PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Rhian Ramos and Dingdong Dantes in Politics?

Rhian Ramos at Dingdong Dantes, di maiwasang tanungin tungkol sa pulitika.
by PEP Troika
Published Jun 16, 2023
rhian ramos dingdong dantes royal blood
'Royal Blood' stars Rhian Ramos and Dingdong Dantes asked about politcs during the mediacon of their latest Kapuso primetime series; Rhian about congressman boyfriend Sam Verzosa and Dingdong about his political plans.
PHOTO/S: Gorgy Rula

GORGY RULA

Hindi pa rin maiwasan ng dalawang bida ng bagong primetime series ng GMA-7 na Royal Blood na sina Rhian Ramos at Dingdong Dantes ang isyung pulitika.

Si Rhian, na ayaw na ayaw ma-involve noon sa pulitiko, ay boyfriend ngayon ang representative ng Tutok To Win party-list na si Congressman Sam Versoza.

Si Dingdong, madalas na natatanong tungkol sa kanyang political plans.

Sa nakaraang mediacon ng Royal Blood, sinagot ni Rhian ang tungkol sa relasyon nila ni Sam. Napangiti si Rhian nang tinanong ng PEP Troika kung handa na ba siyang maging politician’s wife.

“You know what, ever since when I was a kid, I always told myself, the two kinds of guy that I will never date in my entire life—a basketball player and a politician.

“They’re around guys all day. I’m like… I don’t want that super testosterone in my boyfriend or husband or what. And then, here I am.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"So, I guess, my answer is, I don’t know.

“It’s hard to say. Ang hirap pala talagang sabihin,” napakibit-balikat na pahayag ni Rhian.

Nakakasama naman siya minsan sa ilang political events ni Sam, pero nandoon lang daw siya para samahan ang nobyo.

“Sometimes, I’ve been to a couple of events. But you know, in general, I’ve been an artista through many elections already.

"And I just… I don’t wanna sway anyone politically in any way. So, I kinda stay out of talking about politics.

“I’ve been to a couple of events. And we just ate. That’s it!” saad ni Rhian.

Hindi na idinetalye ni Rhian ang tungkol sa breakup nila ni Sam.

Ayaw niyang sabihin kung gaano katagal silang nagkahiwalay. Pero nagkaayos sila at nagkabalikan dahil sa pinag-usapan nila ito nang maayos.

Read: Has Rhian Ramos called it quits with Sam Verzosa?

“There was a lot of talking. That’s, I guess, the biggest realization for me—that communication really fixed everything. Lahat ng bagay, puwedeng maayos sa maayos na usapan, magandang usapan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“I think it’s important for everyone to learn, 'coz not naman a lot of us have the best communication skills. Sometimes, we’re upset and we can’t even say what’s wrong and we don’t even know.

“So, yeah, there was a lot of talking in so many different topics, like there were things na talagang puwede naman palang ganun lang.”

Ginagampanan ni Rhian sa Royal Blood si Margaret Royales, isa sa mga anak ni Gustavo Royales na ginagampanan ni Tirso Cruz III. Isa rin si Margaret (Rhian Ramos) sa suspect sa pagpatay sa kanilang ama.

Magsisimula na ang Royal Blood sa GMA Telebabad sa June 19 pagkatapos ng Voltes V: Legacy.

JERRY OLEA

Si Dingdong Dantes naman ay natawa rin nang binalikan ang isyu ng pulitika. Napatawa rin siya nang tinanong kung posiblepang pasukin na niya ang pulitika at tatakbo siya sa 2025 elections.

Matagal na raw siyang hindi natatanong ng tungkol sa pulitika. Safe pa rin ang sagot niya tungkol dito.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ani Dingdong, “Parati ko namang sinasabi na yung public service is really something that I can find inside my heart, regardles of form.

"Kung ano man yan, kahit anong paraan ng pagsilbi ay gagawin. Ang tanong na lang kung hanggang saan yung commitment.

"And at this time, sabi ko, gagawin ko ito through my work, my job as an actor, by becoming a volunteer from time to time. Kasi sa ngayon, ito yung kaya kong i-commit.

"Pero pag tanong mo yung willingness tumulong, willingness na gumawa nang mabuti para sa kapwa, para sa bayan, of course always yan, 100 percent.”

So far, wala pa raw kumakausap sa kanyang political party para sumali sa kanila. Pero kung sakali, ie-entertain ba niya ang alok na tumakbo sa 2025 elections?

“Depende kung tapos yung Royal Blood,” napangiting sagot ni Dingdong, na gumaganap silang si Napoy sa bagong murder mystery series na ito ng Kapuso network.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Itong Royal Blood ang kapalit ng Hearts On Ice. Makakatapat nito ang Kapamilya teleserye ni Richard Gutierrez na The Iron Heart.

Magkaibigan sina Dingdong at Richard sa tunay na buhay. Pero noong Kapuso pa si Richard ay nagkakagirian ang kani-kanilang kampo.

Di ba, naging isyu pa sa Bench fashion show na Blackout: The Denim and Underwear Fashion Show noong Hulyo 25, 2008 sa Araneta Coliseum kung sino dapat ang finale?

Interesting ang pagsasalpukan for the first time ng kani-kanyang primetime series umpisa sa Hunyo 19, Lunes, na 162nd birth anniversary ng ating Pambansang Bayani na si Dr. Jose P. Rizal.

NOEL FERRER

Pareho sina Dingdong at Rhian na maayos ang career at buhay-pagmamahal ngayon. Let it be that way today and always.

Dahil diyan, interesting panoorin ang The Royal Blood starting next week. Aabangan natin kung paano maiiba ang take ng palabas na ito sa isang murder mystery tale.

Good luck!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
'Royal Blood' stars Rhian Ramos and Dingdong Dantes asked about politcs during the mediacon of their latest Kapuso primetime series; Rhian about congressman boyfriend Sam Verzosa and Dingdong about his political plans.
PHOTO/S: Gorgy Rula
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results