PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Tito, Vic & Joey todo-promote ng noontime show nila sa TV5

Kapuso stars, puwede kaya mag-guest sa noontime show ng TVJ sa TV5?
by PEP Troika
Published Jun 29, 2023
tvj jowapao wanted sa radyo
TVJ and JoWaPao visit Senator Raffy Tulfo's 'Wanted Sa Radyo' to promote their noontime show on TV5, which will premiere on July 1, 2023, Saturday.
PHOTO/S: Screen grab from Raffy Tulfo In Action YouTube

GORGY RULA

Kuwela ang promo nina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon sa Wanted sa Radyo ni Senator Raffy Tulfo sa Radyo Singko ngayong Huwebes, June 29, 2023.

Lumabas muna sina Jose Manalo, Wally Bayola, at Paolo Ballesteros na kunwari ipapa-Tulfo nila ang TVJ dahil nawalan daw sila ng trabaho. Saka lumabas ang TVJ para harapin ang reklamo ng JoWaPao.

Read: JoWaPao on joining TVJ despite offer from TAPE: "Hindi mo puwede mabili ang utang na loob o respeto."

May ilang netizens na nagku-comment na dapat daw ay ang mga Jalosjos ng TAPE Inc. ang ipina-Tulfo nila.

Read: Vic Sotto at Joey de Leon, inaming sumilip sa revamped 'Eat Bulaga!'

tvj jowapao

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

TVJ and JoWaPao at Wanted Sa Radyo program

Todo-promote ngayon ang TVJ sa pagsisimula ng noontime show nila sa TV5.

Bukod kay Sharon Cuneta, kaabang-abang din kung sinu-sino pa ang big stars na susuporta sa TVJ.

Read: Sharon Cuneta, lalabas sa pilot episode ng TVJ noontime show sa TV5

Pero bongga rin ang pasabog ng revamped Eat Bulaga!.

Kung matutuloy, may sisimulan silang game na baka ika-react ng mga nag-resign na staff ng dating Eat Bulaga!. Bukod pa riyan, uulan ang kadatungan na ipapamigay ng TAPE sa revamped Eat Bulaga!.

Read: Eat Bulaga! producer Jon Jalosjos finally breaks silence on TAPE & TVJ falling-out

Ang tanong ngayon, sino kaya sa Kapuso stars ang maaaring mag-guest sa programa ng TVJ sa TV5?

Tinanong namin si Marian Rivera, na naging bahagi rin noon ng Eat Bulaga!, sa media launch ng ine-endorse niyang BlancPro ng Beautederm. Umiling ang GMA Primetime Queen dahil nakakontrata siya siyempre sa Kapuso network.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Magiging abala siya sa pagpo-promote kapag eere na ang drama series niya. Bukod sa Eat Bulaga! sa GMA-7, puwede rin kaya siyang mag-promote sa It’s Showtime sa GTV?

“Sige! Any! Basta sa network ng GMA,” bulalas ni Marian.

“Basta papayagan ako ng network. Kung anong sasabihin sa akin ng network, susundin ko yun. Kasi, malaki yung respeto ko sa network ko.”

NOEL FERRER

Habang papalapit ang July 1, masaya tayo sa panibagong excitement na dala ng telebisyon. Chance na ito para mag-Level Up ang mga produksiyon sa nakasanayang mga palabas sa tanghali.

Sana lang, hindi nito gawing pulubi o mangmang ang mga manonood. Makikita natin kung sino ang may paggalang at tunay na malasakit sa viewers. Wala sa gimik iyan o sa mga pasabog, kundi sa life-changing impact nito sa mga tao.

Alam naman natin ang mga nailalagay sa kasaysayan ay hindi yung ginagawa lang ang nakasanayan, kundi ang tumataliwas dito at nagpapakita ng mas iba pang sukatan ng success na hindi lamang ratings at kita/advertising kundi yung nag-aangat ng ating pagka-Pilipino.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Iyan ang aabangan natin sa Sabado and beyond, yung programang hindi lang nagpapatawa at nang-aaliw kundi yung may pulot pa tayo para maging mas mabuting mga tao at Pilipino.

Game na!!!

JERRY OLEA

Sama-sama ang TVJ at Legit Dabarkads sa misa at blessing ng kanilang bagong tahanan sa TV5 nitong Hunyo 29, Huwebes.

vic sotto joey de leon tv5

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Joey de Leon and Vic Sotto

dabarkads tv5

(L-R) Paolo Ballesteros, Allan K, Jose Manalo, Maine Mendoza, Ryzza Mae Dizon, and Carren Eistrup

Wala roon si Alden Richards. May shooting yata si Alden ng movie with Sharon Cuneta.

Maggi-guest si Megastar sa buena mano ng TVJ noontime show sa TV5. Makakasama kaya ni Ate Shawie si Alden?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Sharon Cuneta at Alden Richards, nag-workshop na para sa unang pelikula nila together

Idineklara ng TV5 na ang Hulyo 1 ay "Pambansang Araw ng Isang Libo’t Isang Tuwa."

May pa-nationwide viewing party sa mga Cignal TV Inc. Experience and Kiosks, Mall Activity Centers at Barangays ng iba’t ibang lungsod at rehiyon.

Kabilang sa mga lugar na ito ay ang Basco Gym Batanes, Robinson’s Mall Tuguegarao, Robinsons’ Mall Laoag, Brgy. Sapang Bato Covered Court sa Pampanga, Brgy. Mojon Malolos sa Bulacan, SM Sangandaan, Brgy. Western Bicutan sa Taguig, Ang Sta. Lucia Mall sa Cainta, Brgy. 201, sa Pasay, Robinsons’ Gentri Cavite, Pavillon Mall Binan Laguna, Robinson’s Lipa Batangas, Nuciti Mall Mindoro, Ayala Mall Legazpi, Bgy. Magapo San Antonio Evacuation Center Legazpi, SM Mabolo Cebu, Robinsons’ Mall Iloilo, SM Bacolod, SM Roxas, Robinsons’ Tacloban North, GMall Tagum sa Davao del Norte, SM Butuan, at Southway Mall sa Zamboanga.

Bukod sa viewing party, ang TV5 at Cignal TV Inc. ay naghanda ng motorcade at interactive na activities, iba’t ibang klaseng games at treats na tatangkilikin daw ng mga manonood.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ngayong Huwebes ng gabi, June 29, ang libreng concert ni Vice Ganda sa Ormoc City kaugnay sa pagdiriwang ng Piña Festival doon. Meron kayang unkabogable quotes doon si Vice kaugnay sa unang hirit ng It’s Showtime sa GTV?

Pasavogue! Kabog kung kabog!

Kasama ni Marian sa mediacon ng BlancPro sina Jojo Oconer (estranged husband ni Ciara Sotto na daughter ni Tito Sen) at Direk Mike Tuviera (anak ni Mr. T, o Tony Tuviera na ‘kapamilya’ ng TVJ). Ang BlancPro ay affiliate ng Beautederm products.

May photo op pa sina Marian, Jojo and Direk Mike with Beautederm CEO Rei Anicoche Tan.

marian rivera endorsement

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

(From left) Mike Tuviera, Rei Anicoche Tan, Marian Rivera, and Joe Oconer

Take note na nasa TAPE pa rin si Mr. Tony Tuviera. Nasa closing credits pa rin siya ng revamped Eat Bulaga!.

Wala raw kinalaman si Mr. T sa bagong noontime show ng TVJ at Legit Dabarkads sa Kapatid Network.

Good vibes lang ba ang kakabit ng mga noontime show na ito umpisa sa Hulyo 1, Sabado?

Ano itong naulinigan nating patung-patong na kasong isasampa? Sinu-sino ang dudulog sa husgado para umamot ng katarungan? Sinu-sino ang irereklamo?

Ano ang kaugnayan dito ng isang mahiwagang coffee maker? Now you see it, now you don’t ba ito, as in magic? At ang mahiwagang coffee maker na iyan is just the tip of the iceberg!!!

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
TVJ and JoWaPao visit Senator Raffy Tulfo's 'Wanted Sa Radyo' to promote their noontime show on TV5, which will premiere on July 1, 2023, Saturday.
PHOTO/S: Screen grab from Raffy Tulfo In Action YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results