PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Maria Clara at Ibarra, balik sa trono bilang No. 1 TV Show sa Netflix

Maria Clara at Ibarra, muling nakuha ang trono sa Netflix.
by PEP Troika
Published May 11, 2023
maria clara at ibarra
Maria Clara at Ibarra, starring (from left) Barbie Forteza, Julie Anne San Jose, and Dennis Trillo, returns to the No. 1 position on Netflix Philippines' Top 10 TV shows.
PHOTO/S: Netflix Philippines

JERRY OLEA

Mayo 11, 1884, Linggo, napunta ang nursing student na si Maria Clara “Klay” Infantes (Barbie Forteza) sa mundo ng nobelang Noli Me Tangere.

Nang araw ring iyon sila nagtagpo ni Maria Clara “Clarita” de los Santos y Alba (Julie Anne San Jose).

Sa kuwento ito ng Kapuso series na Maria Clara at Ibarra, kung saan tampok din si Dennis Trillo bilang Juan Crisostomo Ibarra y Magsalin.

Sa totoong buhay, noong araw na iyon ay isang buwan pa lang makalipas ang ika-17 kaarawan ni Leonor Rivera, ang Maria Clara sa puso ng pambansang bayani natin na si Dr. Jose P. Rizal.

Ngayong Mayo 11, 2023, Huwebes… bumalik ang Maria Clara at Ibarra sa unang puwesto ng Top 10 TV Shows in the Philippines Today ng Netflix.

Twenty-two (22) consecutive days itong nag-number 1 sa naturang talaan, mula Abril 16 hanggang Mayo 7.

Na-dethrone ito ng Queen Charlotte: A Bridgerton Story. Tatlong magkakasunod na araw na number 2 ang Maria Clara at Ibarra, mula Mayo 8, Lunes, hanggang Mayo 10, Miyerkules.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Netflix Top 10 TV Shows: Maria Clara at Ibarra, na-dethrone ng Queen Charlotte

Ang Top 10 TV Shows ng Netflix Philippines today — Maria Clara at Ibarra, Queen Charlotte: A Bridgerton Story, Doctor Cha, Demon Slayer, Dr. Romantic, The Good Bad Mother, Sweet Tooth, One Piece, Queenmaker, at True Beauty.

Lima sa mga iyan ay K-drama mula sa South Korea. Tig-dalawa ang galing sa Amerika at Japan. Isa lang ang gawang-Pinoy, pero siyang nangunguna.

Ang Top 10 Movies in the Philippines Today sa Netflix — Bumblebee, AKA, The 5th Wave, Sniper: Assassin’s End, Spellbound, The Green Mile, F9: The Fast Saga, Hunger, Finding You, at Kung Fu Panda 3.

Two consecutive days nang isa lang pelikulang Pinoy ang nasa Top 10, iyong Spellbound nina Bela Padilla at Marco Gumabao.

Remake iyon ng 2011 South Korean horror romantic comedy film na pinagbidahan nina Son Ye-jin at Lee Min-ki.

Ligwak na sa Top 10 ang Hello, Universe! ni Janno Gibbs.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa tingin ninyo, papasok sa Top 10 ang Thelma ni Maja Salvador na noong Mayo 5, Biyernes, pa nagsimula ang Netflix streaming?

GORGY RULA

Wagi sa TV ratings ang Voltes V: Legacy, kung saan panauhin si Dennis Trillo bilang Hrothgar o Ned Armstrong, at inawit ni Julie Anne San Jose ang opening theme na "Voltes V No Uta."

Kaya nakakatuwang bumalik sa pagiging #1 ang Maria Clara at Ibarra, kung saan bida sina Dennis at Julie Anne, along with Barbie Forteza.

Siyanga pala, noong Mayo 10, Miyerkules, ay iyong Doctor Cha ang nanguna, at pumangatlo ang Queen Charlotte.

Today ay pumangalawa ang Charlotte, at pumangatlo ang Doctor Cha.

Anu-ano kaya ang placings ng mga iyan bukas at sa mga susunod pang araw?

Siyanga pala, ngayong Mayo 11 ay ika-45 kaarawan ni Judy Ann Santos, na nagbida sa teleseryeng Mara Clara (Agosto 1992-Pebrero 1997).

Gumanap si Juday na Mara, samantalang si Gladys Reyes ang Clara.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

NOEL FERRER

Parang dumami pa ang viewers ng Maria Clara at Ibarra ngayong nasa Netflix na ito. Mga bago kayang viewers ito o may nag-uulit mapanood ang mga episode?

Whatever happens, salamat sa Team Maria Clara at Ibarra at naghain kayo ng mahusay at hindi na malilimutang ambag, hindi lang sa telebisyon kundi sa sining at kultura ng ating bansa.

Sana, marami pang proyektong ganito ang magawa ng GMA 7! Mahusay talaga!!!

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Maria Clara at Ibarra, starring (from left) Barbie Forteza, Julie Anne San Jose, and Dennis Trillo, returns to the No. 1 position on Netflix Philippines' Top 10 TV shows.
PHOTO/S: Netflix Philippines
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results