GORGY RULA:
"Hi kuya! it's a girl! hahaha!" text sa akin ni Pauleen Luna-Sotto ngayong Martes ng umaga, August 8, 2023.
Read: Pagbubuntis muli ni Pauleen Luna, in-announce sa National Dabarkads Day celebration ng E.A.T.
Late na raw ng gabi natapos ang gender reveal party na ginanap sa kanilang tahanan nung Lunes ng gabi, August 7.
Sina Danica Pingris at Joy Sotto ang nag-organize ng gender reveal party na ngayon lang na-experience ni Pauleen.
Read: Pauleen Luna, excited sa gender reveal party
"SOBRANG SAYA!!! Ngayon lang ako nakakita ng gender reveal na ganito [laugh emoji]," dagdag niyang text.
Ang simple lang daw kasi ng pa-gender reveal nila noon kay Talitha na kung saan ginawa ng Dabarkads ng dating Eat Bulaga! sa studio.
"Super simple lang. Sa EB yun, kumagat lang kami ng cake hahaha!" text pa ni Pauleen.
Pero ang saya raw ng buong pamilya sa party na yun na very intimate. Ginawa lang daw nila yun para kay Tali na pinaka-excited sa lahat.
Ang gusto kasi ni Tali ay baby sister, kaya nag-effort sina Danica at Joy na buuin itong gender reveal party para lalong ikatutuwa ni Talitha.
Pero kung sobrang saya ni Tali, lalo naman ang ama na hindi raw napigilan ni Vic Sotto na maging emotional.
"Super saya siyempre! Si Vic, umiyak," dagdag na text ni Pauleen sa amin.
Hindi lang daw nakapagkuha si Pauleen ng pictures at video sa phone niya. May in-assign daw silang official photographer na kumuha ng lahat na tagpo sa naturang party.
Nangako siyang magbibigay ng ilang pictures at video para sa PEP.
Congratulations kina Bossing Vic at Pauleen sa dagdag na miyembro sa kanilang pamilya!
JERRY OLEA:
Sa kainitan ng Battle of Noontime Shows, nakaka-good vibes ang ganitong balita.
Sa It’s Showtime, ang pinag-iinitan ng iba ay sina Vice Ganda at Ion Perez.
Sa revamped Eat Bulaga!, anong happy news naman kaya ang ihahatid nila? Abangan!
NOEL FERRER:
Masaya tayo para kina Bossing Vic, Pauleen, at Tali.
With this new baby girl, lalong titibay ang bigkis ng pagmamahalan ng kanilang pamilya!
Cheers!
