GORGY RULA
Sa ngayon ay hindi pa rin handang maging mommy si Glaiza de Castro, mahigit dalawang taon pagkatapos nilang ikasal ng mister niyang si David Rainey.
Ganun pa rin ang sagot ng Kapuso actress nang tinanong ito sa kanya sa mediacon ng Kapuso drama series na The Seed of Love.
Read: Glaiza de Castro reveals getting married to David Rainey October 2021
“Sa lahat po na nagtatanong kung kailan kami magbi-baby, sinasabi ko po lagi na kailangan ko maging prepared—physically, mentally, spiritually…
"Kasi nakikita ko rin sa mga kaibigan ko, sa mga kapatid ko, na hindi talaga madaling magkaroon ng anak.
“So, medyo pinaghahandaan pa po namin talaga. Parang pagdating ng araw ng time na gusto na talaga naming mag-baby, settled na kami.
“Kasi ngayon, parang madami pang kailangang ayusin. Like, we just started our business last February. Tapos ayun nga, nung time na ginagawa namin yung show, busy rin kami pareho.
"So, ayun, pinag-usapan na po namin, yes.”
Read: Glaiza de Castro, takot pang mabuntis: "Hindi pa ako nagmamadali na ma-positive."
Kung si Glaiza ang masusunod, ilang anak ang gusto niya?
“Kung ilan, siguro dalawa lang, ganyan. Pero hindi tayo makakasiguro, di ba?
"Minsan kapag nagdasal tayo, minsan hindi rin natutuloy, e. Pero ideally, dalawa po,” pakli ni Glaiza.
Masaya si Glaiza dahil finally ay maipalalabas na sa May 8, sa Afternoon Prime ng GMA-7, ang The Seed of Love, na parang Voltes V: Legacy ring three years in the making.
NOEL FERRER
Talaga? Three years in the making na ang The Seed Of Love?
Nahirapan nga raw si Glaiza nang bumalik na siya sa taping ng The Seed of Love dahil kailangang bumalik uli sa kanya ang karakter ni Eileen na ginagampanan niya sa seryeng ito.
“Hindi ganun kadali, e,” bulalas ni Glaiza.
“Ibang hirap din yung pinagdaanan namin kasi we started the show Febuary 2020.
"During that time, wala pang kaalam-alam kung ano yung COVID. Kung ano yung coronavirus. Pinag-uusapan lang namin, like si Tom Hanks, nagkaroon ng COVID.
"Pero patuloy pa rin kami sa taping, ganyan.
“And then, pandemic happened nung March. So, stop taping.
"Pero yung time na yun, natapos na namin yung mga Banaue scenes. Nakita niyo naman sa trailer, di ba? Ang ganda rin!
“Tapos, nagkaroon ng Nagbabagang Luha, nagkaroon na ng shows yung ibang mga cast members, yung director, yung production.
“Parang ano kami… nag-usap kami ni Direk Ricky [Davao] during Nagbabagang Luha, ‘Sana, matuloy, no? Kasi sayang naman yung mga material, sayang yung nagawa natin.’
“Siguro nakaka-ten taping days na rin kami. So, parang pag ma-put to waste yun, nakakapanghinayang, di ba?
“Siyempre, nag-effort lahat, nagbiyahe sa Ifugao, sa Banaue, na 11 hours yung biyahe."
Read: Natenggang Kapuso serye The Seed of Love, balik-shooting na
Pagpapatuloy ni Glaiza, “So, para sa akin, sobrang fulfilling na to see this music video, yung OBB namin, talagang nakaka-proud.
"Lahat ng mga taong involved dito, napa-proud ako sa kanila, and I am proud of myself na natapos namin ito, di ba?
“Na isa na namang show sa GMA na ipalalabas, and we’re very, very excited to show this to people. Ibang klase po yung hardwork na ginawa namin dito.
“Masasabi ko na dito talagang ang panlaban namin dito fighting spirit, courage, and perseverance.
"Kasi, kahit na nangyari na yung COVID, nagka-lockdown, talagang tinapos pa rin namin yung show.
"And dun pa lang, successful na yung show."
Pero ingat ingat pa rin sa ngayon at dumarami na naman ang COVID cases kaya swab kete swab na naman lahat ng mga taga produksiyon, lalo pa’t isang bida ng teleserye ay nagka-COVID pala after ng isang biyahe abroad.
Basta ingat lang talaga!
JERRY OLEA
Weakest link sa mga panghapong teledrama ng GMA ang Underage, na papalitan ng The Seed of Love.
Interesting ang premise ng teledramang ito nina Glaiza de Castro at Mike Tan — ninakaw ng eme — kaya antabayanan natin ang nagbabagang talsik nito sa game of ratings!
