JERRY OLEA
Ika-417 weeksary ng AlDub sa Hulyo 13, 2023, Huwebes.
Ginugunita pa rin ng AlDub Nation ang love story nina “Mr. & Mrs. Faulkerson” o MaiChard every Thursday kahit sa totoong buhay ay nalalapit na ang kasal nina Maine Mendoza at Congressman Arjo Atayde.
Sa Hulyo 16, Linggo, ay ikawalong anibersaryo ng AlDub Kalyeserye.
Read: AlDub Turns 3: Memorable reel- and real-life moments of a phenomenal love team
Ano ang mensahe ng Asia’s Multimedia Star para sa masusugid na tagahanga ng AlDub?
“Sinagot ko po lahat ng speculations that if we’re married? We’re not married,” pahayag ni Alden sa mediacon ng Battle of the Judges noong Hulyo 9, Linggo, sa Studio 6 ng GMA Network, Quezon City.
“Kung may anak man po kami? Wala po kaming anak, so on and so forth.
“I’m sure si Maine po has said her part as well. Ngayon, we can only explain so much.
“Pero kung yung iba po talaga is hindi namin mapaniwala and kung masaya po sila sa ganitong set-up, ayaw ko na po silang i-deprive of that.
“Kumbaga, kung doon po sila masaya, then go on.
“Kumbaga, at the end of the day po, malaki po ang pagpapasalamat ko sa kanila for the support that they had given Maine and I during our time po sa AlDub.”
Read: Alden Richards speaks up on ridiculous rumors about him and Maine Mendoza
May ka-date ba siya sa GMA Gala sa Hulyo 22, o mag-isa siya?
“Medyo mag-isa lang po tayo lately. Mag-isa lang po ako this year ulit.”
Siyanga pala, ang pilot episode ng Battle of the Judges ay sa Hulyo 15, Sabado ng 7:15 p.m., sa GMA 7.
Si Alden ang host ng talent competition na ito, kung saan hurado sina Boy Abunda, Bea Alonzo, Atty. Annette Gozon-Valdes, at Jose Manalo na gumanap bilang Lola Tinidora sa AlDub kalyeserye ng Eat Bulaga!.
NOEL FERRER
Nakakaawa lang na dapat sakyan ni Alden at mag-explain siya sa mga usaping walang katuturan. Iba ang make believe, iba ang katotohanan.
Sana, matauhan na ang mga taong naniniwala at humahawak pa rin sa kabalintunaan.
“Medyo mag-isa lang tayo lately. Mag-isa lang po ako this year ulit.”
Hanggang kailan kaya mag-iisa si Alden? Sana, may sumalo na sa kanya nang hindi na siya nag-iisa!
You will find your match din, Alden, I am sure! Sa tamang panahon!
GORGY RULA
Nirerespeto ni Alden sina Maine at Arjo.
Kaugnay sa nasabi ni Sharon Cuneta kay Maine nang nag-guest ang Megastar sa buena mano ng E.A.T. sa TV5 noong Hulyo 1, may pakiusap si Alden.
Read: Alden Richards defends Sharon Cuneta from Maine Mendoza fans: "Huwag po masyadong personalin."
Pahayag ng Asia’s Multimedia Star, “Since si Mama Sharon is also a fan of the tandem, baka na-excite lang po siya upon seeing Maine.
“And of course, nakita naman po natin na nag-congratulate naman po siya. She’s very much aware kung nasaan si Maine at Arjo ngayon, ng stage ng relationship nila.
“Yun lang po sana, baka ahhh… intindihin na lang po natin yung excitement siguro na antagal din po ni Mama Sharon na hindi nakabalik sa Eat Bulaga! and that was her first, everything was out of excitement.
“And she meant well. I’m sure wala po siyang insinuation na meron siyang mensaheng gustong iparating because of that statement that she made.
“Kumbaga, nangyari lang po lahat yun and siguro na-misinterpret lang po talaga because of that excitement.
“So yun, I hope na huwag natin masyadong personalin. And of course, we respect the couple who’s getting married.”
Bida sina Sharon at Alden sa pelikulang A Mother and Son’s Story, na isa sa official entries ng 49th Metro Manila Film Festival.
Read: Sharon-Alden, Dingdong-Marian starrers among first four official entries to MMFF 2023
