GORGY RULA:
Malapit nang ilunsad ng NET25 ang mga bagong tuklas na artistang ima-manage ng NET25 Star Center ni Eric Quizon.
Halos 30 daw ang mga napili nilang ima-manage simula sa edad 12 hanggang 26.
Isa sa napili nila ay ang baguhang singer/actress na si Shira Tweg.

Kasali si Shira sa pelikulang Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko kung saan siya ang gumanap na young Sharon Cuneta.
Nakitaan ng NET25 Star Center na may potential si Shira kay kinuha nila ito para isama sa mga kabataang iti-train at bibigyan ng show sa naturang network.
Sabi ni Shira nang nakatsikahan namin sa DZRH nung nakaraang Martes, August 1, halos araw-araw ang workshop nila.
"Nag-audition po ako sa NET25 like few months ago, nakuha po ako. Ngayon po nagwu-workshop kami. They train us to sing, dance, hosting po.
"Under po siya kay direk Eric Quizon. Binibigyan po niya kami ng different coaches po, for acting, for singing, iba iba pong coaches," saad ni Shira.
"Sa September po magkakaroon kami ng recital, parang launching, parang ganun po," dagdag niyang pahayag.
Nakapag-guest na raw siya sa ilang shows ng NET25, pero isinisingit pa ng batang singer/actress ang pagpu-promote ng single niyang “Pag-ibig” under Star Music.
Isa rin siya sa special guest ni Gerald Santos sa Erase Beauty Concert series na sinimulan nila sa Navotas Sports Center nung Sabado, August 5.
Kasama rin si Shira sa benefit concert na One Night Only with Angeline Quinto para sa The Childhaus. Gaganapin ito sa August 17 sa Clowns Republic sa Quezon City.
Kinuha rin si Shira ng nagbabalik-showbiz na si Rhene Imperial sa pelikula niyang Ang Siga ng Tondo... Daw ng R.A.C. Imperial Multimedia Production.
Good luck kay Shira at sa ibang promising talents na ilulunsad ng NET25!
JERRY OLEA:
Ang GMA-7, may Sparkle, na dating Artist Center. Ang mga artista nila, rumampa sa GMA Gala noong Hulyo 22 sa Marriott Hotel.
Ang ABS-CBN merong Star Magic, na dating Talent Center. Meron silang catalog, at nagdaos din ng Ball.
Hopefully ay pumasok din kahit paano sa ating consciousness ang mga bituin ng NET25 Star Center.
Malaking hamon ito sa kakayahan ni Eric Quizon, considering na si Anjo Yllana sana noon ang hahawak ng talent agency ng NET25.
NOEL FERRER:
There will always be a space of good and talented and pleasant new artists.
Sana, mabigyan talaga ng chance na sumikat ang mga bagong tuklas na ito.
