NOEL FERRER
"INGAT SA HILAW NA CHICKEN!!!"

This post from our friend Angelica Panganiban makes us more aware and careful with the food that we eat.
Cooking chicken is tricky. If I remember right, our dear Judy Ann Santos in her Judy Ann’s Kitchen vlog would cut the chicken to make sure that the meat will be properly cooked.
Nag-slice through siya sa meaty part para siguraduhing luto ang manok.
I hope we all do that quality control kaya INGAT!!!
GORGY RULA
Manok na hilaw ang reklamo ni Angelica sa fast food na ito na nagsisimula pa lang magbukas ang ibang branch.
Maaring makakaapekto ito sa mga magbubukas pa lang. Dapat maglabas ng statement o paliwanag ang fast food na ito.
Pero ang daling mag-move on ng karamihan.
Makakalimutan din ito.
Lalayo pa ba tayo sa fried chicken ng isang fastfood na ‘breaded face towel’ pala?!
Ngayon ay dinadagsa at pinipilahan pa rin ang fastfood na ito.
Posible kayang itong chicken ang ihahanda sa birthday ng baby niya?
Posible kayang si Angelica na ang mag-endorse kapag naayos ang isyung ito?
Pero sa totoo lang, wala pa ring kasinsarap ang lutong bahay!
JERRY OLEA
Basta, ingat sa pagprito, lalo ng frozen goods.
Minsan kasi, luto sa loob pero sa loob ay hindi pa pala.
Nawa’y maresolba ang isyung ito sa lalong madaling panahon.
Open ang PEP Troika para sa panig ng nasabing fast food brand.
