PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Richard Gutierrez, kinakabahan sa topless scenes sa The Iron Heart

Richard Gutierrez, na-rediscover ang ganda ng Cebu.
by PEP Troika
Published Mar 13, 2023
jake cuenca richard gutierrez the iron heart
Richard Gutierrez (right) on doing workouts with The Iron Heart co-star Jake Cuenca (left): Minsan kami ni Jake, binubuksan namin yung gym sa hotel nang 5:00 a.m., nagwo-workout na kami. You know, we have our different programs pero at least may kasabay ka na nagwo-workout, di ba?”
PHOTO/S: ABS-CBN

JERRY OLEA

Nagkaroon ng thanksgiving dinner recently ang Team The Iron Heart kasama ang big bosses ng ABS-CBN. Ano ang good news doon?

“Ang good news is we’re extended,” pahayag ng bidang si Richard Gutierrez sa taping noong Marso 6, 2023, Lunes, sa Doctora Macrina Hills ng Cebu City.

Another extension ito?

“Ahhm, hindi, yung previous extension namin, yun na yun. Ahhmm but hopefully we’ll see if we get another extension but I don’t see a reason for us not to get extended with the way things are going now with the show, I think we deserve to get extended.

“And marami pang puwedeng puntahan yung kuwento. Andami pang characters. Nandiyan si Ian Veneracion, si Albert Martinez.

“Andami pa naming characters na puwedeng i-develop yung story. At marami pang papasok na ibang artists as guests.”

Hindi pa siya makakagawa ng movie dahil nakatuon siya sa The Iron Heart?

“Yes, Iron Heart muna. Naka-focus ako sa project na ito, and yun lang talaga ang main focus ko as of now.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Inaabangan ng viewers at netizens ang pa-abs ni Richard, pati nina Jake Cuenca at Enzo Pineda. May clamor for more bakbakan scenes na topless ang mga aktor.

“Yes, actually nung ginagawa namin yung mga eksenang yun, sobrang kinakabahan ako,” pagtatapat ni Richard.

“Kasi medyo matagal ko na siyang hindi ginagawa on TV. Ahhmm so, pinaghandaan ko talaga siya and I’m thankful na I’m surrounded by a good group of guys na talagang kasama kong mag-workout.

“Kasama ko sa training, sa diet. Especially si Jake na napakasipag mag-training. Kasabay ko siyang mag-training at we push each other to be better and to be the best.”

Paano iyong training nila ni Jake?

“Ahhmm kami naman ni Jake, we know na kung ano yung styles ng training namin,” tugon ni Richard.

“Like, I have my own personal training that my body needs, and yun yung talagang kailangan ko. And siya, meron din siyang sarili niyang training.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Pero parang… OK yung may kasabay ka na gigising nang maaga. Minsan kami ni Jake, binubuksan namin yung gym sa hotel nang 5:00 a.m., nagwo-workout na kami.

“You know, we have our different programs pero at least may kasabay ka na nagwo-workout, di ba?”

Matagal nang magkaibigan sina Richard at Jake.

“Sabay kaming nag-start sa Click. Nauna lang ako ng isang taon sa kanya,” pagbabalik-tanaw ni Richard.

“Twenty years na kami sa industry kaya parang full circle sa amin ni Jake. Parang andami nang nangyari sa amin as artists, as men.

“And then perfect timing na ngayon kami nagkasama after Click.”

Kabilang pa sa co-stars ni Richard sa The Iron Heart sina Sue Ramirez, Diether Ocampo, Dimples Romana, Maricel Laxa, Meryll Soriano, Sofia Andres, Baron Geisler, Christian Vazquez, Heaven Peralejo, at Pepe Herrera.

Sabi ni Richard, “Napakasuwerte ko dito sa The Iron Heart. Kasi lahat ng mga artistang kasama ko dito, napaka-talented at napakahusay at napakababait.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Walang may ere, walang pasaway. Lahat kami, we all get along. Yun ang importante. Actually ngayon sa The Iron Heart, parang isang malaking pamilya na kami talaga dito.”

NOEL FERRER

Cebu has always been a favorite na i-feature sa pelikula at TV shows, at buti na lang na-tap ulit ito — with Richard Gutierrez whose mom traces her roots there.

Maraming nadiskubreng bago si Richard sa Cebu City dahil sa pagti-taping doon ng teleserye niyang The Iron Heart.

“Just 30 minutes to an hour away, meron kang dagat na sobrang ganda,” lahad ni Richard.

“Meron kang mountain range na sobrang ganda, na ngayon ko lang din na-discover actually while filming Iron Heart.

“Ngayon ko lang talaga naikot nang husto ang Cebu. Marami pa palang madi-discover sa Cebu, and to think na I’ve been going back and forth sa Cebu eversince I was a kid.

“So, ngayon talaga nabigyan ako ng opportunity to discover more about Cebu, at ang kagandahan ng Cebu.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Napo-promote niya ang Cebu, at suportado ng mga Cebuano ang kanyang teleserye. Madali silang nakakapag-taping sa mga location na kailangan nila.

Tumango si Richard, “Yes, very well supported kami, ahh lahat ng mga Cebuanos, maraming-maraming salamat po sa inyo and of course yung LGU dito sa Cebu, very well supported din kami.”

Mas maaksyon na ang mga kaganapan sa The Iron Heart.

“Talagang painit na nang painit yung kuwento dahil nasa Season 2 na kami,” sambit ni Richard.

“Talagang pinapaganda pa namin lalo ‘yung kuwento, at gagawin pa naming mas maaksyon.

“Actually itong the past few days, puro action sequences ang ginagawa namin. Today lang kami medyo nag-rest sa action.”

GORGY RULA

Ang galing nga ng The Iron Heart, tuluy-tuloy ang taping nila sa Cebu. Hindi biro ang gastos sa out of town na location.

Patuloy sa paggawa ng magagandang programa para sa mga manonood, pero bumaba naman ang viewership sa telebisyon. Sana, bumalik ang interes ng taumbayan sa panonood sa TV, dahil patuloy pa rin sa paggawa ng magagandang material.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang dinig ko, sobrang laki na ng nagagastos sa Voltes V: Legacy dahil talagang pinapaganda ito ni Direk Mark Reyes.

Ngayong gabi, March 13, naman ay magsisimula na sa GMA Telebabad ang bagong makakatapat ng The Iron Heart, itong Hearts on Ice nina Ashley Ortega at Xian Lim.

Bagong material ito para sa mga televiewers, dahil ngayon lang magkakaroon ng kuwento tungkol sa figure skating.

Kung tinangkilik noon ang Bolera na kuwento ng babaeng champion sa billiard, ngayon naman ay isang babae ang magpapakitang gilas sa figure skating na gagampanan ni Ashley, na humakot din ng halos 80 medals sa figure skating.

Mukhang maganda ang takbo ng kuwento nito lalo na’t ang gagaling ng major support ng mga veteran stars na sina Amy Austria, Tonton Gutierrez, Rita Avila, at Lito Pimentel.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Richard Gutierrez (right) on doing workouts with The Iron Heart co-star Jake Cuenca (left): Minsan kami ni Jake, binubuksan namin yung gym sa hotel nang 5:00 a.m., nagwo-workout na kami. You know, we have our different programs pero at least may kasabay ka na nagwo-workout, di ba?”
PHOTO/S: ABS-CBN
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results