PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ken Chan, saludo sa mascot workers; naranasan hirap ng work nila

Ken, saludo sa mga mascot workers
by PEP Troika
Published Apr 23, 2023
Ken Chan
Ken Chan, inaming nahirapan sa mga eksena niyang nakasuot ng mascot costume para sa pelikulang Papa Mascot. Aniya, “Ang init, oo! Actually ano, yung pawis ko po doon, nakita niyo? Totoong pawis po yun nung paghubad ko sa costume. Siguro mga one minute, ganun na talaga yung pawis mo. Grabe!"
PHOTO/S: Jerry Olea

JERRY OLEA

Ibang-iba ang acting at characterization ni Ken Chan sa pelikulang Papa Mascot, sa direksyon ni Louie Ignacio.

Ken Chan

“Ang pinakaunang requirement na hiningi ni Direk Louie sa akin ay yung acting ko na Level 5 — yun ang max, e, Level 5,” lahad ni Ken sa mediacon matapos ang premiere screening ng Papa Mascot noong Abril 17, Lunes, sa SM Megamall, Mandaluyong City.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Level 4, Level 3, Level 2, Level 1. Kailangan, from Level 5, nandun ako sa gitna ng Level 1 at 2, at hindi na puwedeng lumampas sa Level 2.

“Dahil every eksena talaga, talagang inaalagaan ako ni Direk Louie. Sinasabi niya, ‘Anak, uulitin natin. Kasi, nag-Level 3 ka dun.’

“So, isa yun sa pinakamahirap! Bilang actor also, ang hirap din po na umarte doon sa Level 1. Isa po yun sa pinakanahirapan ako!

“Kasi, ngayon ko na-realize na mas madali palang umarte sa Level 5. Pero para ipakita mo yung tamang emosyon, at nandun ka lang sa Level 1 at Level 2, isa yun sa pinakamahirap gawin po, at tinulungan po ako ni Direk Louie Ignacio na gawin yun.”

Aminado si Ken na nahirapan siyang magsuot ng mascot costume.

Kuwento ng 30-anyos na Kapuso actor, “Ang init, oo! Actually ano, yung pawis ko po doon, nakita niyo? Totoong pawis po yun nung paghubad ko sa costume.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Siguro mga one minute, ganun na talaga yung pawis mo. Grabe! Saludo ako sa mga ang trabaho po ay magsuot ng mascot.

“Hindi po biro talaga ang ginagawa nila! At biruin nyo po, ako po… isang minuto, dalawang minuto, pagod na pagod na po ako. Hapung-hapo na po ako.

“E sila po, minsan, kalahating oras, kailangan nilang mag-perform at sumasayaw pa. Pampaligaya!

“Yung mga nagsusuot ng mascot, pag nagtagal, puwede po nilang ikamatay dahil nasu-suffocate sila.

“At may mga pagkakataon na talagang nahahapo talaga sila. At hindi nila puwedeng ipakita yun. Kasi sabi nga ni Direk Louie, ang mascot, kapag tiningnan mo, physically outside, napakasaya!

“Pero inside, hindi mo alam kung ano yung emosyon ng nagtatrabaho, o kung sino yung nagsusuot na yun.

“Hindi mo alam kung malungkot ba sila, pagod ba sila, at ako, naranasan ko yun. I’m just so blessed also na naranasan ko yun, at hindi ganun kadali.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ipapalabas ang Papa Mascot sa mga sinehan umpisa Abril 26, Miyerkules. Kasama ni Ken sa pelikula sina Gabby Eigenmann, Liza Diño, Miles Ocampo, Erin Rose Espiritu, Sue Prado, Tabs Sumulong at JC Parker.

GORGY RULA

Totoo iyung sinabi ni Ken na talagang maaawa ka sa mga mascot na talagang nagpakahirap para pasayahin lang ang mga bata sa karakter na suot nila.

Naalala ko noon sa Startalk iyung itinulak ni Manay Lolit Solis ang mascot ng M&M, awang-awa kami noon sa bata dahil hindi na makatayo nang tumimbuwang ito sa stage.

Kaya paulit-ulit na nag-sorry si Manay Lolit sa bata, lalo na’t nakita niyang maliit lang ito at patpatin pa.

Madalas ay maliit at payat na bata ang nagma-mascot para madali silang kumilos suot ang mabigat na costume.

Hindi puwede diyan ang malalaking tao o mataba dahil makapal na ang suot nila.

Kaya maganda ring mabigyan nila ng pagpupugay ang mga mascot na maliit lang naman ang kinikita sa napakahirap na trabahong iyan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang dami nang nagawang project ni Ken na talagang challenging ang character. Sabi naman niya nung nakaraang presscon, nagma-mature na siya, kaya tama lang na naibigay sa kanya itong Papa Mascot.

“Hindi pa po kasi ako puwede nun dahil sa bata pa ako nun. Pero ngayon, nagkaroon na po ako ng chance… nagma-mature na po tayo. Kaakibat dun yung mga material na ginagawa ko.

“At ngayon po yung best time na makagawa ng isang material katulad ng Papa Mascot, because I think perfect timing, perfect age, para gumawa ng ganitong material, and I’m just so happy na nakagawa po ako,” pahayag ni Ken Chan.

NOEL FERRER

Masunurin. Mabait. Mapagbigay. Ito na ang puwedeng ibansag kay Ken base sa mga pahayag ng kanyang direktor na si Louie Ignacio.

Sana, with Papa Mascot, magtatak na si Ken bilang mainstream film leading man at sana, kumita ito.

Sana.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ken Chan, inaming nahirapan sa mga eksena niyang nakasuot ng mascot costume para sa pelikulang Papa Mascot. Aniya, “Ang init, oo! Actually ano, yung pawis ko po doon, nakita niyo? Totoong pawis po yun nung paghubad ko sa costume. Siguro mga one minute, ganun na talaga yung pawis mo. Grabe!"
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results