PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

'E.A.T.' bang mas tinutukan?

Banggaan ng 'E.A.T.' at 'Eat Bulaga!' sa ratings, lalong tumitindi.
by PEP Troika
Published Jul 31, 2023
e.a.t. eat bulaga anniversary
Parehong nagkaroon ng selebrasyon ang E.A.T. ng TV5 (top) at ang 'Eat Bulaga!' ng GMA-7 (below) para sa 44th anniversary ng longest-running noontime show sa Pilipinas noong July 29, 2023, Sabado.
PHOTO/S: TVJ Facebook / TAPE Inc. Facebook

GORGY RULA:

Dahil ilang araw na tayong binabagyo, nasa kani-kanyang tahanan lang ang karamihan ng mga tao at okay nang manood ng telebisyon. Mataas ang viewership nitong mga nakaraang araw, lalo na sa hapon.

Sinimulan ito ng mainit na tapatan ng Eat Bulaga! ng GMA-7 at E.A.T. ng TVJ sa TV5.

Read: Ratings war explained: how are noontime shows faring amid new TV landscape?

Nung nakaraang Biyernes, July 28, 2023, ay naka-tape ang E.A.T. dahil nasa Baguio City ang legit Dabarkads para sa wedding nina Maine Mendoza at Arjo Atayde.

Read: Maine Mendoza and Arjo Atayde are now married

Naka-5% ang E.A.T., at naka-4.2% ang Eat Bulaga!. Ang It's Showtime naman ay naka-3.8%.

Nung nakaraang Sabado, July 29, ay tumaas pa ang rating ng dalawang noontime shows na parehong may selebrasyon: National Dabarkads Day ang sa E.A.T at 44th anniversary celebration naman ang sa Eat Bulaga!.

Naka-5.6% ang E.A.T., at 4.6% naman ang Eat Bulaga!.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bahagyang bumaba ang It's Showtime na naka-3.4%.

Read: 'E.A.T.' at 'Eat Bulaga!' sabay na nagdiwang ng anibersaryo

Live na ngayong Lunes, July 31, ang E.A.T. sa TV5.

Live din ang Eat Bulaga!, at nasa Albay naman sina Isko Moreno at Buboy Villar para mag-"G sa Gedli." Naghatid na rin sila roon ng mga ayuda sa mga nasalanta ng pagputok ng bulkang Mayon.

Read: Paolo Contis, sinagot ang batikos na "Fake Bulaga" ang revamped 'Eat Bulaga!'

Kumpleto sina Tito, Vic & Joey sa E.A.T., na ninong sana sa kasal nina Maja Salvador at Rambo Nuñez. Pati ang ilang Dabarkads ay hindi na rin pumunta sa Bali, Indonesia, para dumalo sa majestic wedding nina Rambo at Maja.

Sina Maine Mendoza at Miles Ocampo lang ang Dabarkads na dumalo sa Bali, Indonesia.

Read: Maja Salvador-Rambo Nuñez wedding guests arrive in Bali, Indonesia

Samantala, hindi na sinagot ni Paolo Contis ang tweet ni Tito Sen tungkol sa sinabi ng Eat Bulaga! host na nasasaktan sila kapag tinatawag silang "Fake Bulaga."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Hahaha!" lang ang text ni Paolo sa PEP Troika.

Kung hindi naman talaga kailangan, ayaw na raw niyang magsalita. Ayaw na raw niyang mag-emote pa.

Read: Tito Sotto urges TAPE to change title of ‘Eat Bulaga!’ after Paolo Contis’s speech about ‘Fake Bulaga!’

JERRY OLEA:

Noong Hulyo 29, Sabado, natanggap ko sa email ang press release ng MTRCB bilang paalala sa TV stakeholders.

Ang nilalaman niyon, “Pinaalalahanan ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson Lala Sotto-Antonio kamakailan ang lahat ng Television (TV) Networks, Blocktimers, Program Producers, at Distributors na tiyaking ang mga suot ng mga talent ay ligtas at angkop sa performances.

“Inilabas ng MTRCB ang Memorandum bunsod ng magkakasunod na wardrobe malfunctions na namataan ng Ahensiya sa ilang live TV programs.

“Binigyan-diin ni Sotto-Antonio na ang MTRCB ‘ay kumikilala sa aksidente ng wardrobe malfunction pero, gayunpaman, ang MTRCB Board ay mariing nagpapaalala sa mga stakeholder na doble-ingat sa gitna ng madalas na pagkasira ng wardrobe ng ating mga performer at talent.’

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“‘Binabalaan ang lahat na sakaling maulit ang mga kahalintulad na sakuna ay lalapatan ng mas mabigat na parusa,’ dagdag niya.

“Ayon sa Section 8, Chapter V ng Implementing Rules and Regulations of the Presidential Decree No. 1986, ang mga live television programs tulad ng noontime variety shows at talk shows, ay kinakailangan na mag-superimpose ng katagang Parental Guidance (PG) sa TV screen sa buong airing ng programa.

“Ang superimposition ng naturang rating ay bilang paalala sa mga magulang at TV stakeholder na maging mapagmatyag at mabigyan ng pansin ang content na maaaring hindi angkop sa mga kabataan, lalunat ang mga programa sa telebisyon ay umeere ng live.”

Nakakalungkot na kumakalat pa rin sa socmed ang videoclip kung saan nag-hello ang right nipple ni Regine Tolentino habang nagsasayaw sa It's Showtime.

Read: Regine Tolentino on nip slip on 'It’s Showtime': “I was so terrified and humiliated.”

Ngayong Hulyo 31, Lunes ng hapon, natanggap ng PEP Troika ang latest press release mula sa MTRCB:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Nag-issue ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ng Notice to Appear at Testify sa Producers ng noontime variety show ‘It’s Showtime’ bunsod ng patong patong na reklamo na natanggap ng Board patungkol sa mga eksena na nagpakita ng diumano’y indecent acts nina Vice Ganda at Ion Perez sa ‘Isip Bata’ segment ng show na ipinalabas noong ika-25 ng Hulyo 2023 sa channels GTV at A2Z DZOZ/DZOE 11.

“Ang naturang eksena ay lumalabag sa Section 3 (c) ng Presidential Decree No. 1986. Naka schedule ang paglilitis sa ika-31 ng Hulyo 2023, sa ganap na Alas-diyes ng umaga sa MTRCB Office sa Timog Avenue, Quezon City.”

mtrcb it's showtime

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: MTRCB summons It's Showtime over Vice Ganda-Ion Perez scenes in "Isip Bata" segment

May mga umalma rin sa paghalik ni Tito Sen sa asawang si Helen Gamboa sa National Dabarkads Day noong Hulyo 29, Sabado.

Sina Tito Sen at Helen ay mga magulang ni MTRCB Chair Lala Sotto.

Read: Pagpupog ng halik ni Tito Sotto kay Helen Gamboa, pinaiimbestigahan ng 'It's Showtime' supporters sa MTRCB

At any rate, mas mataas ang ratings ng afternoon drama ng GMA-7 nitong nakaraang weekend.

Noong Biyernes, July 28, ay nanatiling mataas pa rin ang Abot Kamay na Pangarap. Naka-13.6% ito, at ang katapat na Pira-Pirasong Paraiso sa TV5, A2Z, at Kapamilya Channel ay 1.5% lamang.

Sumunod naman ang Magandang Dilag na may rating na 11.7%. Baka nakatulong yung pag-IG live ni Herlene Budol nung mga oras na yun na pinapanood niya ang naturang drama series na naiiyak pa siya. Ang katapat nitong Nag-aapoy Na Damdamin ay 1.3%.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang The Seed of Love naman ay 9.5%.

Ang taas din ng Fast Talk with Boy Abunda kung saan si Jilian Ward ang special guest. Naka-6.9% itong talk show ni Kuya Boy.

Sumunod ang Bad Romeo ni Mario Maurer na may 3.5% rating.

Ang Luv Is: Love at First Read na nag-finale nung araw na yun ay naka-5.9%, at ang Minute To Win It ay naka-1.4%.

NOEL FERRER:

Kasama ng mga galaw sa TV ay ang pag-takeover ulit ng Dapat Alam Mo! nina Kuya Kim Atienza, Susan Enriquez, at Patricia Tumulak sa Luv Is: Love At First Read, na hindi napantayan ang record na sinet ng hinalinhan nitong Family Feud ni Dingdong Dantes.

With its very meager budget, let us see how Dapat Alam Mo! fares na dating mas mataas din kaysa sa nauna ritong show ni Willie Revillame.

Things are fast evolving. Dapat lahat talaga mag-improve, dahilkung hindi, malamang sa malamang, maiiwanan ka!!!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Parehong nagkaroon ng selebrasyon ang E.A.T. ng TV5 (top) at ang 'Eat Bulaga!' ng GMA-7 (below) para sa 44th anniversary ng longest-running noontime show sa Pilipinas noong July 29, 2023, Sabado.
PHOTO/S: TVJ Facebook / TAPE Inc. Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results