JERRY OLEA
Bigay na bigay si Mikoy Morales bilang metrosexual na si Cecile sa excerpt night ng DickTalk noong Pebrero 21, Martes, sa Dengcar Theater ng Mowelfund, Ilang-Ilang St., Quezon City.
Fantabulous at makatikwas-eyebrow ang hanash ni Cecile na, “I am not gay!”
Natawang pahayag ng Kapuso actor, “It was almost like a no-brainer. Kasi parang… nung dinescribe pa lang yung kung ano yung project, parang all in na ako.
“’Tapos, nung nalaman ko pa, bonus yung karakter, kung ano ang gagawin, parang ahh f*ck! This is like I’ve been talking about this.
“I’ve been advocating for this for a long time now. Hahahaha! ‘Tapos, finally, may sapul na karakter na puwedeng magsalita tungkol sa mga bagay na yun.”
May hints of entitlement at medyo condescending ang karakter niyang si Cecile.
Pagmamatwid ni Mikoy, “Walang mabait at masamang t*t* dito. It’s just that we made it as human as possible and also as entertaining as possible.”
Pink ang uniform ni Mikoy sa kanyang monologo. The mere fact na nag-deny ang karakter niyang si Cecile, “I’m not gay!” — red flag iyon. May ipinapahiwatig. Tila may kung anong ilaladlad.
Ang galing-galing ni Mikoy sa kanyang patikim. Nakakapagduda ang paglalantad.
Napangiti si Mikoy, “Tama, oo nga, may ganun ngang possibility. Pero mas pampalaro lang yun, e.
“But more than that, ang pinaka-goal talaga na gustong sabihin ng karakter ni Cecile is yun nga, e, bakit baligtad?
“Pag sinabi ng isang tao na, ‘I’m not gay,’ mas lalo mong sasabihin, ‘Ay, hindi! Confirmed, bading ka!’
“Why can’t people take this, those straight to the point. That’s also another way of looking at it na parang puwede nga rin naman dahil defensive siya, di ba?
“Depende sa pagkuwento sa kanya but the thing is, parang ano nga ba yung mga tinitingnan natin sa pagkatao ng isang lalaki para masabi or ma-confirm kung ano ba talaga ang sexual orientation niya?
“So, yun yung gusto kong ilaro at patunayan ni Cecile sa play na ito.”
Ano ba ang ipinaglalaban ng kanyang t*t*?
Napabuntong-hininga si Mikoy, “Siguro ang ipinaglalaban ng t*t* ko ay yung maintindihan, na huwag i-categorize. Huwag i-box. Huwag ikahon. Huwag ilagay sa standards na alam lang natin.
“Dahil maraming klase at uri ng tao, at maraming klase at uri ng mga preferences na meron tayong gusto.
“At kung merong akong ise-share tungkol kanino man sa mga… specifically I’m talking about dun sa mga… merong rooted na toxic yung masculinity nila, and pati rin sa mga previous recurring traumas nila siguro before.
“Na… let’s break the cycle. Let’s break the cycle! Let’s stop raising generations na hindi pinag-uusapan yung mga mahirap pag-usapan na bagay.
“Let’s talk. Let’s talk! Whether dicks, I don’t know if it makes sense, metaphorically. But yun, let’s talk! Yun!”
GORGY RULA
Naging totoo si Mikoy nung minsang nakausap namin. Hindi lang puwedeng ilabas dahil may ilan pang konsiderasyon at iniingatan.
Pero tiyak na may bahagi ng karakter na Cecile sa naturang play na nakaka-relate siya nang bonggang-bongga.
Magaling siyang aktor at totoong alagad ng sining.
Co-stars ni Mikoy sa theatrical play na DickTalk sina Jake Cuenca, Archi Adamos, Gold Aceron at Nil Nodalo, sa direksyon ni Phil Noble.
Itatanghal ang DickTalk mula Abril 15-23 sa Carlos P. Romulo Auditorium ng RCBC, Makati City.
Available na ang tickets sa Ticketworld, sa halagang P2,000 (Balcony), P2,500 (Lodge), P3,050 (Orchestra Side) at P3,650 (Orchestra Center).
NOEL FERRER
Sabi ni Jake Cuenca kaugnay sa karakter ni Mikoy sa DickTalk, “Also with the gay thing, I can also go back to it na parang… is he really not gay, di ba? He can be gay, he’s denying it.
“So please help us spread the word, because the material is not stereotypical. Di ba? In the surface, mukha kaming stereotypical male people.
“But then if you listen to the material, it explains, di ba, kung ano ang pinagdadaanan ng mga lalaki. It also explains kung bakit naka-cancel ang mga tao in this day and age.
“It’s an eye-opening play, di ba? It’s a dialogue that people need to hear, especially in this day and age that we’re cancelling people right and left just for saying the wrong thing, di ba?”
Knowing Mikoy, he will pull this through and he has a good understanding of his role really. At hindi na rin siya baguhan sa teatro kaya nakaka-excite kung paano niya itatawid ang kanyang colorful monologue!
Parang somewhere in this play, you will find yourself. Ganun?
