JERRY OLEA
Mistulang may filmfest na naman sa local cinemas. Pitong bagong pelikula ang nag-open sa mga sinehan ng bansa noong Abril 19, 2023, Miyerkules.
Exclusive sa SM Cinemas ang Voltes V: Legacy. Nagpa-advance ticket sales ito sa 62 SM cinemas. Pero dahil sa technical glitch, labinsiyam (19) na sinehan lang ang pinagpalabasan nito sa unang araw.
Read: GMA Network apologizes for 'Voltes V: Legacy' technical issues in some cinemas

Noong Huwebes ng umaga, April 20, ayon sa Facebook post ng Kapuso writer na si Suzette Doctolero at GMA- executive na si Ma’am Lilybeth G. Rasonable — available na ang Voltes V: Legacy sa dalawampu’t isang (21) sinehan.
By Thursday 3:56 p.m. ay apat na sinehan ang nadagdag dito.
By Friday (April 21) 3:05 p.m., ayon sa FB update nina Suzette at Ma’am Lilybeth ay tatlumpo’t lima (35) na ang SM cinemas na nagpapalabas ng Voltes V: Legacy.
Ang anim na pelikulang nag-open pa sa local cinemas matapos ang 1st Summer MMFF ay AIR, The Pope’s Exorcist, Ride On, One True Loves, Adik Sa ‘Yo, at ang pinakamalakas na pelikula so far ngayong 2023 —The Super Mario Bros. Movie.

Abril 5, Miyerkules Santo, nag-umpisang mag-showing sa North America ang The Super Mario Bros. Movie, kung saan si Chris Pratt ang boses ng tuberong si Mario.
Ang domestic gross nito noong Easter Weekend (Abril 7-10) ay tumataginting na $166M. On its second weekend (Abril14-16) sa U.S. at Canada ay nanguna pa rin ito with a weekend gross of $92M.
As we write this ay umabot na $371 ang domestic gross nito, samantalang ang worldwide gross nito ay $721M na.
Ang sumunod na 2023 movies na malalakas worldwide, so far, ay Ant-Man and the Wasp: Quantumania ($474M), John Wick: Chapter 4 ($352M), Creed III ($272M), Scream VI ($167M), Dungeons & Dragons: Honor Among Thieves ($160M), at Shazam! Fury of the Gods ($132M).
Interesting ang bakbakan ng The Super Mario Bros. Movie at Voltes V: Legacy dahil ang pinag-ugatan ng kuwento ng mga ito ay Japanese.
Ang Voltes V ay Japanese animé TV series na ipinalabas mula Hunyo 1977 hanggang Marso 1978.
Ang Mario Bros. ay arcade game na inilabas ng Japanese multinational videogame company na Nintendo noong 1983. Successor nito ang video game na Super Mario Bros., na ini-release noong 1985.
Ayon sa source ng PEP Troika ay P6.5M ang first-day gross sa bansa ng The Super Mario Bros. Movie.
Naaliw ako nang panoorin sa IMAX cinema ng SM Mall of Asia ang The Super Mario Bros. Movie noong Abril 20, Huwebes ng 6:30 p.m.
P670 ang admission price sa IMAX. Sa tantiya ko, humigit-kumulang limampu kami sa nasabing screening.

NOEL FERRER
Patuloy pa rin nating suportahan ang mga sinehan dahil ngayon lang sila nakakabawi sa lahat ng losses nila.
Buti naman at maraming nanonood ng The Super Mario Bros. Movie at pati mga pamangkin ko ay excited panoorin ito over the long weekend.
Ang kalunus-lunos ay ang kinikita ng local films na halos hindi pa makaisang milyong piso sa opening day.
Sayang naman at naantala ng technical glitch ang Voltes V: Legacy sa maraming sinehan. Ano ba ang nangyari?
Nakahihinayang na ang 3-4 years in the making na proyekto ay nakaranas ng ganito.
At heto naman ang magandang balita: may ilang pelikula ng Summer MMFF tulad ng Here Comes The Groom at About Us But Not About Us na nag-announce ng kanilang extension at pagbabalik sa sinehan.
Sana, patuloy nating sanayin ang sarili sa cinematic experience at panatilihing buhay ang sine sa sinehan. Lalo na yung Pinoy. Sana.
GORGY RULA
Kung 6.5M ang first day gross ng The Super Mario Bros. Movie sa local cinemas, hindi pa rin ganun kalakas iyon kung ikukumpara sa iba pang malalakas na foreign films.
Ang John Wick: Chapter 4 ay naka-P3M pa nung bumalik ito pagkatapos ng Summer MMFF.
Nakapanghihinayang lang ang Voltes V: Legacy dahil may ilang sinehang naapektuhan dahil sa technical glitch.
Nag-post si Suzette Doctolero ng kuha sa Grand Central na sold out na raw ang first screening ng Voltes V: Legacy.
Post niya sa Twitter at Facebook ngayong Biyernes: “Sold out rin ang first screening sa grand central! Salamat! Iba talaga ang pagmamahal ninyo kay Voltes V!”
Malaking bagay pa rin talaga kapag may network ka na magpu-promote ng pelikula mo. Minu-minuto ang trailer nito sa GMA-7, at magandang promo sa nalalapit na premiere nito sa GMA Telebabad sa May 8.
Marami pa raw aabangan sa series nito na hindi mapapanood sa kanilang cinema experience.
