PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Aljur & Vin Abrenica's Movie Date

Aljur Abrenica proud sa kapatid na si Vin Abrenica.
by PEP Troika
Published Jun 16, 2023
aljur abrenica vin abrenica the revelation
Aljur Abrenica (left) on working again with younger brother Vin Abrenica (right): “Siyempre yung araw-araw kami magkasama noon, nagdyi-gym kami. Yung parang nakita ko ngayon na iba na siya. Ibang-iba na yung kapatid ko. Proud ako sa kanya sa naging choices niya sa buhay. Proud ako sa mga achievements niya."

GORGY RULA

Nagpatawag ng piling-piling entertainment press ang manager ni Aljur Abrenica na si Leo Dominguez dahil nahihiya raw ang aktor sa House of Prime Films at Hand Held Entertainment Production, ang producers ng pelikulang The Revelation.

Hindi kasi nakadalo si Aljur sa presscon ng pelikula dahil nagkasakit siya. Nabasa raw ito ng ulan nung nagsu-shooting ng pelikula nila ng girlfriend na si AJ Raval.

“Yung init-lamig sa shooting, trinangkaso po ako. So, nakapagpahinga na. Kaya ko na magtrabaho ulit.

“Okay na ako kaninang umaga,” pakli ni Aljur nang nakatsikahan namin via Zoom nung nakaraang Lunes, June 12, 2023.

Bukod sa gusto niya ang kanyang role sa The Revelation, na-enjoy raw si Aljur habang sinu-shoot ito dahil kasama niya muli sa pelikula ang nakababatang kapatid na si Vin Abrenica.

Una silang magkatrabaho sa pelikulang Ang Hapis at Himagsik ni Hermano Puli (2016) na idinirek ni Gil Portes.

Read: Vin Abrenica, Aljur's brother, asked if men really can't resist temptation

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Pero alam niyo ang pinakagusto ko sa pelikulang ito yung opportunity na makatrabaho ko si Vin. Nag-enjoy talaga ako sa project na ito dahil kasama ko siya,” pahayag ni Aljur.

“Dati kasi nung 2016, hindi pa ganun, e. Pero ngayon, opposite, e. Bida-kontrabida na kami talaga ang magkatapat. Kaya first time ko makatrabaho na major role talaga.

“Nagpapasalamat ako sa oportunidad na makatrabaho ko [si Vin] kasi matagal kami nagkasama, personally bilang magkapatid. Maraming revelation nang magkasama kami. Totoo ito,” sabi pa ni Aljur.

Bukod kina Aljur at Vin, kasama rin sa The Revelation sina Ana Jalandoni, Jelai Andres, Lloyd Samartino, Adriana Agcaoili, Mosang, Sergio Garcia, at China Roces.

Idinirek ito ni Ray An Dulay at isinulat ng asawa niyang si Joyzell Dulay. Mapapanood na ito sa mga sinehan umpisa sa June 21, Miyerkules.

NOEL FERRER

Masaya si Aljur na tinapos itong pelikulang The Revelation dahil parang nag-bonding na rin sila rito ni Vin. Na-miss daw nila ang isa’t isa dahil magmula nang mag-asawa sila at bihira na lang sila nagkikita.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kuwento ni Aljur, “Siyempre yung araw-araw kami magkasama noon, nagdyi-gym kami. Yung parang nakita ko ngayon na iba na siya.

"Ibang-iba na yung kapatid ko. Proud ako sa kanya sa naging choices niya sa buhay. Proud ako sa mga achievements niya.

“Tapos yung favorite part ko, nanumbalik yung mga kuwento nung mga bata pa kami. Tapos, meron kaming isang eksena na… big scene yun, e.

"After that big scene, nagkatitigan lang kami. Tapos nagkaroon kami ng understanding na, 'Uy! Ito na pala ang mga pinagdaanan natin sa buhay.'

“And there’s an understanding na naintindihan niya ako, tapos naintindihan ko rin siya. Tapos may mga lines kami na medyo… hindi medyo, e, medyo related sa buhay namin, ganun.

“Ang saya! Ang daming revelations bilang magkapatid.”

Samantala, malapit na ang Father’s Day at tinitiyak ni Aljur na makakasama niya ang kanyang mga anak kay Kylie Padilla na sina Alas (6) at Axl (3).

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ngayong nasa formative years na ang kanyang mga anak, gusto raw niyang makasama sila palagi at bahagi siya sa pagpapalaki sa mga bata.

“I don’t want to miss the opportunity na makita sila lagi, yung time ko sa kanila. So, kapag may mga project na nababangga, sinasakripisyo ko yung trabaho.

“Blessing yun, pero isinasakripisyo ko yun para makasama ko yung mga anak ko,” sabi ni Aljur.

JERRY OLEA

Kasabay ng The Revelation sa June 21 playdate ang dalawang pelikula ng Viva Films na Will You Be My Ex? at Mary Cherry Chua.

Iyon din ang playdate ng foreign movies na Strays, Kandahar, Hypnotic, at No Hard Feelings.

Ayon kay Direk Ray An Dilay, noong summer pa sana ang playdate ng The Revelation, pero may inayos pa sila sa pelikula.

Hindi naman daw nila sinadyang tapatan ang Viva Films, lalo pa’t maliit lang silang produksyon. Maski sa distribution ng pelikula ay angat ang Viva sa kanila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Iyon ang pinaka-hardest thing for us na mga independent producers and filmmakers,” hinaing ni Direk Ray An sa mediacon ng The Revelation noong Hunyo 10, Sabado, sa Rafael’s bar, Newport World Resorts, Pasay City.

“Kasi anytime kami, kailangan naming pumila for the schedule. Sila, hindi. That’s the thing.

“So we’re hoping and praying for, you know, as a filmmaker, na sana mabigyan talaga ng pagkakataon ang independent filmmakers.

“Hindi tayo nag-uusap lang sa negosyo. Nag-uusap tayo sa artistry, na dapat lahat tayo mabigyan ng karapatan.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Aljur Abrenica (left) on working again with younger brother Vin Abrenica (right): “Siyempre yung araw-araw kami magkasama noon, nagdyi-gym kami. Yung parang nakita ko ngayon na iba na siya. Ibang-iba na yung kapatid ko. Proud ako sa kanya sa naging choices niya sa buhay. Proud ako sa mga achievements niya."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results