PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Winwyn Marquez, nagpaalam sa TVJ bago tanggapin ang 'Eat Bulaga!'

Winwyn Marquez, di rin nakaligtas sa bashing.
by PEP Troika
Published Jul 25, 2023
winwyn marquez at gma gala 2023
Winwyn Marquez: "Prior kasi ako mag-guest, nag-message din ako sa mga dating hosts. Nagpasintabi. Nagpasabi rin siyempre, kila Bossing, wala naman... okay naman sila. For me, I just wanted to be in respect to them na magpaalam na maggi-guest co-host ako,"
PHOTO/S: Pau Guevarra

GORGY RULA

Hindi rin nakaligtas si Winwyn Marquez sa bashing nang nagsimula siyang mag-guest co-host sa revamped na Eat Bulaga!.

"Hindi as much as the others. Pa-third week na sila nang pumasok ako. Pero meron pa din siyempre, normal naman yun," pakli ni Winwyn nang sandali namin siyang nakatsikahan sa premiere night ng pelikulang The Cheating Game na ginanap sa SM The Block nitong Lunes, Hulyo 24, 2023.

Sabi pa ni Winwyn, nagpaalam siya sa legit Dabarkads bago siya nagsimulang mag-guest sa noontime show ng TAPE na umeere sa GMA-7.

Read: Eat Bulaga! war and how it changes Philippine TV: A Timeline

"Prior kasi ako mag-guest, nag-message din ako sa mga dating hosts. Nagpasintabi. Nagpasabi rin siyempre, kila Bossing, wala naman... okay naman sila.

“For me, I just wanted to be in respect to them na magpaalam na maggi-guest co-host ako," dagdag niyang pahayag.

Wala raw siyang diretsong contact kina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon kaya idinaan niya ito sa ilang staff na sumama sa legit Dabarkads sa paglipat ng mga ito sa TV5.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Vic Sotto on Eat Bulaga! trademark: "Kukunin lang ng kung sinu-sino? Aba! Hindi puwede."

Sabi ni Winwyn, "Ang iba naman po, nag-reply. Siyempre, yung iba, naintindihan naman nila ako, wala namang problema. Okay naman. Siyempre, supportive naman sila.

"Siguro kasi, it's between them, and whatever is happening. Wala naman po silang in-explain or anything, wala naman. Sabi naman, basta enjoy lang."

Bahagi si Winwyn sa The Cheating Game, kung saan ay may special participation din ang co-host ni Winwyn na si Paolo Contis kaya napu-promote nila ang pelikula sa Eat Bulaga!, na magsu-showing na sa mga sinehan simula bukas, July 26.

Read: Paolo Contis, nagpasintabi kina Joey de Leon at Vic Sotto nang tanggapin ang paghu-host ng 'Eat Bulaga!'

JERRY OLEA

Hindi pa alam ni Winwyn kung magiging regular host na siya sa Eat Bulaga!. Wala pa naman daw sinasabi sa kanya. Pero kung sakali, okay raw sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Wala naman pong problema sa akin if maging regular kasi tuluy-tuloy naman ako sa kanila.

"Siguro wala pa talagang final kung ano ba talaga ang mangyayari. Pero so far, tuluy-tuloy naman," pakli ni Winwyn.

Naging close na niya ang ilang kasamahan sa show kaya ang gaan lang daw ng kanilang trabaho.

“Kasi, kilala ko naman sila prior pa, di ba? Nakatrabaho ko naman yung iba, like sina Buboy [Villar], si Cassy [Legaspi], si Dasuri [Choi]. So, ang gaan lang talaga,” sabi niya.

Read: Bullet Jalosjos to new Eat Bulaga! hosts: "We don't want you to be a Tito, Vic and Joey."

Ngayon pa lang ay pinaghahandaan na raw nila ang 44th anniversary celebration ng Eat Bulaga! na nakatakda sa Sabado, July 29.

"The anniversary kasi... yung gagawin namin, it's going to revolve sa viewers, sa audience na manonood, sa mga staff na nandun.

“So, it's celebrating them... I don't think it's celebrating... it's not about the hosts. It's more about the people na matutulungan pa nila talaga,” sabi pa ni Winwyn.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Nung nakaraang Sabado, July 22, namayagpag sa ratings ang E.A.T. kung saan nagpa-bridal shower sila kay Maine Mendoza. Naka-4.9% ito, ayon sa datos ng AGB Nielsen.

Ang It's Showtime naman ay naka-3.5%, habang ang Eat Bulaga! ay naka-3.2%.

Nung Lunes, July 24, naman ay nanguna pa rin ang E.A.T. (4.6%). Ang It's Showtime ay naka-4% at ang Eat Bulaga! ay naka-3.8%.

Tingnan natin sa darating na Sabado kung makakabawi ang Eat Bulaga! sa kanilang 44th anniversary celebration.

Abangan din natin kung paano naman ito ise-celebrate nina Tito, Vic & Joey sa E.A.T. kung saan Mrs. Arjo Atayde na si Maine Mendoza.

Read: Revamped 'Eat Bulaga!' naungusan sa ratings ang 'E.A.T.' ng TVJ

NOEL FERRER

Let’s do it! Para rin sa audience kapag pinagbubutihan at pinagaganda talaga ang mga programa.

Less words, more actions. More lively, effective, entertaining and hopefully inspiring and life changing segments.

Mapa-E.A.T. or It’s Showtime or Eat Bulaga!, the audience deserve the best, kaya let their best come out in their daily shows — consistently sana!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Winwyn Marquez: "Prior kasi ako mag-guest, nag-message din ako sa mga dating hosts. Nagpasintabi. Nagpasabi rin siyempre, kila Bossing, wala naman... okay naman sila. For me, I just wanted to be in respect to them na magpaalam na maggi-guest co-host ako,"
PHOTO/S: Pau Guevarra
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results