PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Gerald Santos wows 50K-strong crowd at NY Mets baseball game

Gerald Santos, sasabak sa Erase Beauty Care concert series
by PEP Troika
Published Aug 5, 2023
Gerald Santos
Napabilib ni Gerald Santos (in dark pants) ang mahigit 50,000 na crowd sa CitiField Stadium, New York nang awitin niya ang "Star Spangled Banner" bago magsimula ang laban ng New York Mets at Milwaukee Brewers kamakailan. Kasama ni Gerald ang The Outstanding Filipinos in America (TOFA) Performing Artists.
PHOTO/S: @elton_lugay on Instagram

GORGY RULA:

Ngayong Sabado, August 5, magsisimula ang Erase Beauty Care concert series ni Gerald Santos na gaganapin sa Navotas Sports Complex.

Gerald Santos

Special guests niya rito sina Joaquin Domagoso, ang TikTok star na si Bernie Batin, at mga promising singers na sina Shira Tweg, Christi, Jhassy Busran, MJ Manuel, Erika Mae Salas at marami pang iba.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagpapasalamat si Gerald dahil pagbalik niya galing Amerika at ang natapos niyang Miss Saigon sa Copenhagen, Denmark, nandiyan pa rin ang mga supporters niya at ni-renew pa ang ilan niyang endorsements.

Pumirma siya nung Biyernes, August 4, kay Dr. Exequiel 'Bing' Yumang ng Contura Medica na matagal nang sumusuporta sa kanya.

Masayang ikinuwento ni Gerald na naka-617 shows siya ng Miss Saigon sa Denmark kung saan purong Danish ang lengwahe niya, at pinuri siya sa magaling niyang performance bilang Thuy.

Nagulat daw siya dahil parang lumaki ang role na ginagampanan niya. Sa curtain call daw nila ay second to the last na siya tinatawag.

Natuwa raw sa kanya ang Philippine Ambassador to Denmark na si Sir Leo Herrera Lim, kaya bago siya umalis, ginawaran siya ng Certificate of Commendation.

Ibinigay ito sa kanya dahil sa excellent portrayal niya bilang Thuy in Danish language.

Nagkaroon pa raw siya ng ilang shows doon sa Filipino community ng Denmark.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pagkatapos sa Denmark ay sandali siyang nagbakasyon sa Paris, at naisip daw niyang tumuloy na sa Amerika para magamit na raw niya ang kanyang U.S. visa.

"It was like a spontaneous decision to visit the U.S. Gusto ko kasing manood ng Broadway musicals, because I'm a big fan of Josh Groban and he's playing Sweeney Todd in Broadway.

"Isa yun sa mga main reasons why I wanted to go to New York para manood ng Broadway. Ayun! Nakapanood nga ako kahit sobrang masakit talaga sa bulsa dahil sobrang mahal ng ticket sa Broadway.

"I got the opportunity to take a photo with him [Josh Groban]. It was really inspiring," bahagi ng pahayag niya sa nakaraang mediacon niya nung Biyernes sa Oriental Palace, Quezon City.

Ang dami pa raw niyang napanood na Broadway musicals, at nagkaroon pa raw siya ng chance na mapanood ang Here Lies Love.

"In-invite ako ni Lea Salonga sa Here Lies Love, their preview. Naging productive ang aking New York trip," dagdag niyang pahayag.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Pero ang memorable daw talaga sa kanya roon ay ang pagkanta niya ng National Anthem ng USA na “Star Spangled Banner” sa baseball game ng New York Mets at Milwaukee Brewers na ginanap sa Citifield Stadium ng New York.

Gerald Santos sings the Star Spangled Banner prior to a New York Mets-Milwaukee Brewers game at the CitiField Stadium in New York City

Kasama raw niyang kumanta ang TOFA, o The Outstanding Filipinos in America.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Gerald Santos

"Sobrang kabado ako nun. HIndi ko ma-explain yung kaba ko, dahil we know how Americans react. They're really vocal.

"Tapos, nung before pa ako tumuntong ng stage, may mga Americans na naririnig na nagpa-practice ako. Sabi nila, ‘This is a hard crowd. Better be good,' sabi sa akin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“So, lalo na akong na-pressure. Yun yung naramdaman ko. Nung nandun na kami sa stadium, nung kumakanta na ako, it became even more challenging. Kasi, grabe yung echo. Sobrang laki nung stadium.

"So, I underestimated yung echo. Hindi ko akalain na ganun maging kagrabe. So, lesson yun sa akin next time, kapag kakanta sa stadium, bring an ear plug. But ayun, I was able to pull it off, kasi na-survive ko naman.

“Maganda naman yung naging rendition, and nung bandang ending na, nung patapos na yung song, talagang nagsisigawan na yung mga tao. May mga fireworks. And then after the performance, may mga sumalubong sa akin, 'Good job, buddy!’ Mga Americans yun.

"Sabi ko, 'Wow! That was such a relief," masayang kuwento ni Gerald Santos.

JERRY OLEA:

Dagdag pang kuwento ni Gerald, parang nakatulala pa raw siya pagkatapos ng performance na hindi niya akalaing nairaos niya yun at pinuri siya sa rendition niya ng “Star Spangled Banner.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Actually, parang wala ako sa sarili ko after. Parang hindi ko ma-explain yung pakiramdam ko. I was speechless. Parang naging clouded na yung isip ko na parang wow! Parang, did I just do that?

"Parang, na-perform ko yung ‘Star Spangled Banner’ in front of… like nung time na yun, like 50 thousand yung nandun na mga Americans. It was such a big game! So, nawala ako sa sarili ko nun for awhile.

"Nagkaroon ako uli ng consciousness nung kinu-congratulate na ako ng mga Americans sa likod."

NOEL FERRER:

Hindi pa alam ni Gerald kung meron pa siyang kasunod na Miss Saigon, pero patuloy daw ang audition niya para sa mga susunod na musicals na gagawin niya.

"I'm auditiong right now. I cannot disclose pa sa ngayon ng mga future projects pero may malalaking naka-line up," pakli niya

Hindi lang daw muna niya masabi, pero may mga naka-line up daw siyang panibagong performance sa ibang bansa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Abangan niyo po, meron din akong hinihintay na international stint din. Abangan niyo po yan," nakangiti niyang pahayag.

Pero may gagawin daw muna siyang single para sa Polyeast na bagong kanta raw na ginawa ni Marion Aunor.

"Sa ngayon, maglalabas ako ng bagong single for here. Abangan nila. Napakaganda ng song.

"I haven't recorded it yet, kasi kararating ko lang nga a week ago, and I'm really excited about this.

"This is a Tagalog song na kakaibang Gerald din ang maririnig nila. Although, I'm being recognized ngayon parang sa musical theater. Pero ngayon, bumabalik ako sa pop roots dito sa song na ito.

"I'm excited kasi parang sa contemporary music talaga siya," saad ni Gerald.

Bandang huli ay sinabi na rin niya ang title na “Ako Na Lang.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Napabilib ni Gerald Santos (in dark pants) ang mahigit 50,000 na crowd sa CitiField Stadium, New York nang awitin niya ang "Star Spangled Banner" bago magsimula ang laban ng New York Mets at Milwaukee Brewers kamakailan. Kasama ni Gerald ang The Outstanding Filipinos in America (TOFA) Performing Artists.
PHOTO/S: @elton_lugay on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results