GORGY RULA
Naka-5.5% ang rating ng Fast Talk With Boy Abunda kung saan nag-guest si Boobay. Pinag-usapan ang episode na yun dahil sa nangyaring silent seizure sa comedian-TV host.
Read: Boobay, "nag-hang" habang ini-interview sa Fast Talk With Boy Abunda
Ewan ko kung na-curious ang mga tao sa susunod na episode nung Biyernes, April 21, 2023, kung may update sila kay Boobay kaya tumaas ang viewership.
Pero si Dingdong Dantes naman kasi ang special guest ni Kuya Boy kaya talagang pinanood ito televiewers. Naka-6.3% ang rating nito.
Mataas din ang rating ng iba pang program ng GMA-7 nung hapong yun: Abot Kamay Na Pangarap, 9.8%; Arabella, 9.1%; at Underage 7.7%. Ang Family Feud ay naka-9.1%.
Sa prime time nung Sabado, April 22, naka-8.2% ang 24 Oras Weekend.
Sumunod ang Amazing Earth na naka-9.4%, at ang Pepito Manaloto ay naka-10.5%.
JERRY OLEA
Narito naman ang rating ng mga programa nung Linggo, April 23:
All-Out Sundays, 4.3% vs ASAP Natin ‘To, 2.4%
GMA Blockbusters, 3.6% vs FPJ Da King, 3.8%; Regal Studio Presents, 3.8%.
24 Oras Weekend, 5.5% vs Best of PBA (TV 5), at 1.3%
Daig Kayo ng Lola Ko ay 7.3% vs TV Patrol Weekend, 2.2%
Sa Happy ToGetHer naman ay regular na pala si Arra San Agustin na tipong love interest ni John Lloyd Cruz sa naturang sitcom. Naka-9.2% ang episode na si Rabiya Mateo ang special guest.
Naka-4.2% naman ang The Voice Kids.
Tumataas naman ang The Clash, na sumusunod sa Happy ToGetHer, dahil anim na clashers na lang ang natira, at malapit na ang finals. Naka-12.2% ito.
Naka-2.5% ang I Can See Your Voice.
Sumunod ang Kapuso Mo, Jessica Soho na naka-16.9%.
Surprisingly, mataas din sa 4.1% ang replay episode ng The Boobay and Tekla Show.
Of course, hilahod ang mga kalaban ng GMA shows, lalo na kung weekend. Ewan kung kailan magpu-full blast ang ALLTV, na tinaguriang "Bagong Channel 2."
Sa daily primetime shows ay umaariba pa rin ang medical drama series ni Jillian Ward na Abot Kamay Na Pangarap, na malapit nang mag-eight months sa ere.
Mabuti naman at nalalapit nang matapos iyong Mga Lihim ni Urduja, na hindi nakaporma sa FPJ’s Batang Quiapo ni Coco Martin.
Huling dalawang linggo na lamang ng Mga Lihim ni Urduja, at papalitan ito ng Voltes V: Legacy.
Abangan natin ang pakikipagbakbakan ng FPJ’s Batang Quiapo sa Voltes V: Legacy umpisa Mayo 8!
Nasa huling dalawang linggo na rin ang Underage. Ito ba ang papalitan ng The Seed of Love nina Glaiza de Castro, Mike Tan at Valerie Concepcion?
Interesting din ang primetime salpukan ng Hearts On Ice at The Iron Heart.
NOEL FERRER
Nagpakalungo ako sa pagbabasa ng mga libro nitong weekend — at nataon namang World Book Day pala kahapon, paalala ni Tito Wilson Lee Flores.
Wala akong moment sa telebisyon during the long weekend. At asiwa ako na mag-comment sa ratings dahil no match naman na dahil iisang network lang ang nagdo-dominate nito dahil hindi patas ang playing field ng isinusukat sa kanila.
In the end, magandang malaman, nadadagdagan pa ba ang TV viewing audience o magmi-migrate na ba talaga ang mga Pinoy sa online?
Alam ko sa probinsya, mainstream TV pa rin ang naghahari. Kaya without a TV franchise, hindi talaga patas ang tapatan ng Kapamilya shows sa Kapuso, di ba?
What do you think?
