PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Boobay balik-taping na sa TBATS pagkatapos ng ilang linggong pahinga

Boobay, payag kayang maging host ng bagong 'Eat Bulaga!'?
by PEP Troika
Published Jun 14, 2023
boobay super tekla tbats
Pagkatapos ng ilang linggong pamamahinga ay balik-trabaho na si Boobay. Ngayong Miyerkules, June 14, ay nag-taping na siya para sa 'The Boobay And Super Tekla Show' nila ni Super Tekla.
PHOTO/S: GMA Network

GORGY RULA

Bumalik na sa trabaho si Boobay pagkatapos siyang pagpahingahin ng ilang linggo.

Masayang sinalubong si Boobay ng mga kasamahan niya sa taping ng The Boobay And Tekla Show (TBATS), lalo na ang co-host niyang si Super Tekla.

Read: Boobay, "nag-hang" habang ini-interview sa Fast Talk With Boy Abunda

Naka-text ng PEP Troika si Boobay ngayong Miyerkules, June 14, 2023, bago siya pumasok ng GMA-7 para sa taping ng TBATS.

Okay na okay na raw siya pagkatapos niyang dumaan sa treatment. Meron na raw siyang regular na gamot na tini-take para sa anti-seizure.

Text niya sa PEP Troika, “Lifetime na po ang take ko ng Anti-Seizure kuya… twice a day po ako nagti-take ng Valporic Acid, pang-maintenance.”

Read: Boobay, pinagpahinga muna ng GMA-7 sa 'TBATS'; Buboy Villar, magpi-pinchhit sa kanya

Naisipan daw niyang magbakasyon ng ilang araw sa Japan kasama ang dati niyang kasamahan sa TBATS na si Pepita Curtis.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Natutuwa raw siya sa ilang kaibigan at mga kababayan natin doon sa Japan dahil talagang inasikaso siya at naimbitahan pa siya sa isang event doon.

“Biglaang bakasyon lang po yun, Kuya, para makapag-unwind habang naka-break po ako sa TBATS po.

“Sobrang bait ng mga kababayan natin dun, pinasampa din po kami sa event nila dun kasama ko si Pepita. Kick off po yun ng Independence Day celebration po sa Japan,” kuwento ni Boobay sa PEP Troika.

Ngayon ay nag-iingat na si Boobay sa pagtanggap ng mga trabaho.

May regular gigs pa rin siya sa comedy bar na Clowns Republik pero binawasan na raw ito. Yung dating five times a week na sampa, ngayon daw ay three times a week na lang.

Kapag may taping siya, hindi na siya puwedeng sumampa sa Clowns kinagabihan.

JERRY OLEA

Tinanong na rin ng PEP Troika si Boobay kung sakaling alukin siya ng Eat Bulaga! na mag-host o kahit mag-guest, tatanggapin kaya niya?

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ilang linggo ring naggi-guest co-host dati si Boobay sa naturang noontime show.

Sagot niya, “Okay lang din po, Kuya… pero ipapaalam ko din po muna kay Nay/Boss Allan K if ever po.”

Si Allan K ay may-ari ng Clowns Republik at isa sa mga dating host ng Eat Bulaga!.

Ang dinig namin ay gusto ng TAPE, Inc. na kumuha pa ng dagdag na hosts, at si Boobay ang isa sa inire-recommend sa kanila.

Samantala, totoo bang may title na raw ang bagong noontime show ng TVJ sa TV5? Hindi pa naman nila ikinumpirma kung totoo bang This Is Eat! ang title ng kanilang show sa TV5.

NOEL FERRER

Magandang abangan ang susunod na mga pangyayari sa lahat ng kampo.

Totoo ba ang nabanggit na posibilidad na puwede ring mag-air ang It’s Showtime sa GMA News TV or GTV? Grabe ang galawan at rigodon kung nagkaganun.

Maghihintay tayo sa mga next development sa noontime show.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nangyayari ito habang patuloy namang pinatatatag ang nagre-rate at kumikita ring TikToClock nina Kuya Kim Atienza, Pokwang, Jayson Gainza, at Rabiya Mateo.

Nag-guest co-host si Joross Gamboa kanina at talagang in-enjoy niya ang kanyang pagge-guest.

Sana, matuloy ang pangako ng production na ibabalik siyang muli dahil laging magaan, mahusay, at masayang kasama si Joross na laging lucky charm at life of any set na sinasalihan niya.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pagkatapos ng ilang linggong pamamahinga ay balik-trabaho na si Boobay. Ngayong Miyerkules, June 14, ay nag-taping na siya para sa 'The Boobay And Super Tekla Show' nila ni Super Tekla.
PHOTO/S: GMA Network
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results