JERRY OLEA
Sa kasaysayan ng Pilipinas, ang ibig sabihin ng MILF ay Moro International Liberation Front.
Pero sa Hollywood, ang MILF ay pinauso ng pelikulang American Pie (1999) at patungkol ito sa karakter na ginampanan ni Jennifer Coolidge bilang mommy ni Stifler (Seann William Scott).
Remember, nahimatay si Stifler nang makita ang mom niya na nagpatikim sa tropa niyang si Finch (Eddie Kaye Thomas)?
Ang ibig sabihin ng MILF na iyan ay “Mother, I’d Like to F*ck,” na kaugnay sa term na “cougar.”
Certified MILF ang Forty-something va-va-voom Actress (FA). Puwedeng pagkalamang younger sister lang niya ang kanyang eldest daughter.
Makatas, malinamnam, katakam-takam! Maalaga si FA sa kanyang katawang lupa, at suki sa gym sa isang yayamaning distrito sa Kamaynilaan.
Pogilicious yummilicious ang isang fitness instructor sa favorite gym ni FA. May sexual tension agad-agad ang mga tinginan at ngitian nila. Sa pagpadyak-padyak at pagkadyut-kady*t ni FA sa work-out routine ay nagkaunawaan na sila ni fitness instructor.
READ Sexy singer-actress, super yaman at super happy sa family life!
Naging fubu or f*ck b*ddy raw sila! Nagkiskisan sila ng pawis, naghaluan ng laway!
Napadalas at napatagal ang pagtambay-tambay ng FA sa gym. Ayun, nahiwatigan ni eldest daughter ang erotic adventure ni mommy! Nag-imbestiga siya, at na-confirm niyang nakikipagharutan ang kanyang ina sa lalaking more or less ay kalahati ng edad nito.
Na-hurt si eldest daughter para sa kanyang daddy.
Minsang nag-gym si FA, sumugod doon si eldest daughter. Naabutan ni eldest daughter ang kanyang ina at ang boy toy nito habang nagwo-workout together.
Tinalakan ni eldest daughter ang lovebirds. Nagulantang ang ibang nasa gym!
Upang makaiwas sa further kahihiyan, exit frame si FA at kinaladkad pauwi ang eldest daughter.
Mula noon, hindi na bumalik sa nasabing gym si FA.
NOEL FERRER
Like mother, like daughter ba ito?
Parehong nasa balita ang mag-inang ito, kaya noong nabalitaan ng mga kasamahan natin sa press ito, karamihan ng mga reaksiyon ay, “Mana-mana lang iyan.” Talaga ba, kung ano ang puno ay siyang bunga?
Oh well, sana all is well na talaga!
READ Matangkad na aktor, mahilig magbigay ng jersey sa mga guwapito
GORGY RULA
Naku! Ang daming kuwentong nagaganap sa gym, lalo na ang drama ng ibang fitness instructor sa kanyang kliyente.
Napaka-Marites pa ng ibang mga bortang nag-eensayo sa gym dahil sa gitna ng pagbubuhat ng dumbbells, nagtsitsismisan sa mga nasasaksihan nilang pag-develop ng magandang pagtitinginan ng fitness instructor at ng tinuturuang kliyente.
Pero meron ding pumapalag!
Kagaya ng makinis at Mestisang Mommy (MM) ng isang aktres na bida sa inaabangang serye.
Mukhang kursunada itong si MM ng fitness instructor na nagtuturo sa kanya. Medyo iba na ang hawak sa katawan ni MM, na hindi na siya kumportable.
READ Teleserye sa totoong buhay: newbie, dumanas ng pang-aapi mula sa isang powerful personality
Sinita ni MM si fitness instructor, pero may ibinulong ang huli.
Lalo tuloy nairita si MM, at pagkatapos ng training, kaagad na nagsumbong ito sa management.
Nagreklamo si MM laban kay fitness instructor, na naging dahilan ng pagkatanggal ni fitness instructor sa naturang gym.
May iba namang naging maganda at masaya na sila sa kanilang relasyon.
Pero bongga rin itong palaban na eldest daughter ni FA! Mabuti at ginawa niya ito para ma-save ang nanganganib na relasyon ng kanyang parents.
Ang dinig namin, okay na si aktres sa kanyang asawa dahil na rin sa ginawa ng eldest daughter na nagmamalasakit sa magandang samahan ng kanyang pamilya.
