GORGY RULA
Ngayong Miyerkules, Abril 26, 2023, ang flight ng magkasintahang Ruru Madrid at Bianca Umali papuntang Paris, France. Sa City of Lights kukunan ang finale ng serye nilang The Write One.
Ang bongga ng GMA Public Affairs, talagang ginagastusan nila ito para maganda ang ending ng naturang drama series. Bagay naman kasi ang Paris sa kuwento ng The Write One.
Nagpaalam na rin sa Sparkle sina Ruru at Bianca na mag-i-extend sila ng ilang araw para makapaglibot sa Europe. Ito naman ang hinihingi nilang magkaroon ng panahong makapagbakasyon na silang dalawa lang.
Noong nakaraang media launch ng The Write One, sinabi ni Ruru na nasanay na silang magkahiwalay ng trabaho. Ibang experience din daw palang magkasama sila sa work.
Sabi pa ni Ruru, ang dami niyang natutunan kay Bianca sa taping ng The Write One.
“Hindi ako magsasawang makatrabaho ang babaeng ito,” bulalas ng GMA Primetime Prince.
Sabi naman ni Bianca, “Hindi kami sanay na magkatrabaho kami. Sanay kami na magkaiba yung work namin, and kapag rest day namin, kami yung pahinga ng isa’t isa. But this time is different, kasi kami naman ngayon yung trabaho ng isa’t isa.
“Hindi na pahinga. Trabaho na. So, iba yung experience, but so far, because of you, and because of GMA Public Affairs, the journey has been wonderful.
“Sobra-sobra po yung pasasalamat namin that we are given the opportunity to work with this project.”
Kaya tiyak na masayang experience ito sa magkasintahan sa Paris, dahil magkasama silang magbabakasyon pagkatapos ng trabaho.
Hindi kaya magulat tayo, biglang doon sa Eiffel Tower mag-propose si Ruru kay Bianca?
Read: Ruru Madrid says breakup with Bianca Umali made him realize she's "The One"
NOEL FERRER
Bongga talaga ang breaks para kay Ruru Madrid (at Bianca Umali) sa Public Affairs.
May tie up agad sa Viu, at hindi ako magugulat na may susunod na muli — ang isang napapabalitang project na Black Rider. Pagkatapos ay meron pang usap-usapang Lolong Part 2!!!
Kaya kung sa lead stars sa teleserye, it’s Ruru Madrid na bankable lead na consistent ang magagandang projects. Thank you sa GMA Public Affairs!
And yes, kung tututukan ninyo ang The Write One, ang layo na ng iginaling ni Ruru sa mga kapanabayan niya sa pag-arte, ha!
In all fairness, he deserves all these — successful na sa career, at pati sa love life!!! All the best Ruru (and Bianca)!!!
JERRY OLEA
Ang male winner sa Protégé: The Battle for the Big Artista Break (2012) ay si Jeric Gonzales. Runners-up sina Mikoy Morales at Ruru Madrid.
Umariba sa ratings ang Lolong na pinagbidahan ni Ruru, at ang layo na ng agwat niya kina Jeric at Mikoy.
Masaya si Jeric kay Rabiya Mateo, ganoon din naman si Ruru kay Bianca Umali.
