GORGY RULA
Nagtabla ang ratings ng finale ng Ang Lihim ni Urduja at ng FPJ’s Batang Quiapo noong nakaraang Biyernes, Mayo 5, 2023.
Parehong naka-11.4% ang kanilang combined ratings.
Nag-trending ang Ang Lihim ni Urduja sa Twitter noong gabing yun.
Ngayong Mayo 8, Lunes, kaya ay kakayanin ng teleserye ni Coco Martin ang pilot episode ng Voltes V: Legacy sa GMA Telebabad?
Puspusan ang pagpo-promote nina Coco at Lovi Poe sa matinding banggaan ng teleserye nila sa sikat na animé series ng GMA-7.
Sila ang nagbukas ng It’s Showtime ngayong tanghali ng Lunes, May 8.
Ayaw nilang pakampante dahil sa ang lakas nga naman ng dating ng Voltes V: Legacy.
Abangan na lang natin kung kaya na bang pataubin ng Voltes V: Legacy ang FPJ’s Batang Quiapo.
Samantala, heto ang ratings ng ibang programa noong Biyernes:
Ang Eat Bulaga! ay 7.1%, at 3% ang It’s Showtime.
Ang Abot Kamay Ang Pangarap ay 10.8%. Sumunod ang AraBella na 9.1%, at 8.1% naman ang finale episode ng Underage.
Ang Fast Talk with Boy Abunda ay 6%, at ang Game of Outlaws ay 3.1 percent.
Ang Family Feud naman ay 9%, na sinundan ng 24 Oras na 15.7%.
8.2% ang Hearts on Ice versus Iron Heart na 6.2%.
Ang Bubble Gang na replay ang ibang segments ay 4.7% versus Dirty Linen na 4%.
JERRY OLEA
Patuloy ang pamamayagpag ng mga programa ng GMA-7. Maliban sa FPJ’s Batang Quiapo, talunan ang iba pang mga katapat ng Kapuso shows.
Ang kapalit ng underwhelming na Underage ay The Seed of Love. Tingnan natin kung mas love love love ito ng televiewers kumpara sa iba pang panghapong drama series ng Siete.
May mga bagong programa sa TV5 pero hindi pa natin nararamdaman ang mga iyon sa game of ratings.
Balitaktakan pa rin ang mga dyed-in-the-wools loyalists na Kapuso at Kapamilya. Pero ang mga taga-media na Kapuso at Kapamilya ay magsasanib-puwersa sa nalalapit na mediacon ng teleseryeng Unbreak My Heart.
Inaasahang dadalo sa nasabing mediacon sina Jodi Sta. Maria, Richard Yap, Gabbi Garcia, Joshua Garcia, Laurice Guillen, Eula Valdes, Sunshine Cruz, Nikki Valdez, Romnick Sarmenta, Victor Neri, Dionne Monsanto, PJ Endrinal, Maey Bautista, Mark Rivera, Will Ashley, Jeremiah Lisbo, Bianca de Vera, at ang mga direktor na sina Manny Palo at Dolly Dulu.
At any rate, heto ang ratings ng ilang primetime shows noong Sabado, Mayo 6…
7.2% ang 24 Oras Weekend, at 2% naman ang TV Patrol Weekend. Ang Amazing Earth ay 9.1%.
Ang Pepito Manaloto naman ay 10.8%, at 6.2% naman ang The Voice Kids.
NOEL FERRER
Noong Linggo, Mayo 6, narito ang ratings ng ilang programa:
Ang All-Out Sundays ay 4.7%, at 3.8% ang ASAP Natin ‘To.
Ang GMA Blockbusters ay 4.2%, at ang FPJ Da King ay 3.8%.
Naka-3.4% naman ang Regal Studio Presents. Sumunod ang pilot episode ng Resibo na naka-3.9%.
Maaaring maraming lugar ang nag-brownout kaya mababa ang viewership noong Linggo ng gabi.
Ang 24 Oras ay 4.7%, at 2.2% naman ang TV Patrol.
Sumunod ang Daig Kayo ng Lola Ko na naka-6.8%, at ang Happy ToGetHer ay 8.2%, at 5.8% naman ang The Voice Kids.
Pero consistent pa ring mataas ang The Clash na naka-11.4% versus I Can See Your Voice na 4.1%.
Ang Kapuso Mo Jessica Soho ay 15.2%. Ang The Boobay and Tekla Show ay 3.1%.
These are mainstream TV ratings. Ano naman kaya ang resulta ng online metrics, maganda ring pag-aralan iyan, di ba?
Patuloy lang ng paglikha ng magagandang palabas. Tayo pa rin naman ang mamimili at makikinabang.
Pero sana, para sa kumpletong basehan ng numero, kasama na ang TV5, NET25, at iba pang networks, di ba?
