dance Championship 2023; ang anak naman ng aktres na si Sylvia Sanchez na si Gela Atayde (kanan) ay kabilang sa Legit Status, na nanalo ng gold sa Megracrew division.
PHOTO/S: Instagram

GORGY RULA:

Umiral sa mga kababayan natin sa Amerika ang bayanihan nang lumaban ang tatlong grupo ng mga kabataang Pinoy sa nakaraang World Hip Hop Dance Championship na ginanap sa Phoenix, Arizona, noong August 6.

Ilang grupong Pinoy ang lumaban sa mga magagaling na hip hop dancers mula sa 54 bansa. Tatlong grupo ng Pinoy ang umabot sa finals at nakakuha ng medalya.

Naka-gold sa adult division ang grupong HQ, kung saan kabilang ang anak ni Joshua Zamora ng Manoeuvres na si Javen Zamora.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

hq world hip hop world championship

Ang anak naman ng mag-asawang Sylvia Sanchez at Art Atayde na si Gela Atayde ay kasama sa Legit Status, na nakakuha ng gold medal sa megacrew division.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang nagwagi ng bronze sa megacrew division ay ang UP Streetdance Club, na grupong Pinoy rin.

up streetdance club

Kasama naman sa Legit Status ang anak ng kaibigan naming mag-asawang Alvin at Astrid Enciso na si Alexis Nickole Enciso, isang Industrial Engineering student ng La Salle University.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

alexis enciso

Alexis Nickcole Enciso

Naikuwento sa amin ni Alexis kung paano sila suportahan ng mga Pinoy na naninirahan sa Arizona.

Text sa amin ni Alexis, “I was really glad to see the Filipino community in Arizona being very supportive of all the Philippine teams that qualified for Worlds. Most especially the Filipinos that helped in sponsoring some of our meals, they made sure to provide us with good food and snacks to get us through the competition stretch."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakausap din namin ang dating aktor na si Ihman Esturco, at ibinahagi niya kung paano nila tinulungan ang mga kabataang Pinoy hanggang sa lumaban sila sa finals.

Ang ibang kabataang walang budget na magpa-book ng accomodation sa hotel ay kinupkop ng ilang Pinoy na tagaroon. Ang iba pang suportang ibinigay nila ay ang pagpapakain sa 180 na mga kabataang sumali mula breakfast hanggang dinner, pati ang snacks.

"Malaking bagay pa rin yung may pagkain sila mula breakfast hanggang dinner, meron sila. Grabe talaga yung support system.

"Hanggang sa dumating na yung sitwasyon na tumambak na yung pagkain.

“Pinakain namin sila Jollibee, nakakatuwa naghihiyawan pa sila nang kumain kami sa Jollibee.

"Galing kayo ng Pilipinas, parang hindi kayo nakakain sa Jollibee," natatawang kuwento ni Ihman.

Sobrang involved ang mga kababayan natin sa Arizona sa laban ng mga kabataang ito dahil nakita raw nila kung gaano kapursigido silang lumaban.

Hindi raw nila inaalintana ang sobrang init sa Arizona basta makapag-rehearse lang. Nagpapadala raw sila ng pagkain doon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kuwento pa ni Ihman, "Alam niyo pag nakikita mo silang nagpi-perform, at saka yung mga mukha nila kung gaano sila kaano... hindi nila iniintindi ang init sa Arizona.

"Alam mo kung saan sila nagri-rehearse? Sa open court na pagkainit-init. Kasi ganun ang training nila. Saka yung energy nila na ewan ko, parang mga machine sila."

Kaya sobrang tuwa ng dating aktor nang nasungkit ng mga kabataang ito ang championship.

NOEL FERRER:

Humingi ng tulong si Joshua Zamora kay Ihman na tutukan ang kanyang anak na si Javen, lalo nung nagka-injury ito sa elimination ng naturang competition.

"Nag-message sa akin si Joshua, 'Ang anak ko, si Javen.’ Pumunta na ako dun. Perfect naman tamang-tama, dun na nag-umpisa yung ano.

"I started calling out the attention of the community, kasi nga si Javen, part siya ng ano... huli ko lang nalaman na ang anak ni Sylvia, nandun din.

“Si Javen, nagka-injury during the elimination. Siya yung tuma-tumbling tumbling, e. Sabi ko, 'Javen, kaya mo ba?’ sabi kong ganun sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kasi siyempre, worried din ako sa bata. Pinatutukan ni Joshua. Sabi niyang ganun, 'Yes, ito, kaya ko ito. Walang atrasan ito!’

"Tuwing after na sasayaw sila, alam mo yung bubuhatin siya ng mga kasamahan niya. Pero the show must go on!"

Kaya naka-bonding ni Ihman ang karamihan sa mga kabataang bahagi ng grupo dahil lagi nila itong sinasamahan.

Masuwerte raw ang iba na nasamahan sila ng kanilang magulang. Pero ang karamihan ay talagang kailangan ng suporta at paggabay nila.

Sulit naman daw ang lahat na hirap nila dahil nag-champion, kahit kapos sila ng budget. Nag-fundraising ang mga kabataang ito para pambili ng ticket nila at para sa accomodation.

Masuwerte ang iba na kaya ng magulang nila na makabili ng ticket at makapag-book ng hotel na matitirhan nila. Pero ang iba ay talagang umasa lang sa tulong ng ilang sponsors.

JERRY OLEA:

Ikinuwento rin ni Ihman Esturco sa PEP Troika na mas matindi noon ang pinagdaanan ng grupo ng mga kabataang taga-Davao, ang Kindred Megacrew.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May 40 members daw ang grupong ito na lumaban sa World Hiphop Championship na unang ginanap sa Phoenix, Arizona nung 2017.

Galing sila ng Los Angeles, California, at stranded daw ang grupong ito sa Greyhound station papuntang Arizona, dahil kinapos na sila ng budget. Tumambay lang daw sila sa McDonald's at naghanap sila ng mahihingan ng tulong.

Kasali pala roon ang pamangkin ni Ihman sa pinsan, at mabuti na-contact siya sa Messenger. Nawindang siya nang nalaman niyang ang baong dala raw ng pamangkin niya ay P7,500 p lang

"Ang lalakas ng loob ng mga batang ito. Grabe yung fire ng ano nila... e, stranded na sila sa Greyhound, tapos tambak sila sa McDonald's, e, pinalalabas na sila dun. Kasi nga, ang dami-dami nila, tapos nakatambak sila dun.

"Tumatawag ako kay Fleur Magbanua-Montagne [ina ng beauty queen na si Maureen Montagne]. "Sabi ko Fleur, tumawag ka nga sa [Philippine] Embassy, sabihin mo, kinu-cover mo ito, natakot ang mga taga-Embassy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Sabi ko, 'Remember, ang mga dancers na iyan, galing sa hometown ng Presidente Duterte,’ nung time nun.’

"Nagpuntahan yung mga taga-Embassy para ihatid sila sa Arizona. Tapos nag-ingay na kami sa social media.

"So, lahat ng Pilipino, parang nagising, nagdalahan na sila ng mga pagkain, pati yung mga transportation nila, yung rehearsal venue nila, ganun. Malaking bagay yun.

"Tapos yung Filipino couple na sina Cyche Johnson and Robert Johnson, yung 40 lahat in-accomodate nila. Tapos nalaman namin na meron pa palang iba, mga 300 plus na nandito na sila sa Arizona.

"Inalam na namin yung location, pinagdadala na namin ng mga pagkain, binigyan ng accomodation.

"Ang kagandahan lang dito sa Arizona, ang lalaki ng bahay. Saka ang community dito ng mga Pinoy, madali lang, e," bahagi ng mahabang salaysay ni Ihman.

Nung panahong yun ay nakakuha raw ng bronze ang Kindred Megacrew. Pero nung sumunod na taon, 2018, ay sumali raw uli sila at nakuha na ang championship.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kaya pakiusap ng mga kababayan natin doon sa Arizona, sana raw ay mabigyan ng atensiyon ng ating gobyerno ang mga kabataang ito na talagang nagpupursiging makasali sa ganito kalaking hiphop competition para mabigyan ng karangalan ang ating bansa. Magandang inspirasyon daw ang hatid ng mga grupong ito sa kabataang Filipino.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kabilang si Javen Zamora (kaliwa), anak ng Manoeuvres dancer na si Joshua Zamora, sa HQ dance crew na nanalo ng gold medal sa Adult division ng World Hip Hop Dance Championship 2023; ang anak naman ng aktres na si Sylvia Sanchez na si Gela Atayde (kanan) ay kabilang sa Legit Status, na nanalo ng gold sa Megracrew division.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results