GORGY RULA
Masaya ang mga taga-Eat Bulaga! ngayon dahil lalo pang tumaas ang rating nito, at nalagpasan na nila ang E.A.T. ng TVJ sa TV5.
Ayon sa AGB NUTAM, nanguna among noontime shows ang Eat Bulaga! sa GMA 7, base sa naitalang ratings nito nung Miyerkules, July 19.
Ang Eat Bulaga! ay naka-4.1%, sumusunod ang E.A.T. na naka-3.7%, at ang It's Showtime ay naka-3.1 percent.
Read: Ratings war explained: how are noontime shows faring amid new TV landscape?
Mensahe ni former Manila Mayor Isko Moreno, isa sa mga host ng Eat Bulaga!:
"Una, maraming salamat sa Diyos. Pangalawa, sa ating viewers --- sa pagtitiwala nila sa aming mga baguhang host ng Eat Bulaga. Pangatlo, sa management, creatives and production staff ng TAPE Inc. At sa GMA 7 Network, sa patuloy na pagsuporta nito sa EB.
"Sa maliit naming kaparaanan patuloy po naming pagbubutihin araw-araw na makapagbigay ng #TulongAtSaya sa mga Kapuso natin sa buong bansa at sa buong mundo. Muli, walang-hanggang pasasalamat sa inyong lahat!"
Samantala, patuloy na umaariba ang mga afternoon drama ng GMA-7, lalo na ang Aboy Kamay Na Pangarap na naka-12.1% noong July 19.
Ganundin ang Magandang Dilag, na naka-9.6%. Finally, matatapos na ang kanilang taping ngayong Huwebes, July 20. Si Herlene Budol ay may isang taping day na lang.
Read: Magandang Dilag ni Herlene Budol, nagpasiklab agad sa ratings
Sumusunod naman ang The Seed of Love na naka-7.5%, at ang Fast Talk with Boy Abunda ay naka-5.7%.
Ang Thai drama na Bad Romeo ay 2.8% lamang. Medyo tumaas naman ang Luv Is nina Mavy Legaspi at Kyline Alcantara na naka-5.1%.
Sa totoo lang, maraming mga araw na mas mataas pa ang ratings ng afternoon drama kung ikukumpara sa ilang primetime series sa GMA Telebabad. Kaya may narinig kaming nilulutong malaking event ang mga afternoon drama bilang pasasalamat sa lahat na mga tumatangkilik dito.
NOEL FERRER
Wala si Paolo Contis dahil nasa Australia siya for the movie that he is doing for MAVX Films. Inuna nang kunan ang mga eksena niya sa Tasmania para makabalik agad siya ng Pilipinas.
Gusto na niyang makabalik agad ng Eat Bulaga. Kaya sa darating na Linggo, July 23, ay nandito na siya sa Pilipinas para makapag-Bulaga! na siya sa Lunes.
Sina Patrick Garcia at Kaye Abad ay hanggang sa Martes, July 25, pa ang shooting nila sa Tasmania.
Tingnan natin kung ano ang magiging epekto nito sa darating pang mga ratings.
JERRY OLEA
Ay! Kinabog ng revamped Eat Bulaga! ang E.A.T. habang waley roon si Paolo Contis! How interesting!
Tingnan natin kung patuloy na kakabugin ng Eat Bulaga! minus Paolo Contis ang E.A.T.
And if ever, wagi pa rin kaya ang Eat Bulaga! pag bumalik na riyan si Paolo?
