JERRY OLEA:
Tatlumpo’t tatlong (33) pelikula ang isinumite para lumahok sa unang summer edition ng Metro Manila Film Festival (MMFF) na gaganapin sa Abril 2023. Finished films ang mga ito.
READ: MMFF 2022, naabot ang P500M target; 1st Summer MMFF, tuloy na ngayong 2023
Dalawampu’t tatlo (23) sa mga ito ay bagong pelikula, at sampu (10) ang resubmissions mula sa December 2022 MMFF.
"With the record-breaking number of films that have been submitted to us, we can say that our local movie industry is back in their game and is starting to create more quality films again for us to enjoy in the first-ever Summer MMFF," pahayag ni MMDA Acting Chairman and MMFF Over-all Chair Atty. Don Artes.
"The MMDA and the film industry are both excited and looking forward to the success of the summer film fest which is another avenue to showcase local talent in making world-class Filipino films.
"The MMFF's victory is the victory of the whole Philippine film industry."
Sa Pebrero 24, Biyernes, nakatakdang ihayag ang walong official entries.
Ang criteria sa pagpili: artistic excellence (40%), commercial appeal (40%), Filipino cultural sensibility (10%), at global appeal (10%).
Ang Summer MMFF 2023 ay tatakbo mula Abril 8 hanggang 18. Ipapalabas ang entries nationwide.
Ang Parade of Stars ay gaganapin sa Abril 1, Sabado, sa Quezon City. Ang awards night ay sa Abril 11, Martes.
GORGY RULA:
Inaasahang naiiba ang line-up ng walong pelikulang pipiliin nila. Hindi ito ang mga typical na pelikulang napipili nila sa Metro Manila Film Festival.
Sabi kasi ng nasa Executive Committee ng MMFF, pambata o pampamilya ang napapanood sa MMFF sa December.
Sa Summer MMFF naman ay mga kabataan o nasa Gen Z, dahil summer vacation nila ito. Tingnan natin kung anong tipo ng mga pelikula ang tingin nilang pang-Summer.
Mapipili kaya rito ang summer film ng ALV at Bench Productions na G! LU na ginawa nila ilang taon nang nakaraan? Kasama pa rito si David Licauco.
Sabi ni David sa nakaraang mediacon ng Without You, iyun daw ang balak ng producer sa napakatagal na nilang pelikula.
May apat daw na pelikulang isinabmit ng Viva Films. Ang Viva pa rin kaya ang mamamayagpag sa Summer MMFF, kagaya ng nung nakaraang Metro Manila Film Festival?
May ilan pa kaming nabalitaang mga bagong pelikulang inihabol sa deadline, pero saka na natin itsika kapag napili na ang mga ito.
NOEL FERRER:
Nakakatuwa talaga ang submissions. At ngayon, trabaho na ng Selection Committee, sa pamumuno ni Tita Boots Anson Roa-Rodrigo, ang pumili ng walong kalahok na ia-announce before the end of the month.
Excited tayong lahat na makita na muling magkakaroon ng showcase ng purely Filipino films na this Summer.
Sana talaga, magkaroon na ulit ng hit na Filipino film sa sinehan after the MMFF.
- MMFF 2022 box office: Deleter naka-P234M; last placer naka-P1.5M lang
- MMFF 2022 Parade of Stars sidelights: "Kamandag" ni Ian Veneracion, first-timer Sean de Guzman, at mga dahilan ng mga absent sa parada
- MMFF 2022 Parade of Stars scene-stealers: Vice Ganda at Toni Gonzaga, nagyakapan; Jake Cuenca, may pa-abs
