JERRY OLEA
Ligwak na ang Maria Clara at Ibarra sa Top 10 TV Shows in the Philippines Today ng Netflix.
Sixty-six (66) days ito sa Top 10 TV shows ng Netflix Philippines — mula Abril 16 hanggang Hunyo 20.
Bida sa nasabing Kapuso series sina Barbie Forteza, Julie Anne San Jose, Dennis Trillo, at David Licauco.
Ang nangunguna ngayong TV show sa Netflix Philippines ay ang K-drama na King the Land, na bida sina Lee Jun-ho at Im Yoon-ah.
Pangalawa ang Japanese animé na Demon Slayer: Swordsmith Village Arc.
Pangatlo ang South Korean romantic drama na See You in My 19th Life, at pang-apat ang Black Mirror.
Nasa Top 10 din ang Bloodhounds, The Good Bad Mother, Our Planet II, Never Have I Ever, Hell’s Paradise, at Doctor Cha.
Wala nang Pinoy TV show sa Top 10, samantalang lima roon ay mula South Korea.
May isa pang pelikulang Pinoy pa rin sa Top 10 Movies in the Philippines Today ng Netflix, and Mixed Connections nina Miles Ocampo, Kelvin Miranda, JC Santos, at Chie Filomeno.
Ang Top 10 na pelikula sa Netflix Philippines ngayong Hunyo 21, Miyerkules, ay Extraction 2 ni Chris Hemsworth, The Forever Purge, Black Clover: Sword of the Wizard King, Extraction, The Boss Baby: Family Business, Snake Eyes G.I. Joe Origins, The Village, Missed Connections, Assassin’s Creed, at Tin & Tina.

Nanguna naman sa Prime Top 10 in the Philippines ng Amazon Prime Video ngayong Wednesday ang South Korean series na Lies Hidden In My Garden.
Pangalawa ang South Korean series din na Tale of the Nine Tailed 1938. Pangatlo ang pelikulang Baby Boy, Baby Girl nina Marco Gumabao at Kylie Verzosa.
Pang-apat ang pelikulang My Fault. Panlima ang Japanese animé series na Demon Slayer: Kimetsu no Yaiba.
Pang-anim ang pelikulang Expensive Candy nina Carlo Aquino at Julia Barretto. Pampito ang seryeng Cattleya Killer ni Arjo Atayde. Pangwalo ang pelikulang Ang Mga Kaibigan ni Mama Susan, na bida si Joshua Garcia.
Pansiyam ang K-drama series na True to Love. Pansampu ang seryeng The Summer I Turned Pretty.
NOEL FERRER
Consistent pa rin ang paglabas ng mga Top Programs sa Netflix at Amazon Prime Video, lalo na sa mga patok sa local Filipino viewers.
Pero ang tanong, dumarami pa rin ba ang bilang ng mga Pinoy na nanonood ng mga palabas na ito online?
Kumusta naman sa iWantTFC, Vivamax, VivaOne, AQ Prime, at iba pang local streaming platforms?
Kung medyo nahihirapan pang bumangon ang mga sinehan, ang mga streaming device ba na ito ay namamayagpag? O yung Netflix, Amazon Prime Video, Disney +, HBO Go at iba pang may international base ang pumapalo?
GORGY RULA
Sobrang quota na ang Maria Clara at Ibarra na twenty-two consecutive days na nakapuwesto sa number one, mula Abril 16 hanggang Mayo 7. Bumaba ito sa ranking, pero may additional five days (non-consecutive) na nanguna pa rin.
Read: Maria Clara at Ibarra, umaariba sa No. 1 spot sa Netflix Philippines
Challenge ito sa ibang drama series ng GMA-7 kung paano nila malagpasan ang record ng history serye na ito nina Barbie, Julie Anne, Dennis, at David.
May ilang komentong nakakarating sa amin na nagustuhan nila ang Royal Blood ni Dingdong Dantes na kasisimula lang. Parang pang-Netflix daw ang plot, kaya baka aariba rin ito kapag nasa naturang streaming service na.
Ang Voltes V: Legacy kaya, magne-Netflix din eventually?
Nakakatuwa namang maganda ang resulta ng Missed Connections nina Miles Ocampo at Kelvin Miranda.

Nakakatuwa ang magagandang feedbacks na natatanggap ni Kelvin sa pelikula. Sabi ni Kelvin, marami raw kasi ang nakaka-relate sa naturang pelikula.
Aniya, “Ang bawat indibidwal, e, naghahanap tayo ng connection. Hindi lang naman sa work, kasama na rin po yung pakikisalamuha…
“Yung Missed Connections po kasi, nangyayari sa pang-araw-araw natin. Relatable talaga siya and nakaka-touch yung kuwento na nangyari rito sa Missed Connections.”
Kaya nung nag-number one siya ng ilang araw, nag-post na si Kelvin sa kanyang Instagram account na nagpapasalamat sa kanilang producers (ang Anima at UxS, Inc. Production), sa kanilang director na si Jelise Chung, at ang co-stars niyang sina Miles Ocampo, JC Santos, at Chie Filomeno.
Pati si Matet de Leon ay proud din sa pelikulang ito dahil nakadalawang pelikula na raw siyang nagna-number one sa Netflix.
Ang isa pa ay yung An Inconvenient Love na pinagbidahan nina Donny Pangilinan at Belle Mariano.
