GORGY RULA
Hindi nga ba pabor ang ilang taong malapit kay Guwapong Aktor o GA sa relasyon nito kay Byuti Aktres o BA?
Suportado naman ng iba ang relasyon ng dalawa, pero may mga taong close kay GA ay hindi gusto ang pagka-bratinella nitong si BA.
Sa sobrang love ni GA kay BA, sumusunod daw ito sa lahat ng gusto ng girlfriend.
May drama raw itong si BA na biglang papupuntahin sa condo unit niya si GA, na kaagad namang susugod doon.
Maya-maya, biglang bad mood na si BA, makikipag-away kay GA at palalayasin na niya.
Palibhasa likas na mabait si GA, ayaw niya ng gulo, kaya sumusunod na lang siya.
Hindi ito nagugustuhan ng ilang taong malapit kay GA.
Ang isang mentor at number one supporter ni GA ang nagagalit at hindi napigilang magsalita nang di maganda laban kay BA.
Nakarating pala iyon kay BA, kaya nairita siya. Ang ginawa niya, nag-text ito kay mentor gamit ang cell phone ng ni GA.
Kunwari si GA ang nag-text na pinagsabihan si mentor na tigilan na ang di magagandang sinasabi laban kay BA.
May sinabi pa raw na mas mabuting tapusin na lang ang ugnayan nilang dalawa. Siyempre, na-hurt si mentor at number one supporter ni GA.
Pero pagkalipas ng ilang oras, tila nahimasmasan si mentor at nagduda kung si GA ba talaga ang nag-text.
Tinanong niya si GA na, siyempre, nagulat kasi wala siyang ganoong text.
Doon nila nadiskubreng si BA ang may kagagawan.
READ:
Matangkad na aktor, mahilig magbigay ng jersey sa mga guwapito
Dalawang celebrity moms, malakas ang kamandag sa fitness instructors
Nagalit si GA at pinagsabihan ang nobya na huwag namang gawin yun dahil siya ang mapapahamak sa mga ginagawa nito.
Nakiusap na rin si GA kay mentor na tanggapin na lang ang relasyon nila ni BA.
Subukan daw nitong pakisamahan si BA, at baka maging friends pa sila bandang huli.
JERRY OLEA
Pagkatapos ng matinding unos sa relasyon nina BA at GA, pinanindigan pa rin nila ang kanilang pagmamahalan.
Ngayon ay wala na raw sumpong si BA. Maaaring iniiwasan na lang niyang magkaproblema pa ang kanilang relasyon.
Kasi, lumipat na raw si BA malapit sa condo ni GA.
Hindi na raw isyu sa kanila ang biglang pagpapapunta ni BA kay GA dahil magkalapit na sila ng bahay. Mas napapadalas ang kanilang pagkikita, kaya love love love na lang sila.
Wala nang pinag-aawayan dahil tahimik na lang si mentor. Ayaw na lang niyang lumikha pa ng gulo.
READ
Sexy singer-actress, super yaman at super happy sa family life!
Mestisang aktres na nahiwalay sa dating karelasyon, babae ang bagong karelasyon?
NOEL FERRER
Naku, buti na lang at mali ang unang hula ko! At buti na lang, matiyaga at matimpiin si mentor.
Parang may bagahe talaga ang relasyong ito, pero ang maganda ay nagagawa nilang maiayos ito to make their relationship work.
Sana lang, hindi sila mapagod at magkasawaan… at kumanta ng "Nakapagtataka…"
READ Young actor, binu-bully ang bagong boyfriend ng ex-girlfriend niyang aktres
