JERRY OLEA:
Nanguna na ang Chupa sa Top 10 Movies in the Philippines Today ng Netflix. Noong Abril 7, Biyernes Santo ng gabi, nag-umpisang mag-streaming sa Netflix Philippines ang American fantasy adventure film, na suitable for viewers 10 years old or older.
Pampamilya ang pelikulang tampok sina Demian Bichir, Evan Whitten at Christian Slater, sa direksyon ni Jonas Cuaron.
Ang buod ng Chupa: “A curious boy. A mysterious creature. And a scientist with something to prove. In the small Mexican town of San Javier, something strange is afoot.”
Nitong Easter Sunday, April 9, pumuwesto sa pangalawa agad ang Chupa.
Ang South Korean film na Kill Boksoon ang number one, na bale eight days na sa nasabing posisyon, simula noong April 2, Palm Sunday.
Umaatikabo ang aksyon sa Kill Boksoon, at nakakaantig sa puso. Ang galing-galing talaga ng title roler na si Jeon Do-yeon.
Nagwagi si Do-yeon na best actress sa 60th Cannes filmfest para sa Secret Sunshine (2007). Siya ang first Korean actress na nagwagi sa Cannes.
Ngayong Abril 10, Lunes, kinabog na ng Chupa ang Kill Boksoon. Pumangalawa na lang ang Korean action film. Pangatlo ang Thai film na Hunger.
Pang-apat ang 2014 film ni Russell Crowe na Noah, na angkop sa Lenten season.
Panlima ang MMFF 2022 entry nina Vice Ganda at Ivana Alawi na Partners in Crime. Pang-anim ang Irish film na Nocebo, kung saan markado ang role ni Chai Fonacier.
Pampito ang 2022 action film ni Hyun Bin na Confidential Assignment 2: International. Pangwalo ang Singaporean film na Circle Line.
Pansiyam ang MMFF 2022 entry nina Coco Martin at Jodi Sta. Maria na Labyu With An Accent. At pansampu ang Murder Mystery 2 starring Adam Sandler and Jennifer Aniston.
Dominated pa rin ng K-dramas ang talaan ng Top 10 TV Shows in the Philippines. Nananatili pa ring number one ang American action thriller series ni Gabriel Basso na The Night Agent. Sixteen consecutive days na itong namamayagpag!
Sixteen consecutive days na ring pangalawa ang Korean series na The Glory.
Nasa pangatlong puwesto ang Korean series na True Beauty, na bale nine consecutive days na sa puwestong iyon. Pang-apat ang American comedy-drama series na Beef, na bida sina Steven Yeun at Ali Wong.
Panlima ang Korean series na Mr. Queen. Pang-anim ang Chinese series na Lighter and Princess. Pampito ang Korean series na Unlock My Boss.
Pangwalo ang Taiwanese series na Copycat Killer. Pansiyam ang Korean series na All Of Us Are Dead.
At pansampu ang Korean series na Crash Course in Romance, kung saan ang bidang babae ay si Jeon Do-yeon na title role sa Kill Boksoon.
- Romnick Sarmenta, Elijah Canlas, Kylie Padilla, Gladys Reyes malakas ang laban sa 1st Summer MMFF Gabi ng Parangal
- May naglabas ng "Unofficial Box Office Standing" sa Facebook...
- Batiang Aljur Abrenica, Kylie Padilla, at iba pang mga eksena sa 2023 Summer MMFF Parade of Stars
GORGY RULA:
Biyernes Santo ko napanood sa Netflix ang Chupa na walang kamali-malisya kahit sinasabi ng bata na sucker ang ibig sabihin ng Chupa.
Pambata at nakakaaliw ang pelikula na kahit may kakornihan, na kung local film lang ito, tiyak na bagay ito isali sa MMFF.
Sinimulan ko na rin panoorin ang The Night Agent na hitik sa aksyon at sobrang nakaka-tense ang mga eksena. Wagas ang tensyon ko habang pinapanood ko ang first episode nito.
Ang naalala kong sobrang na-tense ako na series ay ang first 3 seasons ng 24 ni Kiefer Sutherland. Ganun din iyong The Night Agent na karakter na ginagampanan dito ni Gabriel Basso ay si Peter Sutherland. Kaya naalala ko tuloy ang crime drama series na 24.
Sobrang galing din ng direktor ng Kill Boksoon. Ang gaganda ng shots at mapapamangha ka sa mga action scenes na hindi mo akalain naisip pa iyun ng direktor na si Byun Sung-hyun na siya palang may gawa ng Kingmaker nung 2022 at The Merciless nung 2017.
Matutuwa ka rin sa Nocebo dahil ang galing dito ni Chai Fonacier at ang lakas ng Pinoy na karakter kagaya ng ginampanan ni Dolly de Leon na si Abigail sa Triangle of Sadness. Hindi iyung madalas na ginagawang kawawang nanny o domestic helper ang mga Pinoy.
NOEL FERRER:
Ito ngang Chupa ang highly recommended sa akin na panoorin at habulin sa streaming site, pati na ang Beef na isang maikling series naman. Pagkatapos ng Summer MMFF, bibigyan ko ang mga ito ng pansin!!!
