PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Salpukan ng noontime shows sa Sabado, July 1, kaabang-abang

Tito Sotto: "There is room for everyone."
Published Jun 28, 2023
noontime shows
Kanya-kanyang pasabog at sorpresa ang (mula sa itaas) ang noontime shows na It's Showime sa GTV, Eat Bulaga! sa GMA-7, at ang TVJ at legit Dabarkads show sa TV5.

GORGY RULA

Exciting ang matinding salpukan ng tatlong noontime shows sa July 1, 2023 Sabado.

Kaabang-abang kung ano ang pasabog sa unang araw ng It’s Showtime sa GTV.

Read: GMA-7, ABS-CBN sign historic deal for 'It's Showtime' airing on GTV

Matinding paghahanda rin sa revamped Eat Bulaga!. Mukhang babaha ng kadatungan para sa audience at mamumudmod din sa homeviewers, at ang masasalubong nina Yorme Isko Moreno at Buboy Villar sa segment nilang "G sa Gedli."

Read: Here's a full guide to the new hosts of revamped Eat Bulaga!

Sabi naman ni dating Senator Tito Sotto, “Surprise sa Saturday” sa tanong namin kung ano na ang magiging title ng noontime show ng TVJ sa TV5.

May mga pasabog din sila mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Magaling diyan ang mga dating taga-Bulaga!.

Read: Vic Sotto on Eat Bulaga! trademark: "Kukunin lang ng kung sinu-sino? Aba! Hindi puwede."

Pero ang opinyon ng iba, baka lumabas nna pagtutulungan ng Eat Bulaga! at It’s Showtime ang programa ng TVJ sa TV5.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: 'It's Showtime' at 'Eat Bulaga!' magsasanib-puwersa pantapat sa TVJ noontime show?

Hiningan namin ng pahayag si Tito Sen kung ano ang masasabi niya sa ultimate na tapatang ito ng tatlong noontime shows.

Aniya, “I don't see any problem at all. When we started in 1979, the population of the Philippines was only 47.1 Million.

“Now we are 110M. There is room for everyone.”

NOEL FERRER

Nilinaw ni Vic Sotto na wala siyang problema sa GMA 7. Wala raw tampuhan, at nananatiling kaibigan daw nila ang Kapuso network.

“Wala akong problema sa GMA. We have a very good relationship. We’re good friends,” sabi ni Bossing Vic.

Read: Vic Sotto at Joey de Leon, inaming sumilip sa revamped 'Eat Bulaga!'

Pinabulaanan ng ilang GMA executives ang kumakalat na balitang hanggang August 2023 na lang, o bale isang season lang, ang sitcom ni Bossing Vic na Open 24/7.

Hindi raw totoo iyun. Tuluy-tuloy pa rin daw itong mapapanood sa Kapuso network tuwing Sabado ng gabi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero exciting din ang iba pang content na gagawin ng TVJ Productions sa TV5. This is really a good time for the TV industry!

JERRY OLEA

agdating sa ratings at lakas ng signal, walang kalaban ang GMA-7. Waging-wagi ang Kapuso Network.

Hilahod pa ang TV5, NET25, ALLTV (ang bagong Channel 2), at iba pang TV stations. Kaya excited tayo sa pasiklaban ng revamped Eat Bulaga! sa GMA-7, at It’s Showtime sa GTV.

Of course, hindi si Alden Richards ang ine-expect nating unang Kapuso na magge-guest sa It’s Showtime sa bagong tahanan nito.

Pasavogue! Kakabug-kabog! Interesting ang mga kaganapang bubulaga at bubulagta!!!

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kanya-kanyang pasabog at sorpresa ang (mula sa itaas) ang noontime shows na It's Showime sa GTV, Eat Bulaga! sa GMA-7, at ang TVJ at legit Dabarkads show sa TV5.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results