JERRY OLEA
Sa nakaraang Media Day ng TVJ at Dabarkads, tinanong sina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon kung pinanood ba nila ang revamped Eat Bulaga!.
Ani Joey, “Trabaho yan, e. Ako, sumilip. Nung nag-Facebook live din ako, Pare [Vic], meron din ako sa Singapore, meron pa galing sa APT Studios.
“Tuwang-tuwa sila. Nakakatuwa, e, ini-embrace kami at ipinapakita nila yung… hindi mo naman puwedeng lokohin ang sarili mo, di ba?
“Magtanong ka sa mga tao. Ano ang naiisip niyo pag sinabing Eat Bulaga!? Alangan namang sabihin nila si Mayor, si ganun.”
Pakli ni Bossing Vic, “Sinilip ko. Okay naman. Siguro after mga 44 years, mas gagaling pa sila.
“Ah, hindi! Okay naman. Magkakaibigan naman kami lahat diyan e.”
Si Tito Sen naman ay piniling huwag na itong panoorin.
“Hindi e. Fortunately and unfortunately, hindi. Hindi ako nag-attempt man lang.
“Iniisip ko baka malungkot lang ako o mainis ako,” sabi ni Tito Sen.
Sabi uli ni Joey, “Kaya nga nabuhay. Sabi nga ng presidente namin, nabuhay ang TV. Pasalamat sila sa amin. Walang yabang talaga!”
Read: TVJ on 'It’s Showtime': “Di naman sila na-bump off, e. Natapos na yung kontrata.”
GORGY RULA
Sa kabilang banda, bumulaga sa mga taga-TAPE Inc., producer ng Eat Bulaga!, nung Lunes, June 19, 2023, na na-terminate ang kanilang YouTube channel.
Akala nila nung una ay ang YouTube channel lang nila ang nawala. Kinagabihan ay napansin kong wala na rin ang Eat Bulaga Na Facebook account.
Napapanood din kasi roon ang live episode ng Kapuso noontime show.
Read: 'Eat Bulaga!' Facebook at YouTube na-takedown matapos i-report ng detractors
Nagulat si Paolo Contis nang tinanong ko ito sa kanya. Ang alam daw niya ay ang YouTube channel lang nila ang na-terminate, pati pala ang FB account nila.
“Grabe!” yun lang ang na-text ni Paolo sa PEP Troika.
Ang sinabing rason ng termination ay, “This account has been terminated due to a violation of YouTube’s policy prohibiting impersonation.”
Kinabukasan, June 20, ay in-announce ng EB hosts na mapapanood muna ang live ng Eat Bulaga! sa Facebook accounts nina Paolo at Isko Moreno.
May papremyo pa sila sa masuwerteng nag-like at nag-comment sa kanilang FB live na makatatanggap ng tigpa-five thousand pesos.
Sabi pa ni Paolo sa Eat Bulaga! nung Martes, “Hindi po kami hihinto sa pag-try na magkaroon ng Facebook page na yan.
“Report lang kayo nang report, post lang kami nang post! Hanggang sa mapagod kayong mag-report.
“Para-paraan kayo, para-paraan din kami!”
Ngayong Miyerkules, June 21, ay patuloy pa rin sila sa pag-e-FB live sa account nina Paolo at Isko. Tuloy pa rin daw ang pamimigay nila ng premyo sa mga nanonood at nagpapahatid ng mensahe online.
“Pasensiya muna kayo ngayon dahil nari-report. Todits muna tayo. Sa Facebook ko, Isko Moreno Domagoso at siyempre sa Facebook ni Paolo,” pahayag ni Isko.
“Yes, sa Paolo Contis Official. Basta makikita niyo yung ano, yung verified, yung may blue check, yan mahirap i-report yun. Andiyan pa rin kami!” sabi naman ni Paolo.
Sinubukan din naming hingan ng pahayag si Paolo sa pagsisimula ng It’s Showtime sa GTV sa July 1, Lunes, 11:30 a.m.-2:30 p.m. Wala pa naman daw inilalabas na statement ang TAPE.
Read: CONFIRMED: 'It’s Showtime' to transfer from TV5 to GTV
NOEL FERRER
Buhay ang noontime block ng telebisyon. Sari-sari ang galawan. May iyakan. May kasiyahan. May iringan. Natural lang naman iyan.
Pero sana, walang magkakasakitang personal. Sabi nga, trabaho lang.
Pagandahan na lang at pagalingan, pasayahan ang labanan.
Kaya maririnig ulit, ang paulit-ulit kong linya, kapag ganito ang nagaganap, at lahat nag-e-effort at hindi kampante ang mga tao, tayong mga audience ang panalo!!!
