JERRY OLEA
Mag-uumpisa na ang bagong digital show na Ang Lalaki sa Likod ng Profile ngayong Abril 22, 2023, Sabado, ng 7:00 p.m. sa Puregold Channel sa YouTube.
Pampa-good vibes ang love story na ito nina Bryce, a.k.a. Nokage (Wilbert Ross), at Angge, a.k.a. Infected Sisig (Yukii Takahashi).
“They work surprisingly well. First time sila nagkitaan sa look test, may chemistry! And I also like they help out each sa scenes and complement each other. Ganda nila tingnan together!” sabi ni Victor Villanueva, ang direktor ng digital series.
Si Direk Victor din ang nagdirek ng YouTube series na Ang Babae sa Likod ng Face Mask, na pinagbidahan ni Herlene Budol, a.k.a. Hipon Girl, katambal si Joseph Marco.
Prinodyus ni Chris Cahilig ang dalawang digital shows.
Sa channel rin mapapanood ang series na GVBoys starring Jerome Ponce, Nikko Natividad, and Dave Bornea, pati na rin ang Tiktok series na 52 Weeks, starring Queenay Mercado and BidaMan winner Jian Macapagal.
Kabilang sa supporting cast ng Ang Lalaki sa Likod ng Profile sina Kat Galang at Migs Almendras bilang mga kaibigan ni Bryce, Marissa Sanchez bilang mommy ni Bryce na si Bessie, Star Orjaliza bilang Yaya Aimee, Moi Marcampo bilang Chili Anne na crush si Bryce, TJ Valderrama bilang kuya ni Angge, at Anjo Resurreccion bilang ex ni Angge.
NOEL FERRER
Ang tagline ng bagong series ay, “Mahirap na nga makahanap na ka-duo sa game, jowa pa kaya? Kung hardstuck ka sa torpe mode, may chance pa kaya mag-rank up sa love?”
Utilizing social media as vital to its narrative, Ang Lalaki sa Likod ng Profile is set to depict realities that young Filipinos can relate to.
For Episode 1, viewers will witness how Bryce navigates life, his video-game interest and expertise, and how his mother constantly nags him to look for a girlfriend.
Meanwhile, Angge is recovering from Toxoplasmosis, a brain infection that currently limits her movement.
The two leads will cross paths on a digital platform called Talkverse.
Ito na talaga ang bagong trend sa advertising—pasukin na rin ang world ng narrative content. Dati, intrusions lang sa pelikula at TV, ngayon, full production na talaga!
GORGY RULA
Nakakatuwa na nabigyan ng ibang project si Wilbert Ross sa labas ng Viva, at hindi lang sa Vivamax siya napapanood.
May iba pa siyang talent, gaya ng pagkanta at paggawa ng kanta.
Kaya sana, maganda ang kalabasan nito para mabigyan siya ng iba pang magagandang projects.
Kung si Nikko Natividad ay lumabas muna sa GVBoys ng Puregold Channel bago nag-Vivamax, ito namang si Wilbert (pati ang support na si Migs Almendras) ay nag-Vivamax muna bago nag-Puregold Channel.
Hindi ko pa nasisilip kung ano pa ang napapanood dito sa channel, pero curious lang ako kung hiwalay ba itong streaming app na ito sa kanilang supermarket chain.
Kasi, kung ang purpose ay para ma-promote ang kanilang supermarket, ewan ko lang kung nakatulong dahil wala pa talagang may nag-hit o nag-trending sa nagawa nilang series.
Pero okay na rin dahil nabibigyan ng trabaho ang mga artista natin.
