JERRY OLEA
Lubos ang kasiyahan ni Queenay Mercado sa pagkapanalo ng TikTok series nila ni Jin Macapagal na 52 Weeks sa Hashtag Asia Awards.
Wagi ito ng gold prize sa kategoryang Best Social Media Campaign (TikTok).
Ang nagkamit ng silver prize ay ang Raya Ni Saya Rindu campaign ng BigPay, samantalang bronze prize ang CP Malaysia TikTok Contents Creation & CP Chicken Roll Challenge ng PRK Agro Industrial Products.
Laking pasasalamat ni Queenay sa Puregold, na siyang sponsor ng digital series na nag-pilot sa TikTok noong Hulyo 27, 2022, at naka-36 episodes.
Kuwento ito ng NBSB (no boyfriend since birth) na si Mina (Queenay Mercado).
Sa kagustuhan ni Mina na magka-love life, nagkasundo sila ng best friends niyang Sina Chem (Derick Lauchengco) at Eya (Herbie Cruz) na magahanap ng boyfriend for her sa loob ng 52 weeks.
The series garnered over 34.1 million views across its run on TikTok.
Ang pahayag ni Queenay sa PEP Troika nitong Hulyo 15, 2023, Biyernes ng gabi, via Messenger, “All I can say is ‘We did it.’
“Sa totoo lang, hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala. Kasi matagal-tagal na rin naipalabas ang 52 Weeks, tapos eto ngayon, nagkaroon ng award.
“Sino ba naman ang hindi magugulat? Hahaha! Grabe, sobrang nakakatuwa at nakaka-proud po dahil naging bahagi ako ng 52 Weeks TikTok series.
“Alam niyo po, hindi lang TikTok series ang nabuo namin kundi isang PAMILYA. Gusto kong pasalamatan sina Direk Chris Cahilig, Direk Lem Lorca, at sa lahat ng bumubuo ng 52 Weeks sa pagtitiwala sa akin.
“Sa aking mga co-actors na sina Herbie Cruz, Derick Lauchengco, at Jin Macapagal, salamat sa friendship na talaga namang ite-treasure ko.
“At siyempre, sa lahat po ng nanood, sumubaybay at sumuporta sa series na ito [52 Weeks], maraming-maraming salamat po.”
Bahagi naman ng message ng producer na si Chris Cahilig nitong Hulyo 16, Linggo ng umaga, via Messenger, “It’s a privilege to be able to work on such a groundbreaking TikTok campaign—the first series made for the platform in the country, or perhaps the world.”
Maliban sa TikTok series na 52 Weeks, meron ding retailtainment efforts ang supermarket company sa YouTube channel nito.
Nauna ang GV Boys: Pangmalakasang Good Vibes nina Jerome Ponce, Nikko Natividad at Dave Bornea, na sinundan ng Ang Babae sa Likod ng Face Mask nina Herlene Budol at Joseph Marco.
Ang season finale (episode 13) ng Ang Lalaki sa Likod ng Profile ay ipinalabas nitong Hulyo 15, Sabado ng gabi. Bida rito sina Wilbert Ross at Yukii Takahashi.
May bago rin itong TikTok series, na kagaya ng 52 Weeks ay si Lemuel Lorca ang direktor at si Chris Cahilig ang producer.
Ito ay ang BL series na My Plantito, starring Kych Minemoto and Michael Ver.
“My Plantito hopes to follow the success of 52 Weeks on TikTok,” lahad ni Chris.
“We have just finished filming last week. Nakakatuwa ang chemistry nina Kych at Michael. Siguradong maraming kikiligin sa kanila.
“Kych has always been a good actor. He’s very reliable and always gives his best on the set. Mahusay. I know he’s going to go far because of his undeniable talent.
“Michael Ver is such a pleasant person and very committed to his craft as well. He is oozing with charisma kaya sigurado akong maraming mai-in love sa kanya sa series.”
GORGY RULA
Noong Hulyo 5 pa ginanap ang Hashtag Asia Awards sa Paradox Singapore Merchant Court sa Clarke Quay, Singapore.
Hindi nakadalo roon ang mga taga-Puregold. Nakatanggap na lang sila ng abiso sa email, at nakita online.
Hashtag Asia Awards is a competition that aims to recognize the outstanding work that companies and project teams have displayed in the field of online advertising.
The winners were decided by a panel of judges that included experts from around the world.
Ang entries ay hinusgahan base sa criteria na challenge, strategy, execution, and results.
Pahayag ni Ms. Ivy Hayagan-Piedad, Puregold’s Senior Manager for Marketing, “We’re very grateful to the Hashtag Asia Awards for the recognition.
“It is both exciting and rewarding to see that our retailtainment efforts are being acknowledged on an international scale. We share this honor with all Puregold channel subscribers, and the cast and crew who made ‘52 Weeks’ possible.”
Ang top two prizes sa Hashtag Asia Awards 2023 ay para sa Overall Brand HashMaster at Overall Agency HashMaster.
Maliban diyan ay may 24 other categories.
Iba pa yung winners ng Best Social Media Campaign sa Facebook, Instagram, WeChat, YouTube at Xiaohongshu.
NOEL FERRER
Congratulations kay Chris Cahilig na siyang in charge ng karamihan ng mga projects na ito at nasubaybayan ko ang YouTube series na Ang Lalaki sa Likod ng Profile.
Para silang isang tight na pamilya at talagang mahal nila ang proyekto nila at ang isa’t isa. Ang saya lang.
On to more projects and recognitions — also to Queenay and Jin at sa mga makakatrabaho pa ni Chris Cahilig!
Mabuhay ang mga nagsisikap gumawa ng maganda, maayos at kapaki-pakinabang na content sa social media!!! Sana all!!!
