PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Sharon Cuneta, lalabas sa pilot episode ng TVJ noontime show sa TV5

Sharon Cuneta, nagpakita ng suporta sa TVJ.
by PEP Troika
Published Jun 29, 2023
sharon cuneta tvj
Inihayag na ni Sharon Cuneta na lalabas siya sa pilot telecast ng bagong noontime show nina Tito Sotto, Vic Sotto, Joey de Leon, at legit Dabarkads sa TV5 sa Sabado, July 1, upang magpakita ng suporta sa iconic hosts.
PHOTO/S: @reallysharoncuneta on Instagram / TV5

NOEL FERRER

Show of force ang July 1, 2023 sa Philippine television kaya naman maaga pa, sinabi na ng Megastar Sharon Cuneta sa kanyang social media, “See you on July 1.”

Naka-tag dito sina Tito Sotto, Vic Sotto, Joey de Leon, and Ryan Agoncillo.

Pagkatapos, may nag-comment ng “I’m confused. Are you still with ABS-CBN?”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang sagot ni Shawie, “Yes, of course. But I started with Eat Bulaga and we are FAMILY.”

At may nagtanong pa, “Guest ka po?”

Sagot ni Shawie, “Yes po [red heart emoji].”

Ito na ang pagpapatunay na sa showbiz, we are bound by good personal relationships talaga.

And the super-megastars for all seasons — nakakatawid-tawid ng mga network nang walang issue dahil they have a long and well followed history na nagpalapit sa kanila sa tao.

Read: Vic Sotto on Eat Bulaga! trademark: "Kukunin lang ng kung sinu-sino? Aba! Hindi puwede."

I’m sure ABS-CBN and GMA can get the support of their network artists for their shows, and some can give away lots of money and prizes in their program … but in the end, we shall see the impact of this noontime showdown na hindi lang pang-isang araw, ha, kundi pangmatagalan!

Tuloy ang saya sa telebisyon sa tanghalian!!!

JERRY OLEA

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi lang naman super-megastars for all seasons and reasons ang nakakatawid ng network, kundi maging iba pang mga artista na kagaya ni Joross Gamboa.

Co-star ni Joross si Paolo Contis sa pelikulang Ang Pangarap Kong Oskars na showing na sa local cinemas. Main host si Paolo sa revamped Eat Bulaga!.

Kaibigan ni Joross si Ryan Agoncillo na isa sa Legit Dabarkads. Pareho sila ng manager, si Ka-Troikang Noel.

Kapamilya for so long si Joross, kaya kaibigan din niya ang mga taga-It’s Showtime. Kaya puwede siyang mag-guest sa GMA-7, GTV, at TV5, pati sa NET25, ALLTV at iba pang TV stations.

Read: Joross Gamboa, open mag-guest sa Eat Bulaga!, It's Showtime, at sa TVJ noontime show

“Nasa tao naman yun kung paano nila titingnan yung pag-guest mo,” pahayag ni Joross sa mediacon ng Ang Pangarap Kong Oskars noong Hunyo 23, Biyernes, sa The Block ng SM North EDSA, Quezon City.

“Halimbawa, kung mag-guest ako parehas na show? Case-to-case basis naman yun, e.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Nasa mga manonood kung ano yung take nila dun. Pero ako naman, in good heart naman ako na wala akong problema sa lahat.”

Aminado si Joross na may pressure kahit paano sa mga artista ang patalbugan ng noontime shows ng GMA 7, GTV at TV5.

Pagtatapat ni Joross, “To be honest, merong effect sa mga artista… Totoo, may effect yun, aminin naman natin.

“Hindi naman dahil may takot, o nagkakampi-kampihan. Iba-iba ng dahilan. Yung iba, dahil konektado sa TVJ.

“And yung iba naman siyempre, depende. Depende yun sa kanila. E ako naman, kumbaga, lahat naman, kaibigan naman natin, e.”

Expected na natin na kani-kanyang pasavogue ang bubulaga sa Hulyo 1, Sabado, ng tanghali.

Aabangan natin ang kabugan nila sa ratings at commercial load.

Read: Salpukan ng noontime shows sa Sabado, July 1, kaabang-abang

Ang isa pang kapana-panabik ay ang GMA Gala 2023 sa Hulyo 22, Sabado ng 5:00 p.m. Imbitado ba rito ang mga taga-It’s Showtime at taga-revamped Eat Bulaga!? Puwede bang magsama sa isang frame ang hosts ng mga nasabing programa?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Siyanga pala, mamayang gabi na ang libreng concert ni Vice Ganda sa Ormoc City kaugnay sa pagdiriwang ng Piña Festival 2023.

Sayang at wala iyong Facebook live sa FB page ng City Government of Ormoc dahil interesado tayong panoorin kung meron bang unkabogable quotes doon si Vice kaugnay sa unang payanig ng It’s Showtime sa GTV.

Read: GMA-7, ABS-CBN sign historic deal for 'It's Showtime' airing on GTV

GORGY RULA

Sa totoo lang, challenge ito sa TV5 dahil GMA-7 ang katapat nila.

Iba pa rin talaga kapag sa GMA-7, kaya kahit hirap sa pagkuha ng guests ang revamped Eat Bulaga!, idadaan na lang ng TAPE sa pamumudmod ng kadatungan.

Ang It’s Showtime ay tiyak na matindi rin ang pasabog at mas may edge dahil sa GMA.

Ang mas excited ako kung meron bang ia-announce si Bossing Vic. Kaabang-abang iyan!

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Inihayag na ni Sharon Cuneta na lalabas siya sa pilot telecast ng bagong noontime show nina Tito Sotto, Vic Sotto, Joey de Leon, at legit Dabarkads sa TV5 sa Sabado, July 1, upang magpakita ng suporta sa iconic hosts.
PHOTO/S: @reallysharoncuneta on Instagram / TV5
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results