PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Jaclyn Jose on Life's Loneliness

Jaclyn Jose, ayaw na ng bagong karelasyon.
by PEP Troika
Published Apr 5, 2023
jaclyn jose apag premiere
Jaclyn Jose on solitude: “Kailangan yung acceptance, e. Ayan! Mga influence ng mga movies na pinapanood natin, mari-realize natin na huwag ka na magwu-worry, okay naman pala sila. So, all you have to do now is to take care of yourself, no need to worry anymore.”
PHOTO/S: Jerry Olea

GORGY RULA

Tanggap na ni Jaclyn Jose ang kanyang pag-iisa.

Hindi lang niya nilinaw ang tungkol sa kanila ng panganay na anak na si Andi Eigenmann na naninirahan na sa Siargao, at ang bunso niyang si Gwen na nasa Amerika.

Pero naniniwala siyang bandang huli ay magkikita pa rin sila ng kanyang mga anak.

“Malayo ang Siargao. Malayo ang Amerika. So, magkikita at magkikita pa rin kami,” pakli ni Jacklyn nang sandali namin siyang nakatsikahan sa nakaraang celebrity premiere ng pelikulang Apag, isa sa entries sa nalalapit na 1st Summer Metro Manila Film Festival.

Ramdam namin ang pait na nararamdaman niya sa kanyang mga pahayag dahil nandiyan pa rin ang kanyang pangungulila, pero dapat daw niya itong tanggapin.

Read: Jaclyn Jose opens up about emotional struggles as a single parent: "At the end of the road, you feel all alone."

“Kailangan yung acceptance, e,” sabi niya.

“Ayan! Mga influence ng mga movies na pinapanood natin, mari-realize natin na huwag ka na magwu-worry, okay naman pala sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“So, all you have to do now is to take care of yourself, no need to worry anymore.”

Okay na raw siyang mag-isa dahil masaya naman siya sa pangalawa niyang pamilya— ang entertainment industry na ginagalawan niya.

“Sabi ng anak kong lalaki, ‘Nay, don’t you want to do anything in your life?’ Well, just this. Nag-a-adjust lang mag-isa. I can go on.

“Ito namang pamilya ko ngayon, second family ko na itong industriya, e. Ang laki-laki naman nito,” madamdaming pahayag ni Jaclyn.

Kaya kahit Linggo ng Palaspas na dapat ay ipagpahinga niya, sumama pa rin siya sa karosa ng Apag na nagparada para sa Summer Metro Manila Film Festival.

Nag-e-enjoy siya kasama ang mga itinuturing niyang pamilya sa movie industry.

Read: Coco, Gerald, Kylie, Alex, other celebs brave summer heat for 1st Summer MMFF Parade of Stars

JERRY OLEA

Open ba si Jaclyn sa posibilidad na magkaroon ng bagong karelasyon para may katuwang siya at kasama sa buhay?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“No. I’m not longing anymore. I’m good. I’m perfect. Ngayon, ayoko na ng may kasama,” napapangiting bulalas ni Jaclyn.

Ang Apag ay idinirek ni Brillante Mendoza.

Maliban kay Jaclyn, tampok dito sina Coco Martin, Gladys Reyes, Senator Lito Lapid, Mercedes Cabral, Shaina Magdayao, Julio Diaz, Vince Rillon, at Mark Lapid.

NOEL FERRER

Ow, independent and happy woman na si Jaclyn!!! Palakpakan!

Sana, marami pa siyang magawang magagadang pelikula na maipagmamalaki natin dahil si Jane (ang totoo niyang pangalan) ay isang national treasure din.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jaclyn Jose on solitude: “Kailangan yung acceptance, e. Ayan! Mga influence ng mga movies na pinapanood natin, mari-realize natin na huwag ka na magwu-worry, okay naman pala sila. So, all you have to do now is to take care of yourself, no need to worry anymore.”
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results