PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

McCoy de Leon Silent on Elisse Pregnancy Rumors

McCoy, todo promote para sa bagong series niyang Deadly Love
by PEP Troika
Published Jul 9, 2023
McCoy de Leon
Elisse Joson
McCoy de Leon nang kumustahin tungkol kay Elisse Joson: “Kasi ano… kasama sa trabaho yan. Basta wala naman. Thankful kami na may work kami. Parehas kami na may trabaho. Wala naman. Same-same naman. Wala namang nabago."
PHOTO/S: McCoy de Leon / Elisse Joson Instagram

GORGY RULA

Nakakaintriga ang pananahimik ni McCoy de Leon kapag tungkol sa kanila ni Elisse Joson ang pinag-uusapan.

Nag-promote siya sa programa namin sa DZRH nung Huwebes, July 6, para sa bagong series nilang Deadly Love.

Nang kinumusta namin si Elisse sa kanya, napangiti lang ang aktor.

May narinig kaming tsismis na nagdadalantao raw uli ang aktres, pero hindi naman malinaw ang sagot niya tungkol sa isyung ito.

Ang sabi lang ni McCoy, “Kasi ano… kasama sa trabaho yan. Basta wala naman. Thankful kami na may work kami. Parehas kami na may trabaho.

"Wala naman. Same-same naman. Wala namang nabago."

Kinulit namin sa kanya kung okay ba sila at nagtutulungan sila sa pag-aalaga sa kanilang anak.

"Same naman. Wala naman. Ganun pa din. Oo naman. Basta yun!” matipid niyang sagot.

Maaring mas gusto lang niyang tahimik ang kanilang relasyon, kaya wala siyang sinagot tungkol sa mga ganung intriga.

Nag-promote lang siya sa nalalapit na streaming sa Viva One ng bagong series nilang Deadly Love.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagpasalamat din siya sa mga nakakarating sa kanyang magagandang feedback sa performance niya sa FPJ’s Batang Quiapo.

Ani McCoy, “Hindi biro yung ginagawa namin lahat dun. Paspasan talaga dun ang ginagawa namin sa Batang Quiapo. Kilala nyo naman si Direk Coco [Martin] kung papano magtrabaho.

"Kaya nakakatuwa na naibabalik namin na natutuwa sila. Maraming salamat sa mga nagku-comment.

"Sa totoo lang, ayokong ilagay sa ulo ko lahat. Pero sobrang nao-overwhelm po talaga ako. Kaya thank you. Huwag po sana ako patayin sa Batang Quiapo.

"Thankful talaga ako kay Direk Coco."

NOEL FERRER

Ow, so daddy twice over na if ever si McCoy kaya kailangang doble kayod siya para matustusan ang pangangailangan ng lumalaking pamilya.

I don’t know but he reminds me of Rainier Castillo. Parang si McCoy ang batang Rainier na amable, goody-goody at ngayo’y isang batang ama.

Sana lalo pa niyang pag-igihan ang kanyang pagiging aktor para lalo pa siyang tumagal sa ating industriya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

JERRY OLEA

Balik-akting si Rainier Castillo sa Kapuso primetime series na Black Rider kung saan tampok sina Ruru Madrid at Matteo Guidicelli.

Sakaling itong Black Rider ang pumalit sa babakantehing timeslot ng Voltes V: Legacy, masasabi ba nating “magkalaban” sina Rainier at McCoy?

E, di ba, ang Lolong ni Ruru ang “nagpatumba” sa FPJ’s Ang Probinsyano? Kaya kaabang-abang ang salpukan nina Coco at Ruru if ever!

At kung nagdadalantao man muli si Elisse matapos silang magkabalikan ni McCoy, masasabi ba nating love is deadlier, este, sweeter the second time around?

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
McCoy de Leon nang kumustahin tungkol kay Elisse Joson: “Kasi ano… kasama sa trabaho yan. Basta wala naman. Thankful kami na may work kami. Parehas kami na may trabaho. Wala naman. Same-same naman. Wala namang nabago."
PHOTO/S: McCoy de Leon / Elisse Joson Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results