PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Sexy star, itsinitsismis ng dating karelasyong basketball player

Sexy star, tumulong sa pagpapatayo ng bahay ng mga magulang ng basketball player
by PEP Troika
Published Apr 10, 2023
blind item aktor at aktres
ILLUSTRATION: Ryan Pancha

GORGY RULA

Sa tingin ko, hindi pa alam ni sexy actress na itsinitsismis siya ng dati niyang karelasyong guwapong basketbolista.

Hindi nag-iingat si basketbolista, nagkukuwento tungkol sa dati niyang karelasyon na si sexy actress at halos isang taon din daw silang nagsama.

Naging sila bago nakarelasyon ng sexy actress ang kontrobersiyal na guwapong aktor na hindi na gaanong active sa ngayon.

Nakapag-ipon daw si sexy actress at nakapagpundar ng negosyo kaya kahit hindi siya ganun ka-in demand noon sa mga taping at shooting, may pera siya at kaya niyang tustusan ang dyowang basketbolista na wala pa namang name, na ang puhunan ay ang kakisigan at galing mag-dribble.

Kuwento ni basketbolista, hinding-hindi niya makakalimutan ang kabaitan at pagiging generosa ni sexy actress dahil tumulong ito sa ipinapatayong bahay ng kanyang magulang.

Nang nalaman daw ni sexy actress na medyo kinakapos na sa budget ng ipinapatayong bahay, kaagad daw naglabas ng datung si sexy actress. Ang laki raw ng naitulong nito na umabot ng halos isang milyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Lalo raw minahal ng basketball player si sexy actress na malaki ang naitulong para sa ipinapatayong bahay ng kanyang pamilya.

Kaya lang, kalauna’y nakaramdam ng takot si guwapong basketbolista. Ibang klase raw kasi ang pagka-possessive ni sexy actress, na halos ayaw na raw siyang palabasin ng bahay.

Natakot daw si basketball player sa pag-control sa kanya ni sexy actress kaya unti-unti na siyang kumalas dito. Hindi na naikuwento sa amin kung paano sila nagkahiwalay.

Tuloy pa rin ang career ni sexy actress.

Si guwapong basketbolista naman ay narinig naming dyowa na ngayon ng mayamang bading na unti-unti na ring nakikilala sa showbiz.

JERRY OLEA

Masalimuot ang love life ni sexy actress.

Pinagnasaan siya ng isang astig na aktor na co-star niya sa isang pelikulang bida niya.

Sa presscon ng kanilang movie ay vocal si astig na aktor sa feelings niya. Deadma si sexy actress at hindi niya bet makipagdyowa kay astig na aktor. Ibang aktor ang bumihag sa kanyang puso.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Samantala, mukhang swak sa isa’t isa ang guwapong basketbolista at ang mayamang bading. Natutugunan nila ang pangangailangan ng isa’t isa.

Hindi possessive ang mayamang bading, na humaharot sa iba pang mga guwapo, basketbolista man, o aktor, o modelo.

Kilalang generous si mayamang bading, at noong Kapaskuhan ay isang dakilang aktor ang nagkamit ng bonggang regalo mula sa kanya.

NOEL FERRER

Natapos lang ang Holy Week, sumisingaw na naman ang makamundong init.

Imbes na ang pag-usapan ay mga box-office hits, sa ibang heat na tayo bumabaling. Dahil ba kundi sa masyadong kumikita sa pelikula, doon na sa sideline gumagawa ng pera ang mga tao?

Happy Easter Monday, mga ka-Troika!!! Ipagpatuloy natin ang pagiging magiting!

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ILLUSTRATION: Ryan Pancha
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results