PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Amy Austria, nakaranas na rin ng pag-a-attitude ng young stars

Amy Austria, puring-puri si Xian Lim
by PEP Troika
Published Mar 12, 2023
Amy Austria
Inamin ni Amy Austria na siya na mismo ang gumagawa ng initiative para mag-break ng ice sa mga young stars na medyo may attitude: "Ako yung nagri-reach out, kasi ang iba, baka hindi mo rin alam kung minsan baka nahihiya sila o natatakot sila."
PHOTO/S: Gorgy Rula

GORGY RULA

Hindi na nawawala ang mga tanong sa mga veteran actors tungkol sa isyung pag-a-attitude ng mga young stars tuwing may mediacon ng bagong programa.

Kagaya ng nakaraang media conference ng bagong drama series ng GMA-7 na Hearts on Ice, kunsaan itinanong namin kay Amy Austria kung naka-experience din ba siya ng mga nag-attitude sa ilang mas batang artistang nakatrabaho niya.

Hearts on Ice cast

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayaw nang balikan yun ng aktres, pero napilit din naming magbigay ng blind item kung ayaw niyang sabihin kung sino.

May ilan daw siyang nakatrabaho sa nakaraang drama series na nagawa niya na ilang co-stars na hindi nambabati kahit magkakasama sila sa iisang dressing room.

“Siyempre, ang ginagawa ko, kapag may ganung mga bata, ‘O, halika hija, dito tayo, pag-aralan mo.’

“Maski nga yung iba, hindi ako binabati, ako ang unang bumabati. ‘Hello.’ Ako yung nagri-reach out, kasi ang iba, baka hindi mo rin alam kung minsan baka nahihiya sila o natatakot sila. So, habang nagdi-develop ka ng bonding sa kanila, ng friendship sa kanila, ng relationship sa kanila, unti-unti maga-guide mo,” saad ng premyadong aktres.

Ayaw niyang sabihin kung sino, pero may isa ring dedma lang, pero kapag may handaan na sa set, okay na raw ito.

“Yung darating, hindi man lang bumati, yung ganyan. ‘Tapos, pagdating… sama-sama kayo sa tent, mag-occupy siya ng napakalaking ano, may ganyan. Pagkatapos, minsan yun nga, hindi masyadong kabisado yung lines, ganyan, ‘tapos nag-a-attitude na [nagmumuwestrang umiirap], may ganun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Meron pang isa na may nakasama din kami na ayun, hindi ka kilala. Alam naman niya kung sino ka, ganyan-ganyan.

“Pero kapag merong handaan na, meron kang…naku! Nakakahiya naman, sinasabi ko ito… may pagkain na, lalapit na, yung ganun.

“Palagi yun, e. Wala. Hindi ako nakita. Pero kapag meron nang pagkain, ‘lika, kain tayo! Ay, hello!” dagdag na kuwento ni Amy.

Kinausap naman daw niya itong co-star niya at pinaintindi, at mabuti nagkaayos naman daw sila.

“Parang kinausap ko siya minsan. Kasi nahihirapan ako… pag magkatrabaho kayo, ang hirap magtrabaho nang hindi ka kumportable sa isang tao.

“Ibig sabihin, tanggapin niya o hindi, nailalabas ko lang yung nararamdaman ko. I mean, baka mamaya gawin sa iba, kawawa naman.

“Kinausap ko, ‘tapos inakap ko, ganyan. Nag-thank you naman siya,” saad ni Amy.

Dito naman sa Hearts on Ice, okay na okay raw ang mga kasama niyang mga batang artista.

Wala siyang masabi kina Ashley Ortega at Xian Lim na napakagalang daw sa kanila.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Magsisimula na ang Hearts on Ice sa Lunes, March 13, sa GMA Telebabad pagkatapos ng Mga Lihim ni Urduja.

JERRY OLEA

Si Xian Lim ang sobrang pinuri ni Amy na minsan ay pinagtripan pa raw nila ito ni Direk Dominic Zapata sa isang eksena.

“Si Xian Lim, hindi ko pa yan nakasama. First time nung storycon kami. Uminom ako ng kape, isa na lang, sabi ko, ‘Ay! Hindi ka pa pala nakainom.’

“Sabi kong ganyan, ‘Anak, gusto mo ng kape?’ ‘Tapos ang sagot niya… hindi niya alam kung nainom ko na, sabi niya, ‘Opo.’ So, humingi ako ng baso, hinati ko, uminom siya. Walang arte.

“’Tapos, nung nag-look test kami, may dala akong dulong. Nakita niya, ‘Ay! Dulong! Ay! Ang sarap ng dulong!’

“Tuwang-tuwa ako sa kanya, binigyan ko ng pambaon.”

Nagkasama na dati sina Amy at Direk Dominic sa Mulawin kung saan pinakain daw nila si Richard Gutierrez ng galunggong na akala nila, hindi ito kinakain ng aktor. Ganun din daw ang ginawa nila kay Xian.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“May eksena kami na galunggong ang kinakain, sabi ko, okay lang, baka kumakain talaga siya ng galunggong. Pinagkamay siya.

“In-adlib-an namin ng, ‘Direk, gawin natin yung ginawa natin nun kay Richard [Gutierrez], pinakain natin ng ulo.’ Sabi niya, ‘Sige, isama mo yun.’

“Nung eksena na, talagang kinain niya yung ulo. Pagkakain niya, ‘Hmmm ang sarap ng ulo,’ ganun-ganun.

“Alam mo, na cut na yung eksena, hawak niya yung galunggong, dalawa, kain siya nang kain. Kinakain pa rin niya, nagkakamay siya.”

Sabi naman ni Xian, hindi lang daw nila alam na talagang kumakain siya ng galunggong, pati ang ulo nito. Pero sumunod lang daw siya sa pinagawa sa kanya ni Direk at wala naman daw problema dun.

NOEL FERRER

Excited si Amy dito sa Hearts on Ice dahil ang tagal din daw niyang nabakante lalo nung nagka-pandemic.

Kaya raw niya tinanggap itong Hearts on Ice dahil nagustuhan niya ang script at nakakasama niya muli ang mga dati raw niyang nakatrabaho sa Mulawin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Nung nabasa ko yung script, ang ganda! Una, kaya tinanggap ko ito, kasi alam ko yung team namin ng Mulawin, sina Direk Dom, si Ms. Helen Rose Sese, Si Edlyn Tallada. Team ng Mulawin ‘to na kumportable ako at alam kong hindi sila gagawa ng hindi maganda.

“Kapag sila ay nagtrabaho, alam kong maayos, alam kong tutok, alam kong matino. And then, nang nabasa ko yung script, nakita ko yung role ko, hindi siya ordinaryong nanay lang.

“Kumbaga, kung titingnan mo, parang sa kanya nagsimula ang istorya nitong Hearts on Ice.”

Hindi raw naiwasang kabahan bago siya sumalang sa first taping day. Nanibago siya nang bumalik na siya sa trabaho.

“Nung nabasa ko yung script, una pa lang na-anxiety ako, ninerbyos ako, kasi ang tagal ko nang hindi lumabas, ‘tapos ang hahaba pa ng mga dialogues ko.

“’Tapos, may mga drama pa, may iyakan na hindi ordinaryong drama lang. ‘Tapos, kung papaano mo atakehin yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Nung first day naman, praise God! Napag-aralan ko na, maayos naman.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Inamin ni Amy Austria na siya na mismo ang gumagawa ng initiative para mag-break ng ice sa mga young stars na medyo may attitude: "Ako yung nagri-reach out, kasi ang iba, baka hindi mo rin alam kung minsan baka nahihiya sila o natatakot sila."
PHOTO/S: Gorgy Rula
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results