PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Romnick Sarmenta's Award-winning Role Offer

Pinaghintay daw ng sikat at premyadong aktor ang producers bago ito umayaw
by PEP Troika
Published Apr 15, 2023
male celebrity blind item
Sino ang sikat at premyadong aktor na unang inalok para sa role na kalaunan ay napunta kay Romnick Sarmenta para sa pelikulang About Us But Not About Us? Ang role na ito ay siyang naging daan para sa pagkapanalo ni Romnick bilang Best Actor sa 1st Summer Metro Manila Film Festival.
ILLUSTRATION: Ryan Pancha

JERRY OLEA

Sabi-sabi, vindicated si Aljur Abrenica. Hindi raw niya dapat panghinayangan ang pagba-back out sa 1st Summer MMFF entry na Apag.

Kasi, nominado si Aljur na Best Supporting Actor sa 1st Summer MMFF para sa Single Bells, kung saan katakam-takam ang kanyang pa-abs.

Samantalang si Coco Martin na sumalo ng role dapat ni Aljur sa Apag ay hindi nominado. Inisnab ng mga hurado.

Iba naman ang kaso kaugnay sa papel ng gay professor sa pelikulang About Us But Not About Us.

Napag-alaman ng PEP Troika na inialok ang nasabing karakter sa isang sikat at premyadong aktor.

Pinaghintay ng sikat at premyadong aktor ang producers bago ito umayaw. Ang katuwiran ng aktor, mas gusto niya ng meatier role para sa bago niyang pelikula.

Ginawa ng sikat at premyadong aktor ang isang pelikula na pasado sa kanyang pamantayan. Kaso, kabilang yun sa dalawampu’t limang (25) naligwak sa 1st Summer MMFF.

Ang role na tinanggihan ng sikat at premyadong aktor ay sinalo ni Romnick Sarmenta, na tinanghal na Best Actor sa filmfest.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

GORGY RULA

Bago at kakaibang project sana ito para kay sikat at premyadong aktor.

Pero sabi nga nila, “What’s meant to be yours will come to you.”

Nag-align ang universe para mapunta ang project kay Romnick.

Ang role na ginampanan niya ay kapantay sa role na ginampanan ni Elijah Canlas.

Baka ang hinahanap ng management ni sikat at premyadong aktor ay role na mas naka-focus at iikot ang istorya sa karakter na gagampanan ng kanilang artista.

Kaya sa tingin ko, okay lang ito sa kanya.

Malaki ang nagawa ng pelikulang ito para kay Romnick.

Maaring mas iba ang ini-expect nila para kay sikat at premyadong aktor na tanggapin naman natin, nasa ibang level siya, at iba naman ang tinatahak ng karera ni Romnick.

Marami pang darating na proyektong puwedeng gawin ng sikat at premyadong aktor.

May mga naka-line up para sa kanya. Ang tanong lang dito, kailan na sisimulan?

Huwag na nating asahan ang natapos niyang pelikulang ligwak sa nakaraang filmfest.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NOEL FERRER

Talaga? Medyo nanghihinayang ako tungkol dito dahil naniniwala rin akong kayang gawin ng sikat at premyadong aktor na ito ang role na nabanggit.

Pero hindi rin natin alam kung nakarating nga sa sikat at premyadong aktor ang offer na ito o desisyon lang iyun ng management niya.

Mabait na tao ito kaya let’s give him na lang the benefit of the doubt.

Sayang but then, now hindi na rin nating ma-imagine na hindi si Romnick ang nasa role.

Sobrang nabuo niya ang character na Eric (at mahusay rin noong nag-shift bilang Marcus).

Sana, panoorin pa ito ng higit na maraming kababayan natin bago magtapos ang Summer Film Festival sa Martes.

Kanya-kanyang project at kanya-kanyang panahon. (In fairness, maganda rin sana ang pelikula ng magaling na aktor para sa filmfest, kakaiba!!!)

Kung sa iyo, sa iyo talaga! Ito ang panahon ni Romnick. Darating din ang panahon ulit nitong kaibigan kong magaling na aktor. Promise!!!

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sino ang sikat at premyadong aktor na unang inalok para sa role na kalaunan ay napunta kay Romnick Sarmenta para sa pelikulang About Us But Not About Us? Ang role na ito ay siyang naging daan para sa pagkapanalo ni Romnick bilang Best Actor sa 1st Summer Metro Manila Film Festival.
ILLUSTRATION: Ryan Pancha
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results