GORGY RULA
Inamin ni Ruru Madrid na nagpaplano na siya ng future nila ng girlfriend na si Bianca Umali.
Sa mediacon ng Beautederm sa Luxent Hotel nitong Martes, March 7, 2023, tinanong ng PEP Troika sa Kapuso actor kung totoong nagpapatayo na siya ng bahay para sa kanila ni Bianca.
Read: Ruru Madrid on Bianca Umali: "Sana siya na talaga yung babae na nakatakda para sa akin."
Sabi ni Ruru, para muna sa kanyang pamilya ang ipinapatayo niya ngayong bahay. Pero ang susunod daw ay para na sa kanyang sariling pamilya.
“Yung isa po para sa pamilya ko. Iyon po yung dream house ko for them.
"And then, after that, pag once na matapos ko na po yun, ayun na, siyempre po para sa aking susunod na pamilya,” pahayag ni Ruru.
Si Bianca ba ang tinutukoy niyang "susunod na pamilya"?
“Yes. Hopefully,” seryoso niyang sagot sa amin.
Nagpapasalamat si Ruru sa GMA-7 at sa Sparkle dahil alaga ang kanyang career at hindi siya nawawalan ng trabaho. Dahil dito, unti-unti nang natutupad ang matagal na niyang pangarap na maipagpatayo ng bahay ang kanyang pamilya.
“Parang simula nung kumikita na ako. Siyempre, hindi naman kami galing sa mayamang pamilya, ayoko nang hayaang bumalik yung buhay na nahihirapan na ang pamilya ko.
“Sinabi ko talaga sa simula na nagtrabaho ako, kahit na gaano ito nakakapagod, kahit na dugo’t pawis ang inaalay ko dito, okay lang sa akin basta mabigyan ko ng magandang buhay yung pamilya ko, at yung magiging pamilya ko na susunod sa buhay ko,” saad ni Ruru.
Isa si Ruru sa ni-renew bilang brand ambassador ng Beautederm, kasama sina Rayver Cruz, Cassy Legaspi, at Sanya Lopez.
Ipinakilala na rin ang mga bagong pamilya ng naturang skincare products na sina, Edgar Allan Guzman, Ysabel Ortega, Thia Tomalia, Patricia Tumulak, at Buboy Villar.
Nagpapasalamat si Ms. Rhea Anicoche-Tan dahil hindi raw siya nagkakaproblema sa limang taon nang partnership nila sa Sparkle ng GMA-7.
NOEL FERRER
“Ay naku, hindi na talaga!” mabilis na sagot ni Ruru Madrid nang tinanong ng PEP Troika kung hindi na siya babaero magmula nang naging sila ni Bianca.
“Sobrang vocal kasi ako sa nararamdaman ko, e. I mean, pag may nagustuhan akong babae, sasabihin ko talaga.
“Siguro nung time kasi na yun, single ako. So, puwede ko naman gawin ang mga bagay na gusto ko.
"Pero ngayon kasi, wala na, e. Nakita ko na ang kahalagahan na mga bagay na meron ako. Ayoko nang mawala yun,” dagdag niyang pahayag.
Read: Bianca Umali finally speaks out about 2019 parking-lot incident with Ruru Madrid
Magiging panauhin ko sa Level Up this Friday ang The Write One tandem na RuCa, Ruru and Bianca, at pag uusapan namin ang first major project nila together under GMA News and Public Affairs and Viu.
Mukhang alagang-alaga talaga sila at pati sa promo at social media ay very visible ang dalawa. Mabuti naman at nabibigyan na sila ng break that they so deserve!

JERRY OLEA
Sa unang mall show ni Bianca para sa Beautederm noong Setyembre 11, 2022, sa Ayala Malls Cloverleaf, napakatamis ng kanyang ngiti nang ipakilala ang next celebrity na magpe-perform.
Ani Bianca, “Eto ang talagang may-ari ng puso ko… palaging sumusundo sa akin… ang nag-iisang lalaki sa buhay ko… Let us all welcome Lolong, Ruru Madrid!”
Iyon ang first public appearance nila kung saan ipinahiwatig nila ang kanilang pagmamahalan.
Dahil magkatambal sila sa bagong Kapuso show na The Write One, OK na OK na magkasama sila sa event ng iniendorso nilang skincare product this Tuesday.
Cheers to the young lovers!
More Hot Stories:
