PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Rob Gomez, hindi pinagsisisihan ang pagpapaseksi sa unang pelikula

Rob Gomez, excited sa una niyang pagiging leading man sa teleserye.
by PEP Troika
Published Jun 26, 2023
rob gomez topless
Rob Gomez on being promoted to a leading man: “Nagulat po talaga ako. From my small role, yung Mano Po. They really, really appreciated my presence there. Nagulat din po ako, ganun pala kadami ang sinasabi ng leading man. Papano pag papunta na sa akin yung story as a good character na guy?”
PHOTO/S: @robgomez.23 on Instagram

GORGY RULA

Ngayong araw, June 26, 2023, na magsisimula ang first drama series na pinagbibidahan ni Herlene Budol, ang Magandang Dilag.

Sabi ng ilang staff ng bagong seryeng ito ng GMA-7, ito na raw ang pinakamahabang drama series na nagawa nila. May ilang araw pa silang iti-tape dahil nag-break muna sila noong nakaraang linggo dahil sa activities ni Herlene sa Miss Grand Philippines 2023.

Read: Herlene Budol apologizes for her Miss Grand Philippines 2023 interview: “Di ko lang po talaga na-gets yung tanong.”

Kahit maraming delays ang taping, isa sa pinaka-excited sa pagpapalabas ng Magandang Dilag ay ang isa sa leading men ni Herlene na si Rob Gomez. Na-experience na raw niya ngayon ang maging leading man.

“Nagulat po talaga ako. From my small role, yung Mano Po. They really, really appreciated my presence there.

“Nagulat din po ako, ganun pala kadami ang sinasabi ng leading man. Papano pag papunta na sa akin yung story as a good character na guy?” bulalas ni Rob.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Puring-puri niya si Herlene dahil first time din daw nitong magbida at ang daming ginawa sa seryeng ito.

“Sobrang commended ako kay Herlene, kasi sobrang ang daming ginawa niya. Ang hirap ho talaga ng ginawa niya,” pakli ng baguhang aktor.

Ipinakilala si Rob sa pelikulang A Girl and A Guy (2021), kung saan nagpaka-daring na sila roon ni Alexa Miro, kaya nakilala siyang sexy o hunk aktor.

Dito sa Magandang Dilag ay may mga pasilip na naka-topless siya. Sabi ni Rob, hindi pa siya ganun ka-confident sa kanyang katawan ngayon kaya kailangan pa niya ng ensayo.

Pero posible kayang magpa-sexy siya uli sa isang pelikula?

“Not so soon!” mabilis niyan sagot. Umiiling siyang hindi na raw muna siya gagawa ng sexy film.

“Hindi naman po. Hindi ko naman pinagsisihan yun. I’m so proud that I did it. It was a fun experience.

“It was a stepping stone. More than anything else, yun talaga yung move namin ng producer, ng manager ko, when we did that film. And also with Alexa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“It was a really big move for us, a big decision for us, to know that we really have to be in this industry.

“And now, that our careers groomed in the good hopes that we wanted it to be, thank God. Nanganak po talaga yung mga ginawa namin.”

Mapapanood na natin kung keri na maging leading man ni Rob, at kung pambida na talaga si Herlene dito sa Magandang Dilag, na magsisimula na ngayong Lunes, June 26, pagkatapos ng Abot Kamay Na Pangarap.

NOEL FERRER

Excited na rin si Rob sa susunod niyang gagawin. Kasama raw siya sa isang episode ng latest installment ng Shake, Rattle & Roll na gagawin ng Regal Entertainment para isumite sa Metro Manila Film Festival.

“That’s Regal milestone, kasi I did Mano Po, also right? Shake, Rattle & Roll! Another great franchise from them, right?

“To be entrusted with a great great role, with Jane de Leon. This is gonna be my first time to have a contender in anything festival. That’s rewarding!

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“To be categorized in MMFF is such a milestone for me.”

Kabisado pala ni Rob ang mga pelikula ng tiyuhin niyang si Gary Estrada, at I’m sure maraming maikukuwento sa kanya sa pinagdaanan niya.

Sabi ni Rob, kung parang Tag-araw, Tag-ulan (1992) daw ang tipo ng pelikula, okay sa kanya ang ganung pagpa-sexy pero paghandaan pa raw niya ang kanyang katawan.

“Madami po siyang ginawang films na napanood ko. Yung Tag-araw, Tag-ulan po is sexy na yun. Puwede po, gagawa po ako nun.

“Feeling ko, I am confident myself that, one day, hopefully, with the right director and the right script, I would do something so great that I would level up to them.”

Sana nga, sumikat itong si Rob para may susunod sa yapak ng pamilya nila ni Gary Estrada.

JERRY OLEA

Ang akala natin noon ay si Matteo Guidicelli o Gerald Anderson ang isa sa leading men ni Herlene Budol.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

At any rate, ang isa pa raw sa pinanghinayangan ni Rob Gomez ay ang teleseryeng Hearts on Ice dahil nag-ice skating pala siya.

Sana, napasama raw siya roon dahil miyembro pala siya dati ng ice hockey team. Nakakasabay pa raw niya noon si Ashley Ortega na nag-figure ice skating.

“I’m a football player po talaga. I’m a hockey player. Ice hockey.

"I was with Ashley [Ortega]. When were kids, we used to skate a lot.

“Hindi po yata nila alam na hockey player ako. I have a hockey team. We competed in Japan one time. Gusto ko nga, e. Sana may part two.

“I could have given them a different aspect. Wala po yata dun ice hockey sa show. They focused in figure skating part. Cool pag merong hockey player na hunk, di ba?

“I could do tricks pa naman on ice.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Rob Gomez on being promoted to a leading man: “Nagulat po talaga ako. From my small role, yung Mano Po. They really, really appreciated my presence there. Nagulat din po ako, ganun pala kadami ang sinasabi ng leading man. Papano pag papunta na sa akin yung story as a good character na guy?”
PHOTO/S: @robgomez.23 on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results