JERRY OLEA
Solid ang suporta ng Pamilya Sotto sa TVJ at noontime show na E.A.T. ng TV5.
“Salamat sa Diyos po! Praise God!” bulalas ni Quezon City Vice-Mayor Gian Sotto sa opening ng South Korean restaurant na bbq Chicken nitong Hulyo 16, 2023, Linggo, sa Robinson’s Magnolia, Quezon City.
Kinukumusta ba nila ang kanilang ama na si dating Senator Tito Sotto?
“Palagi ho! Una sa lahat, thank you po sa inyong lahat dahil kung hindi rin po dahil sa tulong ninyo, hindi magiging successful yung launch ng E.A.T., TVJ sa TV5,” lahad ni Gian.
“At lahat po kami na mga Legit Dabarkds, sobrang nagpapasalamat po sa suporta ng taumbayan, ng buong Pilipinas, sa buong mundo rin dahil po honestly yung Eat Bulaga! is…
“Yung original po, E.A.T., yan po ang bumuhay sa family namin.
“E, nung ginawa nga yung pangalan na yan sa bahay po ni Mommy ginawa ni Tito Joey [de Leon] yung pangalan, pati yung lyrics nung ginawa nina Tito Vic [Sotto], sila-sila lang po talaga ang naggawa.
“Kaya nagpapasalamat po tayo sa Diyos for this blessing na makapagpatuloy po sila na makapagpasaya.”
Read: Ratings war explained: how are noontime shows faring amid new TV landscape?
Ano ang naramdaman niya nang magkaproblema na sa orig na Eat Bulaga!?
“Nung una po, talagang nakakalungkot for us. It was very disappointing,” pag-amin ni Gian.
“We’re very sad. Pero immediately ang Panginoong Diyos po, napakabait. He gave us hope.
“Parang sinabi ni God, ‘Relax lang kayo, may plano ako. Focus on Me.’ And yun, we focused on God, talagang winorship namin Siya, prinaise namin Siya.
“Sabi namin, ‘God is good all the time!’ And yun po, nasagot po ang ating mga prayers.”
Read: Eat Bulaga! war and how it changes Philippine TV: A Timeline
Ipagdiriwang ng revamped Eat Bulaga! ang 44th anniversary ng programa sa Hulyo 29. Dapat ba nila iyong i-celebrate?
“Iyong pinagtatalunan? Again, for me, NO. Para sa akin, let God and let the people speak, di ba po?” malumanay na tugon ni Vice Mayor Gian.
Read: Tito Sotto, may reaksiyon sa pinaplanong 44th anniversary ng 'Eat Bulaga!': "The nerve!"
NOEL FERRER
Emotional ang TVJ sa launch ng E.A.T. noong Hulyo 1 sa TV5.
“Si Daddy, si Ninong Vic, si Ninong Joey, lahat sila talagang naging emotional,” pahayag ni Vice Mayor Gian.
“Because parang alam mo yung… isipin mong meron kang pinaghirapan na bagay, na crineate mo, tapos biglang aagawin sa iyo? Sasabihin, ‘Hindi sa iyo yan!’
“So we understood, and we supported, continued to pray for them, and even to this day, araw-araw po kaming nagpe-pray para sa kanila, at sa lahat po ng Legit Dabarkads.
“Kay Jose, kay Wally, Paolo, Ryan, lahat po sila. Ate Maine, di ba?”
In full force siyempre ang mga Sotto sa 44th anniversary celebration ng original Eat Bulag!a before the end of the month. Abangan natin iyan!
GORGY RULA
Acquainted ba or close si Vice Mayor Gian sa mga Jalosjos ng TAPE, Inc.?
“Hindi po masyado, unfortunately, no. May mga na-meet lang ako one time. Pero hindi po.”
Kumusta ang reaksiyon ng mommy niyang si Helen Gamboa sa mga kaganapan ngayon sa TVJ at E.A.T.?
“Si Mommy is very happy right now. Hindi niya ine-expect yung magiging reception ng TVJ sa TV5,” sabi ni Gian.
“Kahit ako, to this day, talagang I’m just really grateful and thankful, and I want to give the glory to God for this blessing po.”
May mga nagsasabi na matatanda na ang TVJ at dapat nang mag-retire. Ano ang reaksiyon niya roon?
“Ahhmm ako po, napa-flatter po ako. Kasi, kahit matatanda na sila, they are able to do things that I only dream of, and many of us dream of, di ba?” sambit ni Gian.
“Kaya it’s a blessing.”
Nasaktan ba siya sa mga pinagdaanan sa kanyang ama nitong mga nakaraang linggo?
Read: Tito Sotto on the day TVJ left TAPE: "Parang sila ang may-ari sa amin. Nakakapikon na."
“May mga times po na… aminin ko, nung time na tinanggal sila, talagang nalungkot po ako. Nasaktan po ako,” ani Gian.
“Pero ano, e, immediately, katulad nga ng sinabi ko, God is good and He really showed His Glory.
“And talagang naniniwala po ako dun sa kasabihan na kung sino ang inaapi, yun ang iniaangat ng Diyos.”
Nanood na ba siya ng revamped Eat Bulaga!?
“Iyong sa Seven? Kung nanonood po ako. Yung Five po ang pinapanood ko, e.”
Sumilip ba siya kahit minsan sa revamped Eat Bulaga! ng GMA-7?
“Ahh Channel 5 po ang pinapanood ko.”
