PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Paolo Contis has time for Yen Santos

Kung may hihilingin siya sa kanyang love life, ani Paolo: "Peace."
by PEP Troika
Published Jun 24, 2023
paolo contis ang pangarap kong oskars
Bukod sa daily shows, may tatlo o apat na movies pang gagawin si Paolo Contis. Buti na lang at "very, very, very, very" understanding girlfriend si Yen Santos (not in photo).
PHOTO/S: Jerry Olea

JERRY OLEA

Balik-taping na si Paolo Contis sa gag show na Bubble Gang simula sa Lunes, Hunyo 26, 2023.

Kaya pa ba niya iyon considering na nagho-host siya sa Eat Bulaga! from Monday to Saturday?

“Kaya. Kaya. Kaya!” bulalas ni Paolo sa mediacon ng pelikulang Ang Pangarap Kong Oskars na ginanap nitong Hunyo 23, Biyernes ng gabi, sa The Block, SM North EDSA, Quezon City.

“I mean, blessing yun. Magandang blessing iyan. Magandang problema yun—maraming trabaho.”

Natawa si Paolo nang usisain na ini-invest niya para sa bagong bahay ang mga talent fee niya.

“Yun ang ikinukulit ni Nay Lolit. Siyempre, alam mo, maraming bagay na ano,” saad ni Paolo.

“Siyempre, una sa lahat, kailangang mag-stable muna lahat ng trabaho when it comes to Bulaga, di ba?

“And then, saka tayo puwedeng magplano sa future. But malaking blessing sa akin talaga ang Eat Bulaga!.”

Sa Hulyo ay magsu-shoot sa Australia iyong MAVX Productions movie nila nina Patrick Garcia at Kaye Abad. Eleven days sila roon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Paano na iyong Eat Bulaga!? Na-realize ba niya na mahirap talaga kapag may daily show?

“Madali namang kausap yung management. Before namang pumasok yung trabaho na yun, may schedule na ako sa pag-alis namin abroad,” saad ni Paolo.

“So we are gonna make some adjustments. May mga episodes na mawawala ako. May mga episodes na nandun pa rin ako kahit habang nasa abroad ako.

“May mga plano kaming gawin pa na iba tuwing nasa labas ako. At the same time, in-assure ko rin ang MAVX, walang maaapektuhan sa mga….

“May tatlo o apat na pelikula pa kaming isu-shoot this year, e. Hindi yun maaapektuhan.”

Nagbiro si Paolo na ang location ng ibang MAVX movies na gagawin niya ay sa labas lang ng Eat Bulaga! studio sa Cainta, Rizal.

“Pagkatapos kong mag-host, lalabas lang ako. Aakting muna ako, ganun ang plano,” natatawang pagbibiro ni Paolo.

Produced din ng MAVX itong Ang Pangarap Kong Oskars, na ipapalabas na sa mga sinehan umpisa Hunyo 28, Miyerkules.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Co-stars dito ni Paolo sina Joross Gamboa, Kate Alejandrino, Faye Lorenzo, Yukii Takahashi, Long Mejia, Jon Santos, Gian Magdangal, Erlinda Villalobos, at Junjun Quintana. Sinulat at idinirek ito ni Jules Katanyag.

GORGY RULA

Maggi-guest ba sa Eat Bulaga! ang girlfriend ni Paolo na si Yen Santos?

“Bakit hindi? Bakit hindi? Oo naman.”

May time pa ba si Paolo para kay Yen ngayong bising-busy ang schedule niya?

“Siyempre, siyempre, siyempre. Meron, meron. Maiksi lang naman ang oras ko sa Eat Bulaga!.

“So of course, I make time for my personal ano,” sabi ni Paolo.

Gaano ka-understanding si Yen sa busy schedule niya nowadays?

“Very, very, very, very. Masaya siya dun sa konsepto ng blessing na ito, and, of course, she has her own time also for her personal things na ginagawa niya.

“And hindi na namin inaano yung… kumbaga, pagdating sa trabaho, ah, very open naman ang usapan.”

Ano pa ang pangarap ni Paolo para sa relasyon nila ni Yen?

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Ha? Sa relasyon namin? Tigilan niyo kami. Tigilan niyo kami!” pagbibiro ni Paolo.

“Hindi, alam mo, honestly, peace!”

Hindi pa ba siya nasasanay sa pagngingitngit o panghihimasok ng mga tao sa relasyon nila ni Yen?

Sagot ni Paolo, “I don’t think you can ever get used to people hating you, especially a relationship that’s good for me and for her, na OK kami.

“And then people hating on it, which I understand kung bakit. Sabihin mo nang bakit...regardless kung alam nila ang buong kuwento or not, they’re entitled to their own comments. Pero you’ll never get used to it.”

Nararamdaman ni Paolo na mabigat pa rin ang galit ng mga tao sa relasyon nila ni Yen, kaya hindi niya isinama ang girlfriend sa premiere ng Ang Pangarap Kong Oskars.

NOEL FERRER

Ibang klase rin ang schedule ni Paolo Contis ngayon.

Pero as a pro, gagawan niya ng paraan ang lahat para ma-fulfill niya lahat ng kanyang commitments.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kakaiba rin ang tibay ng loob ni Pao sa lahat ng mga pamba-bash sa kanya, sa professional na buhay man niya o sa love life with Yen.

Sana, dumating din ang panahon na mananahimik na lang si Pao sa mga comments sa kanya at kay Yen, at hindi na niya ito papansinin.

Mas maaayos ang mga relasyon kapag mas tahimik.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bukod sa daily shows, may tatlo o apat na movies pang gagawin si Paolo Contis. Buti na lang at "very, very, very, very" understanding girlfriend si Yen Santos (not in photo).
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results