JERRY OLEA
First choice ni Ms. Jamira “Jam” Magcale ang TikTok superstar na si Queenay Mercado para maging brand ambassador ng inilunsad na skin care product.
Si Ms. Jam ang presidente ng JDM Corporation, ang distributor ng Jullien Skin Rejuvenating Set na naglalaman ng sabon, toner, sunscreen at night cream.
Mas praktikal bang kuning endorser ang social media influencer na kagaya ni Queenay — na mahigit 12M ang followers sa TikTok — kesa sa mga artista sa mainstream showbiz industry?
'“Yeah, I think so,” sabi ni Ms. Jam sa mediacon noong Pebrero 22, 2023, Miyerkules, sa Scout 1880 Cafe and Events Venue, Mother Ignacia Avenue cor. Sct. Reyes St., Quezon City.
“Because like Queenay, she is… ahhh, I think a lot of people, even with myself, I look into their views of real people since they’re the ones who really use the products as well.
“Ahhmm and with Queenay, ahhmm I think with social media people kasi, their reach is… endless. And it’s growing right now.
“So I think you know it’s a good strategy for us also to get somebody who has such a big following like Queenay, 12M and growing.
“So yeah, I think yes po.”
NOEL FERRER
Iba na ang kalakaran sa pag-a-advertise. Hindi na masyadong palasak ang mga TVC ngayon.
Targetted na ang advertising sa audience kaya imbes na big commercial ngayong medyo bumaba ang TV viewers, mas nagko-concentrate sila sa mga influencers na easily identifiable ang audience.
Kaya habang nakakapagtipid sa gastos for influencers, puwedeng mas marami pang ma-engage na mga taong puwedeng bigyang trabaho, and can bring more engagement sa target audience.
Thus, the popularity of people like Queenay.
GORGY RULA
Binago ng pandemya ang mga kagawian at pamumuhay natin. At ang pagbabago sa isang aspeto ay may domino effect sa iba pang mga larangan at bagay-bagay.
Halimbawa, nang magsara ang mga sinehan, mas nasanay ang mga taong manood sa streaming platforms. Naging online maging ang panonood sa TV programs.
Nagsulputang mga kabute ang mga social media influencers, at matindi ang kanilang kumpetisyon. Kani-kanya ng paandar at pautot. Ang iba’y novelty at hindi nagtatagal, at nagkakaproblema sa mental health.
Sweet, simple and humble ang dating ni Queenay, hindi toxic, kaya hindi kataka-taka na dumarami ang kumukuha sa kanya bilang endorser. Malinis at maganda ang kanyang imahe, at iniingatan niya iyon.
Andaming online sellers, pero iilan lang ang umaangat at nagtatagal.
Nabago na rin ba ang buying habits ng mga tao? Marami ba ang mas gustong mamili na lang online dahil mas praktikal iyon at mas mura? Nabawasan nga ba ang mga nagpupunta at namimili sa mga mall?
Kaya naman nag-level up ang mga mall sa kanilang mga dekorasyon at promo upang maengganyo ang mga tao na lumabas ng bahay, at pumunta sa mall para mamili, kumain o mag-aliw.
