PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Richard at Raymond Gutierrez love life

Richard Gutierrez, sa online pa lang na-meet ang boyfriend ni Raymond.
by PEP Troika
Published Feb 20, 2023
richard gutierrez raymond gutierrez love life
Richard Gutierrez (left) on twin brother Raymond's (right, in brown) blooming love life: “So finally, meron na siyang love life. For a long time, wala siyang love life, talagang… happy ako sa kanya kasi, yun nga, nasi-share na niya sa buong mundo yung love life niya. Ako, matagal ko nang sini-share yung love life ko e, and finally he’s there at that point. I’m so happy for him.”
PHOTO/S: Gorgy Rula / @mond on Instagram

GORGY RULA

Nang naka-lunch at nakatsikahan namin si Richard Gutierrez nung Huwebes, February 16, 2023, nagkaroon kami ng pagkakataong mahingan siya ng reaksiyon tungkol sa love life ng kapatid niyang si Raymond Gutierrez.

Read: Raymond Gutierrez shares sweet video montage of boyfriend Rob's birthday

Masaya raw siya para sa kakambal dahil ngayon lang niya itong nakitang masaya na naibabahagi na ang buhay pag-ibig nito.

Aniya, “I’m so happy for Mond. Kasi parang late bloomer talaga si Mond, e, ever since di ba?

“So finally, meron na siyang love life. For a long time, wala siyang love life, talagang… happy ako sa kanya kasi, yun nga, nasi-share na niya sa buong mundo yung love life niya.

“Ako, matagal ko nang sini-share yung love life ko e, and finally he’s there at that point. I’m so happy for him.”

Ayon kay Richard, mabait itong partner ni Raymond na si Robert William, pero hindi pa raw sila nagkikita nang personal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Mabait si Rob, yung partner niya. Ano lang, online. Kasi nung nandito siya… sila ni Sarah [Lahbati, Richard's wife], kasama siya.

“Nasa Cebu kasi ako nun. Nasa lock-in taping ako, so online nag-meet kami,” dagdag niyang pahayag.

NOEL FERRER

Maganda naman na integrated na sa pamilya somehow ang partner ni Mond, kahit online pa lang kay Richard.

Biro ng mga kasamahan natin sa panulat, ang love life ba ng kanilang Ate Ruffa Gutierrez ay integrated na rin sa kanilang one happy family?

Read: Ruffa Gutierrez reacts to critics who say Herbert Bautista is not the marrying type

JERRY OLEA

Family is love. And love wins!!!

Sa totoo lang, si Raymond daw ang isa sa nag-inspire kay Richard na lalong pagandahin ang kanyang katawan para na rin sa The Iron Heart.

Winner ang mga pa-abs ni Richard pero kailangan daw niya talagang magbawas ng timbang para sa stunts niya sa The Iron Heart. Pero lalo raw siyang nagpursigeng magpaganda ang katawan dahil nakita niyang kinaya ito ni Raymond.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Actually si Raymond, matagal din niyang trinabaho yun, e. Pero naging inspiration ko si Raymond, na kung kinaya niya, kaya ko din,” sabi pa ni Richard.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Richard Gutierrez (left) on twin brother Raymond's (right, in brown) blooming love life: “So finally, meron na siyang love life. For a long time, wala siyang love life, talagang… happy ako sa kanya kasi, yun nga, nasi-share na niya sa buong mundo yung love life niya. Ako, matagal ko nang sini-share yung love life ko e, and finally he’s there at that point. I’m so happy for him.”
PHOTO/S: Gorgy Rula / @mond on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results