JERRY OLEA
Andaming bagong movies na pagpipilian every week sa local cinemas.
Walong pelikulang Pinoy ang kalahok sa 1st Summer MMFF mula Abril 8, 2023, Sabado de Gloria, hanggang Abril 18, 2023.
Noong Abril 19, Miyerkules, ay pitong pelikula ang nag-open sa mga sinehan. Dalawa sa mga ito ay lokal: Voltes V: Legacy at Adik Sa ‘Yo.
Ang nanguna sa mga nag-open last Wednesday ay ang The Super Mario Bros. Movie, ang pinakamalakas na pelikula ng taon so far. Umabot na sa $875M ang worldwide gross nito.

Ang apat pang foreign movies na nag-open last week ay AIR, One True Loves, Ride On, at The Pope’s Exorcist.
Sa SM cinemas lamang ipinalabas ang Voltes V: Legacy (The Cinematic Experience).
Nag-advance selling ito para sa animnapu’t dalawang sangay ng SM. Nagka-technical glitch sa first day, at labinsiyam na SM branches lang ang nakapagpalabas.
Read: GMA Network apologizes for 'Voltes V: Legacy' technical issues in some cinemas
Pakonti-konti ay nadagdagan iyon ng sinehan. Naging dalawampu’t isa … tatlumpo… tatlumpo’t lima… apanapu’t anim… limampu’t tatlo… animnapu’t lima… pitumpo… hanggang umabot sa pitumpo’t tatlo!
Simula bukas, Abril 26, pito na namang bagong pelikula ang mapapanood sa local cinemas — Papa Mascot ni Ken Chan, Sa Muli nina Xian Lim at Ryza Cenon, comedy horror nina Nicholas Hoult at Nicolas Cage na Renfield, thriller ni Shailene Woodley na To Catch A Killer, ang Thai romantic-drama na You & Me & Me, shark-survival film na The Black Demon, at romantic drama na Beautiful Disaster.
Noong Marso 15 ipinalabas ang Kunwari… Mahal Kita kung saan si Joseph Marco ang leading man ni Ryza Cenon. Mas malakas kaya roon ang Sa Muli kung saan si Xian Lim ang katambal ni Ryza?
Ang Voltes V: Legacy ay extended sa dalawampung sinehan hanggang Mayo 2.

Sa Mayo 3, Miyerkules, magpapasiklab na sa takilya ang marvelous Guardians of the Galaxy Volume 3.
Meron kayang Pinoy movie na mangangahas makipagbakbakan dito? As we write this, wala pa kaming nakitang update sa Facebook page ng Cinema Exhibitors Association of the Philippines (CEAP) kung anong pelikula ang makikipagsalpukan sa bagong adventure nina Peter Quill/Star-Lord, Gamora, Drax the Destroyer, Nebula, Rocket, at Groot.

NOEL FERRER
Sa puntong ito, nalulungkot pa rin ako sa estado ng panonood ng sine sa bansa natin.
Oo, dapat mga event films na talaga ang may edge, at napatunayan nating kakaibang cinema experience talaga ang habol ng mga tao para habulin ang panonoorin nila sa sinehan.
Pero tuluy-tuloy lang sa paggawa ng magandang content. Maghi-hit din iyan sa platform kung saan nararapat.
Hindi ba’t may alam tayo na flop sa sinehan pero hit sa streaming?
Of course, ang target natin ay hit na sa sinehan, hit pa rin sa streaming.
Ang sabi ng taga-sinehan na kausap ko, “Paano mangyayari yun sa local films, e, parang ang mga producers na mismo ang pumapatay sa sarili nilang buhay sa sinehan dahil after 45 days sa sinehan, ilalabas na nila agad ang pelikula sa streaming?”
Sabagay, dahil sa pag-iisip na ganito, hihintayin na lang ng ibang kababayan natin sa streaming at hindi na lang mag-e-effort magbihis at gumastos sa pasahe’t pa-popcorn tuwing manonood sa sinehan.
Ano nga ba ang win-win solution sa ganito?
GORGY RULA
Kabado ako sa dalawang local films na magsu-showing bukas, April 26.
Ano kaya ang puwede pang gawin para mapalakas ang promo?
Kulang pa sa exposure sa TV. Sana, i-push pa sa social media.
Kahit paano, lumaban ang About Us But Not About Us nung Summer MMFF dahil dagsa ang TikTok posts nila.
Sana, magsipag ang mga artista sa pag-promote sa socmed o kahit sa radio.
Itong Papa Mascot ni Ken Chan, sana tinodo na nila sa mall shows. Puwede silang magpa-contest ng Papa Mascot of the Year para may awareness lang sa mga tao.
Wala pang katiyakan ang mga susunod pa nating pelikula, at tuluy-tuloy pa rin ang pag-produce ng mga film production, pati mga maliliit na producers.
Panahon na sigurong maging mapangahas tayo sa mga pelikulang gagawin natin.
Bakit hindi subukan ng Viva na ipalabas na sa mga sinehan ang Vivamax movies nila? Kahit bigyan ang mga ito ng R18 at hindi maipalabas sa SM cinemas, tingnan natin kung tatauhin sa ibang sinehan.
Nung panahon ng '70s ay pinasigla ng Uhaw movies ang local movie industry. Saka sinundan na ng mga matitinong pelikula.
Inilunsad sa sexy movies sina Alma Moreno, Rio Locsin, Lorna Tolentino, at kahit si Vilma Santos. Si Nora Aunor nga, nag-topless sa Banaue!
Pagdating nung '90s, kung saan nag-hit noon ang action films nina FPJ, Rudy Fernandez, Bong Revilla, hanggang kina Robin Padilla at Raymart Santiago, lumitaw ang ST films na sinimulan ni Gretchen Barretto.
Dito namayagpag sina Rosanna Roces, Priscilla Almeda, at pati si Ara Mina.
Bakit hindi natin subukan ang kaseksihan nina Angeli Khang, Christine Bermas, Ayanna Misola, at sangkatutak na Vivamax stars?
Malay natin. Baka sila ang magpapasigla sa aandap-andap na industriya ng pelikulang Pinoy.
Read: Hubadero 2022 Edition: Male stars who did frontal nudity (real or prosthetic) in movies
