PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ruru Madrid Encourages Bianca Umali's Conversion

"Hindi ko naman siya tinutukan ng baril..."
by PEP Troika
Published Mar 11, 2023
Bianca Umali breaks silence on converting to Iglesia Ni Cristo
"Hindi ko naman siya tinutukan ng baril na, ‘Mag-convert ka para sa akin.’ Wala pong ganun," tanggi ni Ruru Madrid sa akusasyon na pinilit niya ang girlfriend na si Bianca Umali na magpa-convert sa relihiyon ng aktor na Iglesia Ni Cristo.
PHOTO/S: Courtesy: Instagram

GORGY RULA

Nilinaw ni Ruru Madrid ang isyung pagpapa-convert ng nobya niyang si Bianca Umali sa Iglesia ni Cristo (INC).

Ang sinasabi raw kasi ng karamihan na kaya naging INC si Bianca dahil sa kanya at hindi na maging isyu sa kanilang relasyon.

Hindi raw totoo ito, ayon kay Ruru.

Aniya, “Siguro, marami ring misconception na mga tao na parang pakiramdam nila, ang ginawa ni Bianca yung pag-convert sa INC just because of me. Pero siguro, naging instrumento ako.”

Hindi raw niya pinilit si Bianca, pero ipinagpanata niya ito.

“Kasi siyempre, hindi ko naman siya tinutukan ng baril na, ‘Mag-convert ka para sa akin.’ Wala pong ganun.

“Siya po yung nagsabi sa akin na open daw siya para sa aral ng Iglesia ni Cristo. And then simula nun, sabi niya sa akin gusto na niya magpa-doktrina.

“Birthday niya po yun. Kaya sobrang na-touch ako. Hindi naman po para maging parte ng Iglesia, hindi naman siya overnight lang, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“It will take 8 months bago ka ma-convert. Inaral niya po talaga yun.

“So, I don’t think just because of me kaya po niya ginawa yun,” saad ni Ruru nang nakatsikahan namin sa mediacon ng renewal niya bilang brand ambassador ng Beautederm.

Dagdag-excitement pa kay Ruru dahil magkasama sila ngayon ni Bianca sa bagong drama series ng GMA Public Affairs, ang The Write One na magsisimula na sa March 20, 2023, Lunes sa GMA Telebabad.

Pero mauuna muna itong mag-streaming sa VIU sa March 18.

JERRY OLEA

Ang isa pang nilinaw ni Ruru kaugnay dito sa pagpapa-convert ni Bianca sa INC ay ipinaalam daw muna nila sa ito sa lola ng aktres.

Sabi ni Ruru, “Actually, dalawa po kaming nagpaalam sa lola niya. At first, natakot kami na baka mamaya hindi pumayag, pero nagulat kami na sobrang open din ni Mama Vicky sa sinabi ni Bianca.

“Sobrang na-touch ako. Pinagpanata ko yun. Every night, pinagpi-pray ko yun.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Parehong endorser sina Ruru at Bianca ng Beautederm, at magkatambal sila sa The Write One.

Love team na ba ito?!

Magiging package deal na ba sila?!

Hindi naman siguro. After The Write One ay may kani-kanya silang projects.

NOEL FERRER

Nakikita namang seryoso na si Ruru sa relasyon nila ni Bianca at ang laki ng ipinagbago niya. Nawala na raw ang pagkahilig niya sa mga girls.

“Ay naku, hindi na talaga!” mabilis niyang sagot sa tanong ng PEP Troika kung nawala na ang pagiging babaero niya.

“Siguro nung mga una, kasi bata pa ako nun, e. Siguro po… sobrang vocal kasi ako sa nararamdaman ko, e.

“I mean, pag may nagustuhan na babae, sasabihin ko talaga. Siguro kasi nung time nan yun, single ako.

“So, puwede ko namang gawin yun na mga bagay na gusto ko. Pero ngayon kasi, wala na, e. Nakita ko na ang mga bagay na meron ako. Ayoko nang mawala yun,” sabi pa ni Ruru.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

So, sa napakagandang interview nila sa Level Up program ko sa Radyo Katipunan, nasabi nila na kapag sila ang susulat ng kanilang istorya, parang The Write One, isang private beach ceremony sana ang magkakaroon sila.

Pero mauuna muna sa simbahan ng Iglesia Ni Cristo.

Sa isang bahay sa Antipolo sila titira. Limang anak ang gusto ni Bianca, anim naman ang kay Ruru. At tuluy-tuloy sila sa pagtatrabaho pero pili na lang siguro para mabigyan din nila ng oras ang kanilang mga anak kung sakali.

Seryosohan na talaga sina Ruru at Bianca at napaka-vocal at totoo nila kaya mahal natin sila!

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Hindi ko naman siya tinutukan ng baril na, ‘Mag-convert ka para sa akin.’ Wala pong ganun," tanggi ni Ruru Madrid sa akusasyon na pinilit niya ang girlfriend na si Bianca Umali na magpa-convert sa relihiyon ng aktor na Iglesia Ni Cristo.
PHOTO/S: Courtesy: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results