PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Queenay sa mga nai-insecure sa kanyang dialweg sa accent

Queenay Mercado, may time pa kaya sa mga manliligaw?
by PEP Troika
Published Feb 22, 2023
queenay mercado endorsement
Queenay Mercado on having suitors: May mga sumusulpot na parang kabute, na mamaya ay lulubog-lilitaw. May mga ganun ho pero siyempre, hinahayaan ko lang ho dahil alam naman natin na ang pag-ibig ay nandiyan lang. At kung ang tunay na pag-ibig ay hahanapin mo, baka tayo ay ma-hopia lang pero siyempre hahanap din tayo at gagawa ng paraan paminsan-minsan."
PHOTO/S: Jerry Olea

JERRY OLEA

Young and sweet. Simple and humble. Hindi toxic.

Ganyan ang paglalarawan ni Ms. Jamira “Jam” Magcale, presidente ng JDM Corporation, kay Queenay Mercado kaya kinuha niya itong endorser ng Jullien Skin.

Kainaman! Aba’y sa tamis-tamisan ni Quuenay at kaabalahan sa maraming bagay-bagay, may oras pa ba para siya’y mapormahan at maligawan?!

“Naku nga, yan nga ho ang panalangin ko!” napangiting bulalas ng 21-anyos na si Queenay sa mediacon nitong Pebrero 22, 2023, Miyerkules, sa Scout 1880 Café and Events Venue, Mother Ignacia Avenue cor. Sct. Reyes St., Quezon City.

“Iyan ang dinadasal-dasal ko araw-araw, gabi-gabi. Na sabi ko’y iyan, ‘Inay, diyan muna kayo at ako’y ano muna dine sa isang tabi.’

“Pero may mga naliligaw din ho. May mga sumusulpot na parang kabute, na mamaya ay lulubog-lilitaw.

“May mga ganun ho pero siyempre, hinahayaan ko lang ho dahil alam naman natin na ang pag-ibig ay nandiyan lang.

“At kung ang tunay na pag-ibig ay hahanapin mo, baka tayo ay ma-hopia lang pero siyempre hahanap din tayo at gagawa ng paraan paminsan-minsan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kaya tatakas sa Inay minsan, charot lang!” pagbibiro ng TikTok superstar na may 12M followers sa naturang platform.

Kumusta ang Valentine’s Day niya?!

“Ayun, kasama ko ho ang Inay! Hi! Hi! Hi! Hi!” pagbungisngis ng dalagang Batangueña.

“Ang Valentine’s Day ko ay kami lang din ho ng aking pamilya. Actually masaya naman ho ako sa aking sarili ngayon.

“Self-love, bakit naman hindi? Sa mga single diyan, huwag kayong mag-alala. May magmamahal din sa atin. Basta alagaan lang natin ang ating sarili...?!”

NOEL FERRER

Pumatok si Queenay sa kanyang authentic Batangueña accent, at sa dynamics nila ng kanyang ina sa TikTok.

Kaya lang, ang daming gumaya sa kanya! Pag pinanood ang TikTok video niya, sumusulpot na rin yung mga sumunod sa mga yapak niya. Andaming gumaya sa kanya!

“Opo! Actually, natutuwa po ako na may gumagaya sa akin dahil hindi ho ako para ma-insecure or what na, ‘Aba! Ba’t ako ginagaya?’ Hindi ho!” pagdidiin ni Queenay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“I’m very happy dahil siyempre, ang mga Batangueño, aba’y naiaangat natin ang ating mga sarili, ang ating probinsiya. Aba!

“Masayang-masaya ho ako dahil nailalabas na nila ang kanilang sarili. Dahil ho kung dati, sila ay nakatago, nakakubli sa kanilang mga sarili, ngayon ay nailalabas na nila ang kanilang sarili.

“Kumbaga hindi na sila nahihiya na ipakita ang punto nating mga Batangueño!”

At sa mga Batangueñang dilag sa TikTok, ipinagbubunyi na bukod-tangi ang kanyang ganda, at siyang tunay nilang Queen, ay!!!

“Aba! Ay kinilig naman ako doon! Maraming-maraming salamat ho pero mga Batangueño, sama-sama tayo at lahat tayo ay gaganda!” sambit pa ni Queenay.

GORGY RULA

Kinaaliwan nga si Queenay sa kanyang Batangueña accent. Sana, maging effective endorser din siya.

May ilang social media influencers na sikat na sikat pero hindi raw nakatulong sa sales ng produkto. Meron namang okay silang endorsers, kasi ang sipag magpu-post sa kanilang social media account at talagang nakakabenta.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Kaya ang ilang mga kilalang produkto, lalo na ang mga skin care products, mas gusto na nila sa mga ganitong endorsers dahil mababa pa ang talent fee, effective na.

Narinig naman naming may sikat na artistang suki sa mga endorsements, pero iilan lang daw ang talagang ibinibenta niya sa social media. Kaya nagsisi ang isang kumpanyang kumuha sa kanya dahil bagsak ang sales ng produkto niya. Hindi na raw ire-renew ang kontrata nito.

Sana, magsipag din si Queenay sa pag-endorso nito sa kanyang social media account.

May isa pang Batanguenang bentang-benta rin ngayon sa TikTok, ang batang si Kulot na kasali sa segment ng It’s Showtime na "Isip Bata."

Sobrang nakakatuwa itong si Kulot na ang lutong niyang bumitaw ng pagiging Batanguena, at sobrang kuwela ang mga binibitawan niyang komento.

Ang lakas niya sa TikTok at puwede talaga siyang mag-artista. Sana mabigyan din ng break ang Batangueñang batang ito.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Queenay Mercado on having suitors: May mga sumusulpot na parang kabute, na mamaya ay lulubog-lilitaw. May mga ganun ho pero siyempre, hinahayaan ko lang ho dahil alam naman natin na ang pag-ibig ay nandiyan lang. At kung ang tunay na pag-ibig ay hahanapin mo, baka tayo ay ma-hopia lang pero siyempre hahanap din tayo at gagawa ng paraan paminsan-minsan."
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results