PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Dingdong Dantes, "Primetime King"

"Royal Blood" cast, di rin alam kung sino sa kanila ang "killer."
by PEP Troika
Published Jul 4, 2023
dingdong dantes
Dingdong Dantes: "Kung ano mang meron ang Royal Blood ngayon, dahil sa collective talents and efforts ng lahat ng mga taong tumutulung-tulong para mailagay sa kung ano mang estado meron siya ngayon."
PHOTO/S: @dongdantes on Instagram

GORGY RULA

Pinanindigan ni Dingdong Dantes ang pagiging GMA Primetime King dahil consistent na mataas ang ratings ng kanyang pinagbibidahang drama series, ang Royal Blood.

Madalas ay single digit lang ang rating ng mga programa sa timeslot na yun (second slot), pero nagdu-double digit na sa Royal Blood.

Nung nakaraang Biyernes, June 30, 2023, ay naka-10% ito. Ang katapat nitong The Iron Heart, na pinagbibidahan ni Richard Gutierrez, ay naka-7.3%.

Kaya biniro namin si Dingdong na karapat-dapat siya sa titulong "GMA Primetime King."

“Wala pong ganun," pakli ni Dingdong.

"Siyempre, happy po kami sa success ng Royal Blood dahil mainit yung pagtanggap. Maraming naging excited.

“Ito kasi ay resulta ng ano, e, number one, ang magandang pagkasulat. Resulta rin siguro ng napakagandang timing ng programa, and ultimately ay resulta rin ng napakahusay na pagganap ng mga characters.

“So, I think kung ano mang meron ang Royal Blood ngayon, dahil sa collective talents and efforts ng lahat ng mga taong tumutulung-tulong para mailagay sa kung ano mang estado meron siya ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“So, dun pa lang para sa akin, yun ang malinaw sa akin ngayon."

Ang nakakatuwa lang daw sa kanilang taping, hindi pa rin nila alam kung sino talaga sa karakter na ginagampanan nila ang pumatay kay Gustavo Royales, na ginagampanan ni Tirso Cruz III.

Hanggang ngayon ay naghuhulaan pa rin daw sila kung sino sa kanila ang pumatay. Meron daw siyang pinagdududahan, pero baka mabago pa raw yun.

Hindi raw talaga sinasabi sa kanila kung sino ang killer.

“Walang may alam sa amin kasi every week may mga twists na nari-reveal. Bakit ganun, lahat kami nagtataka.

“Talagang para sa amin parang isang palaisipan parati,” napapangiting pahayag ni Dingdong.

NOEL FERRER

It’s Dingdong’s season — lalo pa’t after the successful Family Feud and now Royal Blood, meron pa siyang The Voice Generations while also having Amazing Earth.

OK din ang visibility niya sa endorsements, and now even on films, it would really be a good way to end the year if two of his movies make it to the Holiday MMFF.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Kapuso couple Dingdong Dantes, Marian Rivera to headline Star Cinema's "Rewind"

He’s lead in Rewind with Marian Rivera and has a special guest appearance in the fantasy drama of GMA Pictures’ Firefly.

Read: Dingdong Dantes to star in GMA movie Firefly; will he do a reunion movie with Marian Rivera?

JERRY OLEA

Naghahari sa telebisyon si Dingdong, na rumaratsada ang programa sa teleserye man, o game show, o informative show.

For sure, aarangkada rin sa ratings ang The Voice Generations pag umere na ito sa Agosto. Kakabugin kaya nito ang ratings ng Battle of the Judges na iho-host ni Alden Richards?

Nananatiling maganda ang imahe ni Dingdong, kaya umaariba rin ang mga endorsement niya. Mabuhay!!!

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dingdong Dantes: "Kung ano mang meron ang Royal Blood ngayon, dahil sa collective talents and efforts ng lahat ng mga taong tumutulung-tulong para mailagay sa kung ano mang estado meron siya ngayon."
PHOTO/S: @dongdantes on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results